Nakatingin lang ako sa kaniya habang naghihintay sa akin sa unahan. Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili ko na maiyak. Kaunti lang ang aming bisita. Masaya ako na may halong lungkot. Parehas kaming wala ng magulang para samahan kami sa espesyal na kaganapang ito. Masaya ako dahil kahit papaano ay nandito ang mahahalagang taong naging parte ng buhay namin. Gusto ko ring makita si Mariana at Tippy subalit wala na akong contact sa kanila. Nandito si Blue, Jackson, Alexander, Tiya at Tiyo, Olive, at higit sa lahat si Bebeng D at Rolando na kanang kamay ni Orlando. Nandito rin si Balmond at mukhang nagkakamabutihan na talaga silang dalawa ni Bebeng. Feel na feel naman niya na natatabihan siya ng dalawang matanda rin. Pagdating ko sa altar ay kaagad na hinawakan niya ang aking ka

