Tuwang-tuwa ako dahil kapwa competitive ang dalawa kaya halos nanalo sila sa mga palaro. Kita ko ang saya sa mukha ni Orlando at ni Onyx. Pagkatapos ng activities ay inihanda ko na ang tubig at bimpo para pamunas sa kanilang pawis. "Ang galing mo roon," wika ni Roxie na huminto sa tapat namin. Tiningnan ko naman si Orlando na parang wala lang. Pekeng nginitian naman ako ni Roxie at ganoon din ang ibinalik ko. Alangan naman ngingitian ko siya nang matamis. Umalis na siya kaya nakahinga ako. Pinunasan ko ang kanilang pawis, nilagyan ko ng pulbo ang likod ng anak ko at umupo na kami at may iba pang mga palarong gagawin. Mamaya naman ay para sa mga mama. Masaya at kita ko na nag-enjoy ang aking mag-ama. "Mama, nagugutom na ako," saad ni Onyx. Napangiti naman ako, sino ba naman kasi ang

