Maaga pa lang ay ginising na ako ni Bebeng. Hindi ko nga rin alam kung bakit. “Ano’ng nangyari sa mata mo’t sobrang maga? Umiyak ka kagabi?” usisa niya. Natigilan naman ako at umiling. “H-Hindi, nasobrahan lang siguro sa tulog,” sagot ko. Kita ko namang hindi siya naniniwala. Buti na lang at hindi na rin siya nagpumilit pa na sagutin siya. “Sige na, mag-ayos ka na at sasamahan kita ngayon na pumunta sa inyo,” aniya. Natigilan naman ako at gulat sa narinig. “A-Ano ang ibig mong sabihin?” “Hindi ba gusto mong makauwi sa inyo para makita ang kalagayan ng mama mo? Isa pa nagtagumpay ka rin sa pinagawa ni, Orlando sa ‘yo kaya sinabihan niya ako kagabi na samahan ka ngayon sa inyo. Kahit na alam mong hudas siya pero totoong tinutupad niya talaga ang pangako niya,” sagot niya. Nakaramd

