Makalipas ang ilang araw ay pumunta kami ni Orlando sa bahay nila Tiya . Pormal siyang nagpaalam at alam kong sobrang shock sila at naiintindihan ko iyon. Masaya naman sila at nakikita nila akong masaya kasama si Orlando. Alam kong malulungkot si Tiya dahil sila na naman dalawa ni Tiyo ang nandoon sa bahay nila. "Ada," wika ni Orlando. Napatingin naman ako sa kaniya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa lanai. "Bakit?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa kaniyang labi at magaang hinalikan habang tinititigan ako. "Let's get married," saad niya. "Iyan na lang ang kulang. I want to give Onyx a complete family. Gusto ko na mamuhay kasama ka at ang anak natin, at ang mga darating pang magiging anak natin. I want to spend the rest of my life with you," madamdamin niya pang da

