COS-1

1114 Words
“Okay ka lang?” Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Ilang oras na ang nakalipas simula nu’ng nangyari kanina. Sobrang sakit ng katawan ko at nauuhaw ako. Tiningnan ko siya at mahinang tinanguhan. Wala kaming kasama rito sa loob ng kuwartong pinagdalhan sa ‘kin ng mga tauhan ng punggok na lalaki kanina. Sobrang nandidiri ako sa sarili ko. Hindi ko maiwasan ang mapaluha nang maalala iyon. Hindi ko akalaing sa ganoong paraan matatapos ang lahat. “I’m Alice,” aniya. “Adalee,” sagot ko. “Ang bata mo pa, Adalee. Hindi mo dapat nararanasan ‘to. Mga halang ang kaluluwa ng mga ku-mid-nap sa ‘tin,” wika niya. Tiningnan ko siya at mukhang mas matagal na siya rito. Ang mga labi niya ay sobrang dry. “A-Ano ang ginawa nila sa ‘yo?” Malungkot siyang napangiti sa ‘kin. “Ginawa nila akong parausan dito. Halos araw-araw pakiramdam ko patay na ako. Sinusubukan ko lang maging matatag dahil naghihintay sa ‘kin ang anak ko. Tinitiis ko ang kahayupang ginawa nila sa ‘kin dahil kailangan kong mabuhay. Nawawalan na ako ng pag-asa, Adalee. Sobrang nahihirapan na ako pero wala akong magawa,” mahinang sagot niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya. “May ideya ka ba sa mga taong kumuha sa ‘tin?” “Wala, pero base sa narinig ko sa usapan nila mukhang mga criminal sila na nangingidnap para sa prostitution. Pagkatapos nila tayong pagsawaan dito ay ibebenta nila tayo sa mga parokyano. Wala na tayong kawala,” mahinang saad niya. Laglag ang aking balikat nang marinig iyon. “Diyos ko!” Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko kaya. Paano na si Mama? “Huwag kang mawalan ng pag-asa, Adalee. Sigurado akong makakatakas din tayo rito,” aniya. Nabuhayan naman ako ng loob. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at may dalawang lalaki na may mga dalang baril. “Labas! Bilis!” Nagtinginan naman kaming dalawa. Ilang saglit pa ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog. “A-Ano’ng nangyayari? Ay!” “Ano ba?” Mabilis na hinatak nila kami palabas ng kuwarto. Halos mabingi ako sa lakas ng putukan sa labas at ang daming mga babae. “Baba! Bilis!” sigaw nu’ng lalaki at nagpaputok. Napatakip ako sa bibig ko nang humandusay ang babae sa unahan. Mabilis na nagsitakbuhan kami pababa. Ayaw ko pang mamatay. Hawak ni Alice ang kamay ko. “Pagkakataon na natin ‘tong makatakas, Adalee,” aniya. Napalunok ako at tumango. Napatingin kami sa paligid at malakas na napahiyaw nang sumabog ang entrada ng bahay. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagtilapon ng mga kasama namin at ang iba naman ay nasusunog. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “Adalee! Dito tayo!” sigaw ni Alice. Mabilis na sumunod naman ako sa kaniya. Ang luha at pawis ko ay nag-abot na. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. “Hoy!” tawag nu’ng lalaking may baril. Nanlaki ang mata ko nang akmang hahabulin niya kami nang pumutok ang ulo niya dahil sa tama ng baril. Mabilis na tinakpan ni Alice ang mata ko. “Bilis,” aniya. Tumakbo na kami palabas at nagkalayo dahil sa banggaan. “Dito kayo!” sigaw ng babae sa gilid na nakasakay sa isang jeep. Naririndi na ang taenga ko sa lakas ng pagsabog at palitan ng baril sa paligid. “Adalee! Bilis!” sigaw ni Alice sa hindi kalayuan. Nakaupo na siya sa loob ng jeep. Tatakbo na sana ako nang madapa ako dahil sa tulakan. Napaigik ako sa sakit nang maapakan ang kamay at ulo ko. Napatingin ako kay Alice na tawag nang tawag sa ‘kin. Baka nga hanggang dito na lang ako. Gustuhin ko mang tumakas kasama sila pero hindi kakayanin ng katawan ko. Sinubukan kong bumangon pero natamaan ang batok ko ng tuhod. Ramdam ko ang pagbulusok ng sakit. Ang sikip-sikip ng puso ko. Ngumiti na lang ako nang tipid nang makaalis ang sinasakyan nila. Malungkot na napangiti ako at nanghihina na rin ang aking katawan. Ilang sandali nga ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog at nawalan na ako ng ulirat. ------------------------------- “Ano? Hindi pa ba gising iyan? Gisingin niyo na!” Naalimpungatan ako nang maramdaman ang basang tubig na itinapon sa mukha ko. Napaubo ako at nahigit ang aking hininga. T’saka ko lang napagtanto na naka-kadena ang aking kamay at paa at tanging underwear at sando na puti lang ang aking suot. Kagyat na nagulat ako nang biglang tumaas ang kinaroroonan ko hanggang sa ere. Sinubukan kong gumalaw pero hindi kaya ng katawan ko. Nasa loob ako ng isang hawlang gawa sa bakal. Napapikit ako nang bumukas ang malaking pinto at nakabubulag ang ilaw. Napapikit ako at t’saka narinig ang malalakas na hiyawan sa baba. T’saka ko lang napagtanto na nasa isang arena kami. May malaking octagon sa ilalim ng kinalalagyan ko at may malaking lalaki na halatang hindi pinoy. “And our prize for tonight! This woman inside the cage! Presko at batang-bata. Kung sino man ang mananalo sa labang ito ay maiuuwi siya at sa kaniya na hangga’t gusto niya!” wika ng announcer. Nayakap ko ang aking sarili nang bumaba ang kinalalagyan ko. Ngumisi ang lalaking puno ng tattoo ang katawan at dumidila-dila pa. Nilapitan niya ako at nginisihan. Napahiyaw ako sa sobrang gulat at hindi na napigilan ang sariling mapaiyak. Sobra-sobra na ito. “Wait for me, baby. I’ll make sure we’ll enjoy together,” aniya at ngumisi na parang demonyo. Kaagad na nagtayuan ang balahibo ko at napailing sa kaniya. “M-Maawa na po kayo sa ‘kin,” mahina kong wika. Napasiksik ako sa gilid nang ipasok niya ang kamay niya at hinaplos ang aking paa. “Oops! That’s enough, Goldy,” wika ng announcer. Ngumisi lamang ito at lalong lumalaki ang mata habang nakatingin sa ‘kin. Para siyang higante. Kapag napasakaniya ako paniguradong katapusan ko na. Tahimik na nagdarasal ako na sana ay may milagrong mangyari. “Here he comes! The great Orlando Monterelli!” sigaw ng announcer. Kaagad na naghiyawan naman ang mga tao at nagsitayuan pa. Napalingon ako sa lalaking kapapasok pa lang ng octagon ring at nakasuot lamang ito ng fighting shorts. Napatigagal ako nang mag-abot ang tingin namin. Siya iyong lalaking nakasama ko sa kuwarto. Malamig na tinitigan niya lang ako at hindi pinansin. Napahawak ako sa bakal nang biglang tumaas iyon. Napatingin ako sa baba at napapikit. Ito na ang katapusan ko. Wala siyang laban sa Goldy na iyon. Paniguradong katapusan ko na. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan ko pang pagdaanan ang mga paghihirap na ‘to kung mamamatay lang din naman ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD