Nagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa aking mata. Napabangon ako subalit sobrang bigat ng katawan ko. Napapikit ako at huminga nang malalim. “Gising ka na.” Naimulat ko ang aking mata at nakita ang nakangiting mukha ni Bebeng. “Ano’ng nangyari?” tanong ko. “Nagtangka ka lang namang magpakamatay bata ka. Inaapoy ka ng lagnat kagabi. Huwag mo na ulit gagawin iyon ha. Sobrang nag-alala kami sa ‘yo. Magalit ka na o kung ano pa man diyan huwag na huwag mo lang kikitilin ang buhay mo. Isipin mo Adalee ang mama mo nag-aagaw buhay. Ginagawa ang lahat para mapalayo kay kamatayan tapos ikaw basta-basta mo na lang puputulin,” aniya. Kita kong galit siya pero pinipigilan niya lang. “Hindi na ikaw ang Adalee na nakilala ko. Naiintindihan kong napapagod ka na, pero hindi solusiyon a

