Naiwang nakatingin sa kanila sina Nancy at Nathaniel. Hindi pa rin makapaniwala si Nathaniel na talagang binabalewala na siya nang dating kasintahan habang nagiging malapit ito sa lalaking bago lang nitong nakilala. Si Nancy naman ay nakaawang lang ang labi dahil sa pagtataka sa Nakita. “Rest here.” Wika nang binata at pinaupo ang dalaga sa upuan niya. Napatingin naman sa paligid ang dalaga maraming crew at staff ang nakakakita sa kanila baka kung anong isipin nang mga ito sa kanila. Hindi Maganda iyon para sa image ni Eirick. “Dito?” tanong nang dalaga sa binata. “Where else.” sambit nang binata saka napatingin sa paligid. “Are you insane!” bulalas nang dalaga nang mapansing napalakas ang boses niya inilapit niya ang mukha sa binata. “Ang daming nakakakita. Hindi ka ba natatakot na

