MITCH POV
12 :40 pa lang, napansin ko na pagkatapos na pagkatapos naming kumain ni Chelsey, todo todo kaagad ang pagme make up niya.
"Uy grabe ka naman mag make up diyan, may interview ka ba sa tv at wagas kang mag make up?"
Tumingin muna sa paligid si Chelsey bago ito sumagot sa akin, "Eh bakit naman hindi ako magiging excited kung gwapo ang professor na susunod nating papasukan. Siyempre seryoso ako na a awrahan ko siya. Malay mo di ba, turn on sa kanya ang babaeng naka make up."
Hays, gustuhin ko man na sabihin ang totoo kay Chelsey na malabong pumatol ang professor namin sa kanya, mukhang desidido na talaga siyang gumawa ng paraan para magpapansin. Sabagay, parehas kaming no boyfriend since birth nitong kaibigan ko kaya siguro ganito na lamang siya ka desperado na magkaroon ng syota.
Nang makarating kaming dalawa sa loob ng klase, nag tinginan lahat ng mga boys sa kaibigan ko.
"Uy sis, mukhang dumami ang fans mo ha?" bulong ko matapos kaming maupong dalawa.
"Wala akong pakialam sa kanila Mitch! Kay Sir Ivan lang ako mayroong pakialam kasi siya ang professor natin na gustong kong maakit sa hitsura ko," bulong niya.
Nagtawanan na lamang kaming dalawa. Subalit kaagad siyang napalingon sa pintuan kaya napalingon na rin ako. Sheeems! Dumating na si Sir Ivan dala ang kanyang bag at laptop. Ngumiti ako sa kanya pero kay Chelsey siya nakatingin.
"Excuse me, Chelsey is your name right?" sambit ni Sir matapos niyang ilagay ang mga gamit niya sa table. Pero ang tono niya ng pananalita, para bang masungit ito.
"Yes po sir," nakangiti pa rin si Chelsey kahit na parang hindi maganda ang mga susunod na mangyayari.
"Go to the comfort room at burahin mo ang make up mo. I really hate students who wear so much make up in my class. You are a student kaya stop wearing that kind of make up again."
Nawala ang ngiti sa mukha ng aking kaibigan and I feel so sorry for her. Sobra pa naman niyang ina idolize si Sir Ivan pero ganito ang naging trato nito sa kanya.
"Sige sir, sorry po," ramdam ko ang labis na kalungkutan sa pananalita ni Chelsey. Umalis na siya at ilang minuto ang nakalipas, bumalik ito na burado na ang make up sa kanyang mukha.
I cannot even look her in the eyes. Sure ako na na turn off siya ng slight kay sir dahil sa ginawa nitong pagpapahiya sa kanya.
"Alright class, as you see you are all first year college and now, I need you to focus on your studies. In Med tech, very common na dapat sa atin na makakita ng iba't ibang parte ng tao lalo na't ang main focus natin dito ay reproductive organs. Male and Female organs are vital because we use it to reproduce, but now let us discuss all the parts of reproductive organ. Although I believe na nai discuss na ito sa inyo noong high school but now, we are going an in depth study about it."
Sobrang articulate ni Sir Ivan sa pag di discuss ng subject namin. Pero sobra akong nadi distract sa magaganda niyang ngipin at mapupulang labi. At hindi ako makapaniwala na magpa hanggang ngayon, wala pang nakakahalik rito.
Nang matapos ang klase namin, nagpa assignment pa si Sir Ivan. Pinakaka bisado niya pa sa amin ang Male at female organ dahil mayroon daw kaming recitation bukas.
Uwian na, as usual, magkasabay kaming dalawa ni Chelsey. But this time, magkasabay na kaming uuwi gamit ang kanyang sasakyan. Pag pasok na pag pasok naming dalawa, bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Sis... nakakalungkot..."
Hinaplos ko naman ang likod niya bilang pag comfort.
"Eh kasi Chelsey, professor pa rin kasi siya. Bumawi ka na lang."
Pumiglas siya sa akin at gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha, "Paanong babawi?"
"Eh di mag aral ka ng mabuti. Kanina nga, akala ko mag rerecite ka pero-"
"Sis, sino bang gaganahang mag recite kung pinahiya ka na ng professor mo? Although madali lang naman ang pina pa assignment niya. Kahit nga ngayon kayang kaya ko nang sagutan eh."
"Oh eh di magpa bida ka sa kanya bukas sa klase natin. I recite mo ang male and female organ parts para maka 100 ka kaagad ka sa kanya. At least makakalimutan niya na pinahiya ka niya sa klase."
Napangisi siya at niyakap niya akong muli, "Oh my gosh! Thank you sayo sis! Na realize ko na tama ang sinabi mo, mabut na lang at nanjan ka sa tabi ko."
"Walang anuman. Thank you rin sa pagpapasakay mo sa akin dito."
"Ano ka ba? Para na kaya tayong magkapatid. And yung parents natin, sure ako na mas intimate ang relationship nila kaya maliit na favor lang ito," sambit niya, muli siyang bumalik sa pagmamaneho at habang nasa daan kami, bigla siyang nagsalita.
"Siya nga pala Mitch, pagdating mo sana sa apartment ninyo, tawagan mo ang dad mo at kamustahin mo naman siya. Sure ako matutuwa yun kapag tumawag ka sa kanya."
"Hay nako! Nagtatampo pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Kung tutusin, patong patong nga ang mga kasalan sa akin ni Dad. Kung kakakusapin ko man siya, ito yung tungkol sa pagbebenta niya ng shares sa company namin."
"Relax ka lang jan Mitch. Kami naman ang bumili ng ibang shares ng papa mo. Kayo pa rin naman talaga ang may ari ng company, co president lang si Dad. And for sure, ibabalik din naman sa dad mo ang nawala sa kanya. Hindi naman sila magkaaway."
5:30 pm, nakarating na ako sa loob ng apartment. Medyo nakaka panibago lamang kasi wala si Dad at kasama ko rito ang professor na lihim ko na ring pinag papantasyahan. Nag punta ako ng kwarto ko para makapag palit ng pambahay.
Pag labas na paglabas ko sa kwarto ko, biglang may kumatok sa labas. Tila ay maaga umuwi ngayon si Sir Ivan, sakto at magluluto na ako ng dinner naming dalawa.
Nang buksan ko ang pinto, nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Anong ginagawa mo rito?"