“Sa bahay na lang namin tayo gumawa okay lang ba?” wika ni Mariana. Nagtinginan naman kami at tumango. Pero kailangan ko pang magpaalam kay Orlando. Sana nga ay payagan ako. “Ikaw Adalee, okay ba sa ‘yo?” tanong ni Richard. “Uy! Mukhang iba na ‘yan, Chard,” tukso ni Tippy. Kaagad na nakaramdam naman ako ng awkwardness. Napapansin ko rin ang kakaibang tingin niya sa ‘kin. Hindi naman sa nagfe-feeling ako pero ayaw ko lang na binibigyan ng ibang meaning ang aksiyon ko. “Puwede kitang sunduin sa inyo,” aniya pa. Umiling naman ako kaagad. “Huwag na, magpapahatid lang ako. Pakibigay lang ng address mo, Mariana para makapunta ako bukas,” sagot ko. Kita ko naman ang makahulugang tingin at ngiti nila. Nagsulat naman si Mariana at ibinigay sa ‘kin. Sakto ring natapos na ang time namin kaya n

