chapter 20

1903 Words
Grabe, parang gusto kong mahilo sa bilis ng takbo ng mga pangyayari. Mas mabilis pa sa turnover ng mga plot twist sa teleserye! Habang unti-unti pang nagse-settle sa utak ko iyong natuklasang rebelasyon sa kaugnayan ni Jella at ng babaeng kasama ni Jocelle ay pasimple kong sinuri ang mukha ng babae. Lihim akong napamura nang mapansin kong ang pagkakahawig nito at ni Jella kaya walang dudang mag-ina nga sila. Mula sa hugis ng mata hanggang sa kurbada ng labi, carbon copy nito si Jella. So, ibig sabihin din niyon ay ito ang ex-wife ni Joaquin. Ito ang reyna na nag-iwan ng trono sa buhay ni Joaquin! Bigla ay nabuhay ang curiosity ko tungkol sa kung paanong nagkahiwalay ang dalawa. "Tita Clau, Daddy already told the chef to prepare your favorites," maya-maya ay kausap sa'kin ni Jella na nagpatuwid sa likod ko. Hindi halatang parinig iyon sa dalawa naming kaharap. Tingnan mo ang dalagitang ito, ang husay umarte walang sabit! Kulang na lang ay bigyan ng trophy. Sa kabilang banda naman ay ramdam ko ang talim ng titig ng Mommy niya sa akin. Iyong tipong kung nakamamatay lang ang tingin, malamang ulam na ako sa dinner mamaya. Hindi man lang ako na-inform na sa bawat pagsasanga ng landas namin ni Jella ay bigla akong magiging main character sa isang rich-family-drama. Ang mas matindi pa, sa pagkakataong ito ay ginagawa akong panangga ng dalagita laban sa sarili niyang ina. "I didn't know Joaquin had... eclectic tastes these days," komento ng Mommy ni Jella habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Aba, sumusobra na itong si Madam, ah! Gumamit pa talaga ng malalim na term para lang hiritan ako ng backhanded compliment. Parang sinabi na rin niyang mukha akong ligaw na damo sa gitna ng mga orchid, in short ay hindi nila kalahi. Bigla tuloy nagpanting ang tainga ko. Kung kanina ay gusto ko nang tumakas, ngayon ay binigyan niya ako ng rason upang panindigan ang papel na binigay sa'kin nitong anak niya. Hindi pwedeng ako lang iyong manggigigil sa inis, dapat ay mas gigil siya kaysa sa'kin. Ngumiti ako nang matamis, iyong ngiting pang-beauty queen na may halong lason, bago ko binaling ang tingin kay Jella. Hindi ko man lang tinapunan ng tingin ang nanay niya, as if invisible ito sa paningin ko. "Alam mo, Jella, minsan ay kailangan ding maging eclectic ang panlasa ng isang tao," sabi ko sa malakas at klarong boses, sapat na para marinig ng dalawang nasa harapan namin. Sinadya ko pa talagang bigyang-diin iyong 'eclectic' para iparating sa kanilang naiintindihan ko ang kahulugan niyon. "Kasi naman, sobrang boring kung puro kaelegantihan at mamahaling gamit lang ang nakikita mo araw-araw, 'di ba?" pagpapatuloy ko pa habang hindi nagbabago ang tamis nang pagkakangiti. Mabuti na lang at ang galing din makisakay ni Jella, tila interesadong-interesado ang ekspresyon nitong nakikinig sa bawat sinasabi ko. "Minsan, nakakaumay rin kapag masyadong refined ang paligid na parang museum. Maganda tingnan pero walang buhay, parang display lang." May patango-tango pa si Jella na tila naiintindihan talaga ang mga pinagsasabi ko. Sa sulok ng mga mata ko ay napansin ko ang bahagyang pagbuka ng bibig ni Madam, pero bago pa siya makasingit ay muli akong nagsalita, "Tsaka, Jella, kaya siguro ako gustong kausap ng Daddy mo dahil totoong tao ako," malumanay kong wika. "Kaya pala ang saya-saya niya noong huli kaming magkasama." Puro kasinungalingan lang angmga sinasabi ko, pero parang sobrang convincing niyon maging sa sarili kong pandinig. Mukhang hindi yata sa acting ako magaling kundi ay sa pagsisinungaling pa yata. Kailangan ko pa ngang tapikin nang marahan ang kamay ni Jella na nakakapit sa'kin upang pukawin ito mula sa pagkatulala sa'kin. Para kasing maging siya ay paniwalang-paniwala rin sa mga pinagsasabi ko, at nakalimutan niyang siya itong nagbigay sa'kin ng role na kailangan kong gampanan. "True, Tita Clau!" maagap na sang-ayon ni Jella. " Sabi ko naman sa'yo, match na match kayo ni Daddy!" tuwang-tuwa pa nitong dugtong. Hindi ko na tuloy masabi kung umaarte pa ba siya o nagsasabi na nang totoo. Kahit nga iyong pinapakita niyang tuwa ay sobrang legit ng dating. Muli ay tinapik-tapik ko ang kamay ni Jella habang pinanatili ang nakangiting ekspresyon sa mukha. Pero iyong tingin ko ay sinasabing mag-uusap kami mamaya. Nang masigurong malinaw na nakarating sa dalagita ang mensahe ko ay tsaka ko pa lang bjnalkngan iyong nanay niya at binigyan ito ng isang tipid na tango. "Nice meeting you, Madam," pormal kong sabi rito. "I hope your day is as... traditional as your taste." Iyon lang ang sinabi ko at tinalikuran ko na sila ni Jocelle habang karay-karay si Jella. Hindi ko na hinintay na may magbigay ng tugon sa pahayag ko dahil mas maiging ako ang may huling salita sa aming dalawa. Nakailang hakbang pa lang kami ni Jella nang magsalita si Jocelle. "Wait," may katarayan nitong sabi. Hindi ako sigurado kung ako ba ang kinakausap nito o si Jella. Sabay kaming napahinto ni Jella at nagkatinginan bago pumihit paharap sa direksiyon ng dalawang nakatayo pa rin sa tabi ng mesang nilisan namin. Nakita ko ang mommy niya na blangko ang ekspresyon sa mukha, habang si Jocelle naman ay bahagyang namumula ang mukha habang matalim na nakatingin direkta sa'kin. Ibig sabihin niyon ay para sa'kin iyong mataray niyang tono. "Excuse me," matigas pang dugtong ni Jocelle sa naunang sinabi habang matalim na nakatingin sa'kin. Dahil siguro sa pagpipigil ng gigil kaya napaghalataan ang accent nitong pang-State side. "I don't think we're done here. You don't just turn your back on us like that. It's incredibly ill-mannered." Kung makapagsalita ito ay para bang isang malaking kasalanan ang nagawa ko. Napasobra yata ang pagiging entitled ng babaeng ito at balak pang idagdag sa sampung utos ang 'huwag pagtalikod sa kanya'. Tinaasan ko siya ng kilay habang matapang na sinalubong ang kanyang tingin. Kung balak niyang manindak ay nagkamali siya nang taong tina-target. "Disrespectful?" ulit ko, sabay bigay ng isang tipid na tawa na alam kong mas lalong nakaka-irita. "Pasensya na, ha? Dapat ba yumukod muna bago umalis?" mapanuya kong dugtong. "You are so low-class," sabat naman ng mommy ni Jella, ang boses ay kalmado pero puno ng panglalait. "Joaquin's choice is... alarming. Jocelle is right. You lack the basic decorum required in our circles. Turning your back while someone is still speaking is a sign of poor upbringing." Ramdam ko ang pagiging tensiyunado ni Jella at bahagyang paghigpit ng kapit niya sa braso ko. Akmang sasagutin niya ang sinabi ng kanyang ina pero pasimple ko siyang pinigilan. Nagtataka siyang napatingala sa'kin, kaya binigayan ko siya ng makahulugang ngiti. Ako ang mas matanda sa aming dalawa kaya hindi na niya ako kailangan pang ipagtanggol mula sa kahit na sino, kaya ko iyong gawing mag-isa. Tila nakaintindi naman siyang tumango kaya binalik ko na ang tingin sa dalawang kaharap namin. "Decorum? Upbringing?" sarkastiko kong pag-uulit habang direktang nakatingin sa ina ni Jella bago walang pagmamadaling inilipat ang tingin sa katabi nitong si Jocelle. "Alam niyo, Madam, Jocelle... sa mundong kinalakihan ko, ang tawag sa pag-alis kapag tapos na ang usapan ay 'conserving substance.' Bakit ko pa kailangang mag-stay rito kung wala naman akong mapapalang makabuluhan. Tsaka, hindi ko naman siguro kailangan ng permisong umalis kung ayaw ko nang makipagplastikan- I mean makipag-usap sa inyo, 'di ba?" "How dare you!" singhal ni Jocelle, namumula na ang mukha niya. "You have no idea who you're talking to! Tita Mariella here is Jella's mother." "And Joaquin's ex-wife," maagap kong dugtong. Diniinan ko pa ang sinabi upang ipaalala kay Jocelle ang lugar ng tita niya. "Kilala ko siya," mapang-uyam kong dugtong at lalo pang tinamisan ang pagkakangiti, iyong magka-diabetic sila on the spot sa sobrang inis- este tamis. "At pakiusap lang sana, huwag ni'yo nang gamitin iyong 'Do You Know Who I Am' card," pahabol ko bago pa may makapagsalita sa kanilang dalawa. "Gasgas na 'yan, baka gusto n'yong mag-update ng script," dagdag ko pa, bago tinititigan si Mariella nang diretso sa mga mata. "And yes, Mariella, right? Nice to meet you formally. Although, judging by how you left Joaquin, I thought you preferred being a ghost than a mother." Wala akong alam sa past nila ni Joaquin. Nanghuhula lang ako rito, pero mukha namang tumama dahil sa pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Mariella. Mabuti na lang talaga at minsang naalala ko na si Joaquin ang solong nagpapalaki kay Jella kaya ibig sabihin niyon ay absent ang ina o kaya ay wala lang talaga itong pakialam sa kanyang mag-ama. Nang balingan ko si Jella ay wala akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya sa naging pahayag ko patungkol sa kanyang ina kaya malinaw na aprobado iyong binato kong linya. Tinuon ko na lang ulit kay Mariella ang buo kong atensiyon. Kasalukuyan nang nagsalubong ang mga kilay nito, at ang pagiging sophisticated niya ay tila unti-unting naggigiba. "You're a classless piece of work," mariin nitong usal. "I don't know what Joaquin sees in someone as... loud and unrefined as you. Siguro ay bored na bored na siya kaya pumatol sa kagaya mo." Tumawa ako nang bahagya-iyong tawang hindi pilit, iyong tawang nakakaasar talaga. Special friend lang naman iyong pagkakilala sa'kin sa kanya ni Jella pero mukhang binigyan na niya nang mas malalim na kahulugan. Hindi ko na lang siya tinama, dahil kita ko namang apektado siya nang pinaniniwalaan niyang iyon. "Loud? Baka 'authentic' ang tawag doon, Mariella," nakataas ang kilay kong sabi. "At tungkol naman sa kung anong nakikita sa akin ni Joaquin... well, baka iyong hindi niya makita sa'yo." "You... you're unbelievable!" nanginginig na ang boses ni Jocelle sa galit. "Wait until Joaquin hears about this attitude of yours!" dugtong naman ni Mariella. "He hates scandals!" "Scandal?" eksaherada kong bulalas. "Madam, this is just a conversation. Ang scandal ay iyong nang-aagaw ng hindi sa kanya, o 'yung nang-iiwan ng pamilya para sa sariling interes," banat ko uli, habang nanghahamon ang tinging binigay ko kay Mariella na ngayon ay parang bulkang sasabog na. "At huwag kayong mag-alala, I'll tell Joaquin everything over our special dinner later. Baka nga i-describe ko pa sa kanya kung gaano kapula ang mga mukha n'yo ngayon. It makes for a great dinner story, don't you think?" nang-iinis ko pang pagpapatuloy. Mula sa braso ko ay bumaba ang kamay ni Jella sa kamay ko at naramdaman ko ang pasimpleng pagpisil niya roon kaya napatingin ako sa kanya. Nahagip ko ang ningning sa mga mata ng dalagita na halatang nage-enjoy sa palabas. Ginawa pa akong entertainment ng batang ito! "Tara na, Jella dear?" aya ko sa kanya. "Baka lumamig ang appetizer na pinahanda ng Daddy mo," dagdag ko pa. "Let's not keep a billionaire waiting for a 'special' guest," mayabang kong pagtatapos na may kasama na ring parinig sa dalawang babae. "Let's go, Tita Clau," tugon ni Jella at sa pagkakataong ito ay siya na ang humila sa'kin paalis. Habang naglalakad kami palayo, ramdam ko pa rin ang mga nagbabagang tinging nakasunod sa likod ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko, pero ang sarap sa pakiramdam nang ginawa ko! "Taray, Tita Clau, pang-best actress ang performance mo today!" masayang puri sa'kin ni Jella. "Ako pa!" puno ng kumpyansa kong sagot at patago pa kaming nag-high five. Pero deep inside, medyo nababahala ako dahil baka makarating kay Joaquin iyong nangyari ngayon. Paano kung iisipin nitong ma hidden agenda ako kaya palagi na lang akong nagiging bida sa gawa-gawang kwento ng anak nitong may balak pa yatang maging magaling na director .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD