bc

Gunshot

book_age4+
19
FOLLOW
1K
READ
murder
friends to lovers
warrior
queen
tragedy
gxg
soldier
realistic earth
tortured
turning gay
like
intro-logo
Blurb

One shot story

Nagising si Minerva sa isang kagubatan na sugatan at may magliligtas sa kaniya.

Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa?

-----------------

Sana magustuhan niyo.

Wnjoy reading, guys.

chap-preview
Free preview
Gunshot
Nagising ang dalaga sa isang madilim na kapaligid at napansing napapalibutan siya ng matatayog na puno. Makulimlim ang kalangitan at mukhang may nagbabadyang malakas na ulan ang babagsak sa kaniyang balat. Sandaling gumalaw ang dalaga at pilit na iginagalaw ang sarili. Iminulat-mulat ang kaniyang mata at halos hindi maigalaw ang katawan dahil sa mga natamo niyang pasa at malalang sugat sa leeg. “Nasaan ako?” tanong niya sa kaniyang sarili, “At bakit ako narito?” Huminga muna siya nang malalim saka pinilit na iginulong ang sarili. Nang magtagumpay ay iginapang niya ang kaniyang sarili papunta sa punong may kulay dilaw at berdeng dahon. Siya ay umupo doon at pinagmasdan ang mga natamo niyang pasa at dahan-dahan na iginapang ang kaniyang hintuturo sa kaniyang sugat sa leeg. “Paano ako nagkaroon nito?” Pumikit siya para alalahanin ang mga nangyari pero nabigo siya. Kahit patiting na pangyayari ay wala siyang maalala. Sumigaw siya nang sumigaw sa pag-asang may tutulong sa kaniya pero hanggang sa nanghina ay wala pa ring dumating para tulungan siya. Hindi niya maiwasang malungkot dahil sa kalunos-lunos na kaniyang sinapit. Labis na naawa sa kaniyang sarili dahil ang tanging alam lang niya ay kaniyang pagkakakilanlam, mga natamong sugat ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakuha. Handa na niyang ipikit ang kaniyang mata pero may natanaw siyang isang grupong na sa tingin niya ay mga mangangaso base na rin sa mga dala-dala nilang sibat at nakasabit na patay na hayop say kanilang balikat. Siya ay nabuhayan ng loob at buong lakas na sumigaw para humingi ng tulong. “Saklolo! Tulungan niyo ako!” Paulit-ulit siyang sumisigaw at umaasang may makarinig sa kaniya ngunit mabilis ding nadismaya dahil ni hindi manlang siya tinapunan ng tingin. Isa-isa nang nag-uunahan ang luhang kanina pa niyang pilit na pinipigilan dahil sa pakiramdam na hindi dapat siyang umiyak. “Paki-usap, bumalik kayo," mahinang bigkas niya. Bago pa siya mawalan ng malay ay may naramdaman siyang mga yabag at may isang bumuhat sa kaniya. Naisin man niyang tingnan kung sino ito pero nabigo siya. Dinala siya sa isang tribong nagngangalang Maharlika na kung saan ay halos mga babae ang mga kasapi nito at mabibilang sa daliri ang mga kalalakihan. Ginamot siya ng mga matatandang babae at ang ilan ay pinaghabi siya ng kaniyang susuotin. Habang siya ay ginagamot ay pinagmamasdan naman siya noong babaeng nagbuhat sa kaniya. Ang babaeng iyon ay nagngangalang Maria, punong lider kung tawagin. Hindi maiwasan ng punong lider mabighani sa kagandahang taglay ng babae kahit pa ay halos mapuno ito ng pasa at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan. Nang matapos gamutin ng mga tatandang babae ay pinaalis kaagad sila ng punong lider kaya nagkaroon siya nang pagkakataon para mas titigang pang maigi ang dalaga pero hindi rin ito nagtagal dahil nagising ang estrangherong dalaga at gulat na nakita ang punong lider. “Sino ka?” Nanghihina niyang tanong sa babaeng nakasuot ng stripes na bestida na may kulay itim at may tali sa kaniyang ulunan na may balahibo ng agila. Nagulat ang punong lider pero bumalik din sa dating postura at nilapitan ang dalaga. “Huwag kang lalapit,” nakapikit niyang sabi. Bigla naman ito napahawak sa kaniyang leeg dahil bigla itong kumirot. “Hu-huwag kang matakot...” Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ng dalaga at hinawakan ito sa kamay. “Ako’y kaibigan.” Sandali silang nagkatitigan at hindi maiwasang mailang noong dalagang estranghero kaya kaagad niyang iniiwas ang paningin dito. Lumipas ang isang linggo at unti-unti nang gumagaling ang dalaga na nagngangalang Minerva at dahil na rin ito sa dagdag na alaga ni Maria, ang punong lider. Dahil na rin sa pag-aalagang natatamo niya kay Maria ay hindi maiwasang humanga ni Minerva sa kaniya at unti-unting nahuhulong ang kaniyang loob sa punong lider. Nang sila ay bumalik sa kubo nila galing sa tabing dagat ay dahan-dahan niyang tinulungan ni Minerva para umupo at dahil doon ay nakaramdam pagkakilig ang dalaga. “Labis kabang nasiyahan kanina, Minerva?” tanong ni Maria sa dalaga. Tumango ang dalaga pero napahawak siya sa kaniyang ulo dahil nakakaramdam siya ng sakit at sa hindi inaasahan ay may malabong imahe ng babaeng tumatakbo habang hawak-hawak ang kaniyang sugatang leeg. “Hindi mo ako matatakasan. Takbo, tumakbo ka. Papatayin kita!” Sigaw nong lalaking may dala-dalang b***l. Agad siyang napayakap kay Maria dahil sa mga alaalang iyon at labis na takot na kaniyang nararamdaman. “Natatakot ako, Maria.” Isinandal ng punong lider ang ulunan ng dalaga sa kaniyang dibdib at marahan na niyakap ito, “Hindi kana muling makakaramdam ng takot dahil palagi na akong nasa tabi mo.” Pagkatapos noong tagpong iyon ay humiga na silang dalawa na magkayakap at lumipas pa ang maraming gabi na ganon ang palagi nilang ginagawa. Kapagnagigising si Minerva dahil sa masamang panaginip ay kaagad naman siyang papakalmahin ni Maria sa pamamagitan ng masusuyong yakap at halik sa noo. Bawat araw na lumilipas ay unti-unti nang naaalala ni Minerva ang lahat at lumalalim na rin ang kaniyang pagtingin sa punong lider. “Minerva, halika rito.” Aya sa kaniya nong punong lider. Bawat hakbang ay unti-unti niyang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Malapit na siya sa punong lider nang siya ay matisod sa malaking bato kaya inaasahan na niyang tatama ang kaniyang katawan sa damuhan na may maliliit na bato pero nakaramdam siyang may yumakap kaagad sa kaniya kaya iniangat niya ang kaniyang tingin. Namangha siya sa kaniyang nakikita, dalawang pares ng mahabang pilik mata at dalawang pares din ng mata na may kulay ng tinunaw na itim na tsokolate. “Ayos ka lang ba?” masuyo at may pag-aalalang tanong ni Maria. Labis na nahiya ang dalaga dahil sa matagal niyang pagtitig sa mukha ni Maria kaya iniayos niya ang kaniyang tayo at tumakbo palayo sa punong lider. Nang makarating siya sa kanilang kubo ay hinawakan niya ang kaniyang magkabilang pisngi. “Hindi maaaring umibig ako sa isang tulad niya.” “Ngunit nangyayari na.” sabi nong lalaking may hawak ng b***l at walang sabi-sabi ay ipinutok ito sa ulo si Minerva.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.9K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.5K
bc

The Sex Web

read
134.8K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
454.6K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
425.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook