Love Chance - 45

1398 Words
"Eirick sabihin mo nga sa ‘kin. Ano ba tong pinabibili mo sa akin? Wala akong mahanap na lotus flower dito.” Wika ni Peter na lumapit sa Binatang nakaupo sa ilalim nang malaking payong. Kasalukuyan silang nasa shoot nang isang MV. Inutusan niya si Peter na maghanap nang Lotus flower, habang nasa trabaho napansin niya si Ren na halos hindi humakain. Kahit ang daming pinagagawa sa kanya si Nancy halos hindi nito ginagalaw ang pagkain niya. Sa nakikita niya tiyak na namimili na naman nang pagkain ang sanggol sa tiyan ng dalaga. Habang nakaupo ang binata na kay Ren ang atensyon niya. Abala ito sa mga ipinagagawa ni Nancy sa kanya at halos wala nang pahinga. Napapatiim bagang ang binata habang pinapanood dalaga. “Ano bang meron sa lotus flower na yan at nag-aabala tayong maghanap. Wala niyan sa bansa natin.” Wika ni pa ni Peter. “Someone is craving for it.” Wika nang binata saka tumayo. “Craving? Kinakain ba yun?” Tanong ni Peter sa binata na nakatingin dito. “Pumunta ka sa Kingdom hotel. Ang alam ko regular silang bumubili nang lotus follower.” Wika ni Eirick saka akmang maglakad papalapit sa dalaga na naupo habang mena-masahe ang mga paa. “Teka lang.” pigil ni Peter sa binata. “Ano bang itinatago mo sa akin ha? Sapalagay ko may kinalaman ang dalagang yan. Sabi mo sasabihin mo sa akin. Hanggang ngayon wala ka pa ring sinasabi sa akin.” Wika ni Peter sa binata. “Just do as I say. Sasabihin ko rin. Pero saka na.” wika nang binata saka lumingon sa manager niya. “Pagpumunta ka sa Hotel, sabihin mong kilala ko si Alexander Bryant. Para bigyan ka nila nang Lotus flower.” Wika nang binata. “Bakit ka bibigyan nang Bryant nang lotus flower?” tanong ni Peter pero hindi na siya sinagot nang binata. Derecho lang itong naglakad papunta sa kinalalagyan ni Ren. Napapailing lang si Peter. Hindi niya maintindihan ang binata. Simula nang makilala nito ang “Bakit ka nagpapahinga diyan. Sinabi ko na bang mag pahinga ka?” inis na wika ni Nancy nang maabutan ang dalagang si Ren na nakaupo habang hinihilot ang mga bente niya. Dahil sa kanina pa siya naglalakad sumasakit na nag paa niya kaya naman naisipan niyang maupos. “Nagpapahinga ------” “Nakikita ko!” galit na wika nito. “Ang tinatanong ko kung bakit ka nagpapahinga. Alam mo bang marami pa tayong gagawin? Hindi pa tapos ang shoot ni Eirick.” Pa nito. Hindi naman ako katulong dito. Inis na wika nang dalaga habang nakatingin kay Nancy. Simula nang magtrabaho siya doon. Talagang wala na siyang pahinga. Kung saan-saan siya nito pinatatakbo, kung ano-anong pinapabuhat sa kanya. “Hindi dahil kakilala ka ni Secretary Young umaasta kanang ikaw ang boss.” Wika nang babae. Try to look at it in a different way. Sino sa ating dalawa ang umaastang boss. Inis na wika nang isip ni Ren habang nakatingin sa babae. “Sabi nang kumilos kana. Marami ka pang gagawin.” Bulyaw ni Nancy sa dalaga. “Heto na po.” Wika nang dalaga saka tumayo. Slave driver. Ano bang problema niya. Bakit ba ang init nang dugo niya sa ‘kin. Wika ang isip nang dalaga. Nang patayo na ang dalaga bigla siyang nakaramdam nang hilo kaya muli siyang bumalik sa pagkakaupo bagay na Nakita ni Nancy. “Aba’t----” wika ni Nancy saka napatingin sa dalaga. “Ang tamad talaga. Sasabihin ko kay Secretary Young to para tanggalin ka. Nakakaubos ka nang pasensya.” Wika ni Nancy sa kanya. Napakagat nang pang-ibabang labi ang dalaga at napakuyom nang kamao. “Ren!” isang boses nang lalaki ang narinig ni Ren na tumawag sa kanya. Maging si Nancy ay narinig din ang tawag na iyon. Sabay silang napalingon. Nang napalingon sila sa pinanggagalingan nang boses, Nakita nila ang Binatang naglalakad papalapit sa kanila. Nakasuot ito nang Basketball jersey at may dalang bola. “Ah, Nathaniel. Buti naman at nakarating ka.” Biglang umaliwalas na mukha na wika ni Nancy saka sinalubong ang binata. “Pasensya kana at biglaan ang request namin.” Wika pa nito sa kanya. “Hindi okay lang, libre din naman ako ngayon.” Wika nang binata saka napatingin sa dalagang tumayo mula sa kinauupuan. “Ren, anong ginagawa mo dito?” tanong nito sa dalaga saka lumapit taka namang napatingin si Nancy sa dalaga nagtataka siya kung bakit parang kilala ni Nathaniel ang dalagang PA nila. “Magkakilala kayo?” tanong ni Nancy. “Ah, yes, She my F---” “Friend.” Agaw ni Ren. “Schoolmate kami at magkababata.” Wika ng dalaga. “Magkababata kayo?” Takang wika ni Nancy at pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa. “Sinong maniniwala saiyo.” Wika nito sa kanya. Napatiim bagang naman ang dalaga dahil sa sinabi ni Nancy. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Nahaniel sa dalaga. “I could ask the same thing to you.” Walang emosyon ni Ren. “Anong klaseng pananalita yan.” Sita ni Nancy sa dalaga. “Mr. Nathaniel here, is the actor sa MV na ginagawa ni Eirick. Dahil sa magaling siya sa basketball kaya kinuha siya nang team.” Wika ni Nancy. “Salamat sa pagpapaunlak mo ha.” Malambing nitong wika kay Nathaniel. “Walang anuman. Hindi ako nagsisisi na tinanggap ko ang trabahong ‘to. Nakita ko kasi ang taong gustong-gusto kung makita.” Wika pa nito na nakangiti habang nakatingin sa dalaga. Agad namang iniiwas ni Ren ang mukha niya sa binata. Hindi niya matagalan kahit ang mga sinasabi nito. Iniisip niya paanong tinanggap si Nathaniel sa trabahong ito gayong ang marinig palang ang pangalan nito nanggigigil na ang mga kuya niya sa inis. O baka naman walang alam si Isaac dahil nasa Singapore pa din ito. “May gagawin ka ba after your work?” tanong ni Nathaniel sa kanya. “Marami.” Wika nang dalaga. “Bakit mo tinatanong?” hindi makapaniwalang wika ni Nancy kay Nathaniel. “Gusto ko siyang ihatid, at yayaing mag dinner sa labas. Okay lang naman hindi ba?” anito kay Nancy. Napaawang ang labi nang babae dahil sa disbelief. Isang utusan yayayain nang binata sa isang Dinner? Hindi siya makapaniwala. “Busy ako at may maghahatid na sa ‘kin.” Anang dalaga. “Sino naman?” tanong nito. “Ren.” Isang baritonong boses ang narinig nila. Sabay naman silang napatingin sa pinaggagalingan noon. Perfect timing. Wika nang isip nang dalaga habang nakatingin sa binata. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o dapat siyang mainis dahil nag pang-abot ang dalawa. Magulo ang sitwasyon nila ang the last thing she want is them together. “Ikaw?” gulat na wika ni Nathaniel nang makita ang Binatang papalapit sa kanila. Taka namang napatingin si Nancy kay Nathaniel at kay Eirick. Sa napapansin niya parang may tension sa pagitan nang dalawang binata. “Magkakilala kayo?” Gulat na wika ni Nancy. “We have a long and twisted fated.” Wika ni Eirick saka lumapit sa dalaga. “Let’s go.” Wika pa nito at hinawakan ang braso nang dalaga saka inakay patayo. Kahit nabigla hindi naman tumutol ang dalaga ngunit bago pa siya makatayo biglang hinawakan ni Nathaniel ang kamay ni Eirick para pigilan ito. Napatingin naman si Eirick sa binata. “Get your hands off of me.” Mariing wika nang binata saka tumingin sa binata. “Get your hands off of her first.” Wika ni Nathaniel. “And why would I do that?” sakristong baling ni Eirick sa binata. “Don’t ack like you know her or you are her----” biglang natigilang wika ni Nathaniel nang biglang tumayo Ren at tinanggal ang kamay niyang nakahawak kay Eirick. “Nahihilo ako, can we just go. This conversation is nonsense.” Wika nang dalaga kay Eirick. “Gusto mong Samahan na kita?” ani Nathaniel sa dalaga. “Back off. I will take care of her.” Maawtoridad na wika nang binata ka Nathaniel saka bumaling kay Ren. “Let’s go.” Anang binata saka inilahad ang kamay niya sa dalaga. Napatitig naman ang dalaga sa kamay nito bago tinanggap. Nang tanggapin nang dalaga ang kamay nang binata wala namang paalam na inakay ni Eirick ang dalaga patungo sa kung saan siya nakaupo kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD