Maaga akong nagising para maghanda ng pagkain na dadalhin sa school at ngayon ang Father's Day event ng school nila Onyx. Kaya bumaba na ako at dumiretso sa kusina sakto naman na nakita ko si Bebeng na mukhang Kagigising niya lang din. Humihikab pa. "Good morning," aniya. Kita ko ang panunukso sa kaniyang mga mata at may paikot-ikot pa sana nga hindi na bumalik. "Ano na naman 'yan?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti lamang siya sa akin at iyong ngiting may laman talaga. "Wala lang," sagot niya pero halata naman na meron talaga. Hindi ko nga alam kung ano ang sumanib sa kanya ngayon parang may kakaiba sa kaniya. Laging nakangisi eh. "Bebeng parang may something," saad ko. Tiningnan niya lang ako at tumikwas ang kaniyang kilay tila hindi affected sa sinabi ko kahit ang totoo ay halata na

