Makalipas ang ilang linggo ay nagpapasalamat ako at wala si Orlando. May business sa ibang bansa kaya malaya akong makagalaw-galaw kasama si Bebeng. Ni minsan ay hindi pa kami nakakapag-usap. Bumalik na naman kami sa dati. Ako na umiiwas palagi at siya naman na sobrang suplado. Wala naman akong pakialam doon. Iyon nga lang ay naiipit si Bebeng D sa hidwaan namin. I mean, sa totoo lang sa akin lang naman big deal iyon. Kasi sa kaniya wala lang iyong nangyari. Normal lang iyon sa kaniya. Paakyat na ako ng hagdan nang makita siya at pababa rin. Kaagad na umakto akong hindi siya nakikita at deritso lang ang tingin. Nilampasan ko naman siya at nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang at wala siyang sinabi o ano. Dumeritso na ako sa kuwarto ko at akmang isasara iyon nang mabilis na pumasok siy

