MICHELLE POV
She ignored me again but I went to the bathroom anyway.
"Michelle, mayroon nga pa lang bagong bukas na restaurant na malapit sa school. Baka gusto mong sumama sa akin mamaya during lunch, tayong dalawa lang naman. Don't worry, feeling ko ay wala namang makaka kita sa atin. Treat ko na rin para wala tayong problema. Kita na lang tayo sa parking lot, dadaanan kita mamaya."
Sheeems! Maglu lunch kaming dalawa ni Sir Ivan pero kaming dalawa lang. But I am worried about Chelsey since baka magalit siya sa akin. May topak pa naman siya ngayon at ayaw ko nang mas lalo pa siyang magalit.
"Sorry na Sir Ivan pero kasabay ko kasi si Chelsey na kakain mamaya sa labas eh," pag tanggi ko sa imbitasyon niya.
"Ahh yun ba 'yung kaibigan mong may gusto sa akin? Sige wala namang problema kung isasama natin siya. But here is the thing, kunwari yayain mo siya sa restaurant and then doon ko kayo yayayaing kumain. Para naman hindi niya isipin na nagte text tayong dalawa."
Minsan, talagang naniniwala ako sa perfect timing. Since may topak si Chelsey, si Sir Ivan lang ang makakapag bigay ng good mood sa kanya. Now na mayroon na kaming deal ni Sir Ivan, all that's left is for me to invite her.
"Uy Chelsey, mayroon nga palang bagong bukas na restaurant malapit dito kanina na nadaanan ko. Baka gusto mong sumama sa akin, treat kita?" bulong ko sa kanya ng makabalik ako.
"Nako, baka bulok na naman ang mga pagkain diyan so pass ako. But kung gusto mong magpunta, okay lang naman sa akin. Sanay din naman akong kumain mag isa eh," pag tanggi niya na parang may pagtatampo ang tono.
I am disappointed right now. Kung pwede ko lang sabihin na nandoon din si Sir Ivan, tiyak ako na siya pa mismo ang hihila sa akin papunta sa restaurant. But I can't say it, baka maging iba ang interpretation niya kapag sinabi kong personal akong inimbitahan ni Sir.
"May galit ka ba sa akin Chelsey?" prangkang tanong ko. "May nagawa ba akong mali sayo? Kasi kung oo-"
"Wala ah," sagot niya sabay ngisi sa akin, "I am just having a bad mood and it has nothing to do with you. Pero let us go straight to the point, magkaibigan pa rin naman tayo di ba? May tiwala pa rin naman tayo sa isa't isa di ba?"
Hindi ko alam pero ang lakas ng hugot ni Chelsey sa sinabi niya, but I still answered her immediately.
"Of course naman, pero para lang sana mawala ang topak mo, gusto talaga kitang yayaing sumama mamaya. Treat ko naman eh."
"Sorry talaga pero wala ako sa mood sumama sayo Sis. Next time na lang, babawi talaga ako," muli niyang pag tanggi sa alok ko.
Ayaw ko na siyang pilitan pa. Medyo na badtrip na rin kasi ako, kung ayaw niyang sumama, eh di ako na lang. Basta walang sisihan sa bandang huli. Sayang naman, alam kong pangarap din niyang makasabay si Sir Ivan makakain.
At exactly 12 pm, I went to the parking lot at sinundo ako ni Sir Ivan. Naupo pa nga ako sa front seat. At para hindi ako makilala ng mga students, nag suot ako ng shades after kong mag seat belt.
"Sayang naman, hindi mo kasama si Chelsey."
"Eh kasi Sir, may topak po siya ngayon. Tinanong ko naman ng dalawang beses pero tumanggi talaga siya. Gusto ko nga sanang sabihin na kasama kaya para mapapayag siya pero baka kasi iba ang isipin niya."
"Hayaan mo na, baka may personal lang na pinag dadaanan ang tao kaya ganun siya."
"Kung may personal na pinag dadadaanan ngayon si Chelsey, sure ako na ako ang unang tao na makakaalam. But she did not say something to me. Sinampal pa nga niya ang kaklase namin kaninang si Mark eh."
"Really? Yung feeling poging student?"
"Mismo Sir, paano sabi niya liligawan niya raw kaming dalawa ng sabay ni Chelsey para pag awayin kami at masira ang pagkakaibigan namin. Paano kasi, walang kaibigan ang tao na 'yun kaya ganoon siya kung magsalita."
"Sige wag niyo na lang pansinin. Marami naman talagang taong ganyan eh. Hindi sila masaya sa buhay nila kaya mangdadamay sila. Anyway, balita ko masarap daw ang mga pagkain sa restaurant at pagkain sa restaurant na 'yun. Pero baka may bawal sayong pagkain ha?"
"Hindi naman ako maselan Sir, kahit ano naman kinakain ko."
Napatingin siya sa akin na para bang mayroong ibang kahulugan sa kanya ang sinabi ko.
"Talaga? Lahat kinakain mo?"
"Opo sir, lumaki man ako na puro masasarap ang kinakain, pero it does not mean na maarte akong tao. Kaya lahat ng pagkain, masarap para sa akin."
"Ahhh... oorder ako ng maraming pagkain natin mamaya para mabusog ka."
Napatitig ako ng husto kay Sir Ivan, kahit na naka side view siya, napaka gwapo niya pa ring tingnan. At ang ngiti niya, sobrang nakaka gaan sa pakiramdam. Samahan pa ng kanyang mapupukaw na mga mata, hindi na ako nagtaka kung bakit marami ang nagkakagusto sa kanya.
------------------------
------------------------
CHELSEY POV
Desperada na talaga ako kaya nagpara ako ng taxi para sundan ang sasakyan ni Sir Ivan. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung paano nagawang ilihim ni Michelle ang lahat sa akin. Mayroon ba talaga silang something ni Sir Ivan?
Nang makarating silang dalawa sa restaurant, nag park sila at tsaka ako sumunod ng makapasok na silang dalawa sa loob. Hinanap ko sila hanggang sa makita kong naka upo si Michelle sa isang sulok, samantalang nakapila naman si Sir Ivan. I guess siya ang mamimili ng pagkain nilang dalawa.
Umupo lang muna ako at nag observe, mamaya na ako o order kapag tapos nilang kumain. Nang maka order na si Sir Ivan, bumalik siya sa pwesto ni Michelle at masaya silang kumain habang nag uusap. Kusa nang pumatak ang luha sa mga mata ko. At sa mga sandaling ito, labis ko nang kinamumuhian si Michelle. Kinasusuklaman ko siya at hindi ko na siya ituturing bilang isa kong kaibigan.
Isa siyang ahas, traydor, at manggagamit. Pagkatapos ng ilang taon na pinag samahan naming dalawa at pagiging tapat ko sa kanya, ito ang isusukli niya sa akin. Nawalan na ako ng ganang kumain, masakit sa akin ang mga nakikita ko, para silang dumi sa aking paningin.