5

1067 Words
MITCH POV Sheems! Bakit ako nagtanong ng ganito kay Sir Ivan? Kaagad kong pinag sisihan ang sinabi ko sa kanya. "Ay sir, sorry po-" "It's okay, wala naman akong girlfriend o asawa. Although kahit na 35 years old na ako, wala pa akong plano magkaroon ng syota, focus lang sa work." Halos pumalakpak ang tainga ko sa narinig ko mula sa kanya. Walang girlfriend ang gwapo kong professor! "Oh baka sabihin mo bakla ako ha? Sadyang inuuna ko lang ang trabaho ko," napatingin siya sa oras, "Una na ako Michelle, ingat ka." "Call me Mitch na lang po pag nasa bahay tayo." "Ah sige." 8 am, nasa labas na ako ng parking lot. Medyo lutang ako dahil nakasanayan ko nang sakay ng kotse ni Dad when in fact he left me with no other choice but to commute. Papara pa lang ako sa taxi ng biglang may pumarang pulang sasakyan sa harapan ko. Pag bukas ng pinto, nakita ko si Chelsey sa driver's seat. "Good morning, sumakay ka na sis!" nakangiting sabi niya sa akin, "Binilin ka sa akin ni Dad, daanan daw kita rito sa inyo kasi ayaw ka niyang mag commute." "Te-teka lang, bago lang ba itong sasakyan mo?" tanong ko sa kanya. "I will explain everything later. Sakay ka na." Sumakay ako sa front seat at kaagad kong chinika ang kaibigan ko habang nag susot ng seat belt. "Sasakyan mo ito? At kailan ka pa natutong mag maneho?" She started driving palabas ng parking lot, sumagot habang nakatutok sa daan. "Well, sorry na, hindi kita nasabihan na nag training ako mag maneho. Si Dad ang nagturo sa akin mag maneho ng sasakyan. And yes, this is my own car. Licensed na ako pero non-pro." "Wow! Congrats, masaya ako para sayo Chelsey, siguro nanalo kayo sa lotto," sambit ko, while I am genuinely happy for her, naiingit ako kasi never akong naisipang bilhan ni Dad ng sasakyan. "Ha? Anong sinasabi mo? Nanalo sa lotto eh never naman kaming tumataya doon, actually, co-president na si Dad sa hospital ninyo kasi binenta ni Tito Romualdo ang majority ng shares niya. That is why, lumaki ang sahod ni Dad so has able to purchase my own car." "Ibinenta na ni Dad ang majority ng shares niya? Pero kami ang may-ari ng hospital Chelsey, and sobrang importante kay Dad ng hospital na ito-" "Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yan friend... pero hindi ba ito sinabi sayo ni Uncle? Matagal na kasi ang negotiations nila so akala ko ay aware ka sa mga nangyayari." Napa isip akong bigla. Nag muni muni ako at tsaka ko napansin na para bang mayroong tinatago sa akin si Dad nang magtalo kaming dalawa. Bihira ko siyang tanungin tungkol sa work niya kasi ang buong akala ko ay okay naman ito. But now na narinig ko kay Chelsey ang nangyayari sa hospital, I have come to realize na naghihirap na kami ni Dad. Ang mas masakit pa rito, sa ibang tao ko pa ito narinig at hindi sa bibig ng sarili kong ama. I feel like I am a loser, napayuko ako at napa pikit. Pinipigilan kong maiyak dahil ayaw kong mabura ang make up sa mukha. Isang tapik sa balikat ang gumulat sa akin kaya napatingin ako kay Chelsey. Trapik kaya sa akin muna ang atensyon niya. "I am sorry Mitch, I know na hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap na pinilit ka ng Dad mo sa course natin kaya siguro dini distansya mo ang sarili mo sa kanya. Kahit naman ako nagulat din sa nangyari." "Chelsey, kahit na galit ako kay Dad, anak pa rin niya ako at mayroon akong karapatan na malaman kung ano ang nangyayari sa kumpanya namin." "Sis, I understand where you are coming from. Pero wala sila ngayon dito, nasa batangas silang pareho ni Dad kaya wala tayong magagawa. Anyway, eto lang ang opinyon ko ha, kung inilihim ito sayo ni Uncle, siguro talagang ayaw niya lang na mag alala ka sa sitwasyon." Kahit ano pa ang sabihin sa akin ni Chelsey, it does not change the fact na naglihim sa akin si Dad. At ngayon na mas nakikita nang umaangat ang pamilya ni Chelsey, nangangamba na ako na baka sila na ang mag may ari ng hospital namin. But no matter what happened, siguro naman ay hindi maapektuhan ang friendship naming dalawa ni Chelsey. "Siguro nga. However, mag uusap pa rin kaming dalawa ni Dad because I wanted to know more about this situation, at the end of the day, dalawa na lang kaming family at sino ba ang mag tutulungan kung di kami kami lang din, di ba?" She smiled and turned her gaze on the road as the vehicles started to move. "Sis, me and my parents are your extended family. So please, wag mong isipin na kayong dalawa na lang ng tatay mo ang family. If you need something to me, pwedeng pwede mo akong lapitan." "Thank you nga pala ulit Chelsey, nag abala ka pang sunduin ako kahit na medyo malayo pa ang bahay niyo." "Ano ka ba? Okay lang naman ito sa akin no. Ako nga palaging sinasabay ng papa mo sa kotse ninyo dati noong kami naman ang walang wala. So I am just returning the small favor. Anyway, bago pa tayo mag iyakan dito," namutla bigla ang magkabilang pisngi ni Chelsey. "Huhulaan ko, si Professor ang dahilan ng pag pula ng pisngi mo no?" tanong ko. "Ito naman, parang hindi ka teenager Mitch! Syempre siya lang naman ang nagpapaligaya sa akin sa ngayon. Ikaw ba naman, may gwapong professor sa harapan mo araw araw, sure ako na lahat ng estudyante ay kinikilig sa kanya." While I admit na maging ako ay kinikilig, kailangan kong ipakita kay Chelsey na kunwari akong hindi interesado kay Sir Ivan lalo na't sa apartment pa namin siya nakatira ngayon. "Well gwapo naman si Sir Ivan pero-" "Shhh! Ayaw kong makarinig ng negative about this please! Basta ako pantasya ko talaga si Sir Ivan at gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako. Mag aaral ako ng mabuti at mag re recite ako ng madalas para naman ma impress siya sa akin. Let us stick to positive," mariing wika niya sa akin. Sa isip ko, hindi man ako kagalingan sa science but at some point, I somehow consider Chelsey as my competitor and my mind is saying that I should compete with her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD