Nagmamadaling umalis ako ng warehouse at patakbong pumasok sa sasakyan. Halos hindi na ako makahinga dahil sa mga nangyari. “How was it?” Napalingon ako at tiningnan si Orlando. Nakadekuwatro lamang siya habang humihithit sa kaniyang sigarilyo. Napalunok ako at umiling. Kaagad na kumunot naman ang noo niya. “What do you mean?” “N-Nabaril ko ang d-daliri niya. Mamamatay na ba siya? Humandusay siya bago ako umalis,” nag-aalala kong wika. Tiningnan niya lang ako at ilang sandali pa ay humagalpak siya ng tawa. “Mierda!” aniya habang tawa pa rin nang tawa. “May nakakatawa ba roon ha? Nakapatay ako ng tao walang nakakatawa roon,” sabat ko at naiiyak na rin. Hindi ko mapigilan ang emosiyon ko dahil sobrang takot na takot ako. Sobrang nagi-guilty ako. “So what kung nakapatay ka? Kung d

