Nagpapasalamat ako at mahigit dalawang linggo ng hindi bumalik si Orlando rito sa bahay ni Blue. Tinotoo niya ang sinabi ni Blue sa ‘kin at kahit papaano ay nakikita ko talaga ang pagkakaiba nila. Pinapipili na rin ako ni Blue ng university na papasukan. Sinamahan niya rin akong bumili ng mga kailangan ko maging ang pagbisita ko kay mama ay inaasikaso na niya. Ang bait-bait niya. At kung pagdating ng panahon ay singilin niya ako, handa akong ibigay ang buong buhay ko para sa kaniya. “Aalis ka?” tanong ko sa kaniya nang makitang bihis na bihis siya. Lumingon si Blue sa ‘kin at nilapitan ako. “Yes, gusto mo bang sumama?” “Saan?” “Hmm, may meeting kami ngayon ng mga babae ko. Kung gusto mong sumama alam mo na,” sagot niya. Napangiwi naman ako. Ilang beses na kaming nakatatanggap ng mg

