chapter 14

1937 Words
Halos hindi ko na binigyang pansin ang paglapit ng waiter at ang palitan nila ni Marco ng salita. Nalimutan ko na nga iyong tungkol sa dessert at ang panghuling course na sinerve pagkatapos niyon. Ang tanging laman ng isipan ko ay ang tungkol sa maaaring mangyayari kapag lumabas ang sikreto ko. Kung paanong kinasasabikang makilala ng mga reader ko si Midnight Mist ay gano'n din ako katakot na malaman ng mga kamag-anak at kakilala ng pamilya namin ang tungkol doon. Hindi ko na rin napansin ang pag-abot ni Marco ng kanyang black card sa lumapit na waiter dahil nanatili akong tulala sa mamahaling telang nakalatag sa mesa. Mula sa mga bagay na kinatatakutan kong mangyari ay parang sirang plaka namang paulit-ulit sa utak ko ang mga huling salitang binitiwan ni Marco. A project? Para sa kanya ay proyekto lang si Midnight Mist gayong buong pagkatao ko ang nakasalalay sa sikretong hawak niya! Kung alam lang ng mga readers ko— ang mga "Misty-fied" na walang ibang ginawa kundi kulitin ako sa comment section kung kailan ang susunod na update ng mga sinusulat ko— na ang tinagurian nilang "Queen of Erotica" ay kasalukuyang pinagpapawisan ng malapot sa harap ng isang lalaking mas bata sa kanya, malamang ay gumuho ang sementado kong reputasyon. Sa online world, ako ang batas, kahit ilang 'Update na po, Author!' pa nila, ay ako pa rin ang masusunod. Pero dito, sa totoong mundo, tila ako ang nasusukol sa sarili kong plot twist. Pero kasabay ng mga pangamba ko ay ang matinding galit na namumuo sa loob ko. Pakiramdam ko ay balak akong paglaruan ni Marco gamit ang nalaman niya tungkol sa'kin. At ang nakakagalit ay wala akong magagawa tungkol doon! "Let's go?" pukaw sa akin ni Marco. Wala sa sariling awtomatiko akong napatayo nang hindi tumitingin sa kanya, bitbit ang aking bag na parang kalasag. Pero bago pa ako tuluyang humakbang pasunod sa kanya ay nagawa ko nang magsalita, "Fine!" saad ko, mahina man ang boses pero malinaw at matigas ang tonong ginamit ko. Huminto naman siya sa paghakbang at nilingon ako. "Pero huwag mong isipin na dahil nalaman mo ang tungkol kay Midnight Mist ay may hawak ka na sa leeg ko," nagtapang-tapangan kong pagpapatuloy habang direktang sinalubong ang mga mata niya. "Maraming paraan para maglaho ang isang manunulat, Marco. Kaya kong pumatay ng karakter, kaya ko ring pumatay ng pagkatao," walang gatol kong dugtong. Hindi ko hahayaang basta-basta na lang niya akong matakot! Pinilit kong huwag magpakita ng emosyon habang pinagmasdan ang unti-unting pagtaas ng sulok ng bibig niya na sa huli ay nauwi sa mahinang tawa. Wala man siyang sinabi ay maliwanag na kontrolado niya ang sitwasyon kahit na ano pang gawin at gusto kong paniwalaan. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pairap ko na siyang inunahan sa paglalakad. Ako iyong mas matanda sa aming dalawa kaya hindi pwedeng magpadala sa nakakaintimida niyang presensya. "You speak as if you're writing a thriller now, Claudia," narinig kong sabi niya habang nakasunod sa'kin. "But we both know you're more comfortable with tension of a different kind. Why so defensive? I already told you, I admire your work. It takes a certain level of brilliance to manipulate the emotions of millions while staying completely anonymous." "Brilliance? O baka gusto mo lang sabihing baliw ako dahil namumuhay ako sa dalawang mundo?" asik ko habang humihinto sa tapat ng pintuan ng restaurant. "Listen, Marco. Hindi mo kilala ang pamilya ko. Ang mga Dionosio ay hindi pinalaki para magbasa ng erotica. Ang tingin nila sa ganitong uri ng sining ay basura, isang kahihiyan. So, if your 'project' involves pulling me out of the shadows, better cancel it now. I am not a museum exhibit you can just study." Huli na nang mapagtanto kong tila binigyan ko pa siya ng ideya kung paano ako gipitin. Nagpadala ako sa emosyon, at sa isang iglap, naihayag ko sa kalaban ang aking pinakamalaking kahinaan. Humakbang palapit si Marco, bigla ay parang gusto kong mataranta. Pigil na pigil ko ang sariling mapaatras at pilit na pinanindigan ang katapangang pinapakita. Wala sa sariling napalunok ako nang nag-reflect sa madidilim at mapanuring mga mata ni Marco ang ilaw sa paligid ng kinaroroonan naming establishment. Hindi ko man lang namalayan ang oras, may araw pa kanina no'ng dumating kami pero pagkalabas namin ay papagabi na. "That's exactly what makes this interesting," bulong ni Marco na muntikan nang magpapiksi sa'kin. Bahagyang bumaba ang boses niya na para bang confidential ang pinag-uusapan namin. "Don't you find it exhausting? Always wearing a mask, always checking over your shoulder? I'm not looking for a museum exhibit, Claudia. I'm looking for the woman who has enough fire in her to write those stories but is too terrified to let it show in the light of day." Napakurap-kurap ako habang tumitino sa'kin ang mga sinabi niya. Sa loob ng mahabang panahon, ang tingin ko sa sarili ko ay isang master sa na para bang nakahanap ako ng glitch sa system ng mapanghusgang mundong 'to. Pero sa paraan ng pagsasalita ni Marco ay para akong isang bilanggo na ayaw umaming nakakulong nga ako. "I'm a businessman, Claudia," pagpapatuloy ni Marco kasabay nang paglapit ng isang valet upang iabot ng susi ng sasakyan. Tsaka ko lang napansin nakaparada na sa harapan mismo ng restaurant ang sasakyang ginamit namin papunta rito. "I know how to spot an undervalued asset," pagpapatuloy ni Marco nang makaalis na ang valet. "And right now, you're hiding a gold mine because you're afraid of what a few traditionalists might think. You're not just a 'porn writer,' as you so crudely put it earlier. You're a storyteller who understands human desire better than anyone I've ever met. Why hide that?" "Dahil hindi lahat ng tao ay kasing 'liberated' mo ang isip!" halos pasigaw kong sagot. "May mga bagay na mas mahalaga kaysa sa kasikatan o pera, Marco. Gaya ng katahimikan." Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya bago ako hinawakan sa siko at giniya palapit sa naghihintay na sa'ming sasakyan. "Is it really peace, or is it just a very comfortable cage?" tanong niya bago ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. "Get in. I'll drive you home. We have a lot more to discuss regarding your... double life." "Hindi pa tayo tapos?" irita kong tanong, kahit na ang totoo ay mas mabilis pa sa makinilya ang t***k ng puso ko. "We've barely even started the first chapter, Claudia," swabe niyang sagot. "And I've always been the type of reader who finishes the whole book, no matter how complicated the plot gets." Akmang magmatigasan pa sana ako sa kanya pero bago ako makapagsalita ay naunahan na ako ng isang boses. "Marco Axel?" tawag ng malambing na boses. Sabay kaming napalingon ni Marco sa nagsalita. Muntikan mang tumaas ang kilay ko nang bumungad sa paningin ko ang pamilyar na babaeng napansin ko kaninang nakasunod ang tingin sa'kin sa loob ng restaurant. Mukhang kakilala nito ang kasama ko kaya siguro titig na titig ito kanina sa'kin. Nang sulyapan ko si Marco ay wala namang nagbago sa espresyon niya habang nakatingin sa babae. "It's really you!" masayang bulalas ng babae. Halos mag-sparkle ang mga mata nitong lumapit sa amin.Tuluyan nang napataas ang isa kong kilay dahil kung makaasta ito ay para bang ngayon lang nito nakita si Marco gayong sa loob pa lang kanina ng restautay imposiblng hindi nito napansin ang lalaki gayong kasama ko ito. Pero in fairness sa babaeng ito, mas maganda ito sa malapitan lalo na at mukha itong model ng mamahaling shampoo sa sobrang kintab ng buhok. Kung nasa nobela kami ay ito iyong tipikal na "Antagonista" na lilitaw sa Chapter 15 para mang-gulo sa bida. Pero dahil totoong buhay ito ay malabong ito ang kontrabida lalo na at bagay na bagay sila ni Marco. "Jocelle. It's been a while," casual na kausap ni Marco sa babae. Maaliwalas man ang mukha niya habang nakatingin sa babae ay hindi ko mahagilap doon ang katulad na tuwang pinapakita ng huli. "Oh my God, it's been a year!" nakangiting bulalas ng babae. "You look... even better than the last time I saw you in London," dugtong pa nito, at talagang lumapit pa ito para humalik sa pisngi ni Marco. Pasimple akong nag-iwas ng tingin. Nagsusulat ako ng mga eksenang higit pa sa halikan ang mga kaganapan, pero parang ako iyong nahihiya kapag may naglalambingan sa harapan ko. Partida, halik sa pisngi lang iyon, walang malisya sa kanila pero big deal na para sa akin. "I'm back for good to handle the family's estate," pagkukwento ng babae kahit wala namang nagtanong. Muli kong binalik ang tingin dito. "My dad was just asking about you last night." "I've been busy, Jocelle," sagot ni Marco. "Good luck in your new responsibilities," pormal niya pang dugtong. Habang nag-uusap silang dalawa ay lihim naman akong nakaramdam nang pagkairita. For clarification lang... hindi ako nagseselos— excuse me, dapat nga ay hindi masali iyong salitang 'selos' sa sitwasyon namin ni Marco. Kaya ako naiinis ay dahil pakiramdam ko ay bigla akong invisible sa kinatatayuan ko. Itong si Jocelle kasi ay halos mabali na ang leeg sa pagtingin kay Marco pero ni hindi man lang sumulyap sa direksyon ko. Daig ko pa ang multo na kayang magparamdam dahil ako na nandito ay tila ba hindi man lang nakikita. Ang sarap na sanang mag-walk-out dahil hindi naman ako kasali sa usapan nila, pero kailangan kong panindigan ang pagiging kagalang-galang na Tita Claudia. Baka isipin pa ng babaeng ito na agaw-eksena ako dahil sigurado namang pipigilan ako ni Marco kung gagawin ko iyong naisip ko. "You should come over for dinner soon!" patuloy na pahayag ni Jocelle. "Mommy would love to see you. We really need to catch up, Marco. Without all... this noise," dugtong pa nito, sabay sulyap nang napakabilis sa akin bago muling ibinalik ang buong atensyon kay Marco. Lihim akong napamaang dahil iyong sulyap niya ay parang nakakita siya ng dumi sa kalsada. Walang dudang sko iyong tinutukoy nitong noise gayong tahimik lang naman akong nagtitiis sa nakakairita niyang boses. Pero baka ang naririnig nitong ingay ay ang utak ko na kasalukuyang nag-iisip kung paano siya gagawing inspirasyon para sa isang kontrabidang makakalbo sa susunod kong update. "I'll see if my schedule permits, Jocelle," sagot ni Marco sa paanyaya ni Jocelle. Pero hindi nakaligtas sa'kin ang kawalan niya ng interes doon. Pasimpleng inihawak ni Marco ang isang kamay sa likuran ko na dahilan nang biglang pagpitlag ng puso ko pero mabilis ko ring nahamig ang sarili upang huwag magbigay ng reaksiyon lalo na at nahagip ko ang pagsunod ng tingin ni Jocelle sa kamay ni Marco. "Anyway, we were just about to leave," dugtong ni Marco. "I'm actually in the middle of something very important." "Important? You mean business?" tanong ni Jocelle. Pilit man nitong pina-casual ang tono ay nahuli ko naman ang disgustong mabilis na dumaan sa mukha nito. "In a way," sagot ni Marco, isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Ewan ko nga lang kung napansin ni Jocelle iyong kapilyohan sa likod nv ngiting iyon. "I'm currently reviewing some... very exclusive literary material. It requires my undivided attention." Palihim kong siyang sinamaan ng tingin. Kung wala lang ibang tao ay naangilan ko na ang loko. "Oh, I see. Well, don't let me keep you," usal ni Jocelle, habang 'di pa rin ako tinapunan nang tingin. "Call me, okay? For real this time." Isang ngiti ang iniwan ng babae at tumalikod na ito kahit na hindi pa nasagot ang pahayag nito. Pero mukhang wala rin namang balak tumugon ni Marco. Ako lang ba o talagang cold siya habang kausap iyong Jocelle?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD