MICHELLE POV
"Sige Michelle, gusto mo ba na tulungan kitang maglinis sa apartment mo? Baka kasi may mga ahas na-"
"Grabe ka naman sa ahas, nasa gubat lang makikita ang mga 'yun. Imposible namang magkaka interes yang pumasok dito sa apartment ko."
"Nako, ingat ka Sis... ang mga ahas kasi hindi na sila nakatira sa gubat. Nagkalat na sila, and they are everywhere."
Kumunot ang noo ko, "Okay ka ang ba Chelsey? Bakit parang iba yata ang tono ng boses mo ngayon?"
"Oh I am very sorry, kagigising ko lang kasi at may nasagap lang akong masamang balita. Ingat ka Michelle, sana next time, maimbitahan mo na ako jan sa inyo."
"Sure, why not? Pramis, maglilinis na talaga ako para hindi naman nakakahiya sayo-"
She immediately hung up the call at mayroon akong hinala that something is going on with Chelsey. Matagal na kaming dalawang magkaibigan at halos kilala na namin ang isa't isa. Napatingin ako sa apat na libro kong nakapatong sa lamesa at sumagi sa isipan ko ang biglaang paghalik ni Professor Ivan sa aking kamay kanina.
Hinatid ko lang naman ang extra niyang tshirt para gawin niya yun. Hinaplos ko ang kamay kong hinalikan niya and I found myself na biglang tumibok ang puso ko ng mabilis. Subalit paano kaya kung mas malaki ang kabutihang gawin ko sa kanya? Baka hindi na lang sa kamay ko dumampi ang kanyang mapupulang labi, baka sa susunod ay sa pisngi na ito o sa ibang bahagi ng katawan ko.
I shook my head at napahawak ako sa pisngi ko.
"Come on Michelle, professor mo si Ivan at walang malisya para sa kanya ang ginawa niyang pag halik sayo. Bawal kang ma in love sa kanya dahil bawal ang student and professor relationship. Besides, nangako ako kay Chelsey na ipapaubaya ko na si Sir Ivan sa kanya," pag suway ko sa sarili ko.
7:30 am, umalis na ako at nag taxi papunta sa school. Pinanindigan ko ang pagdadala ng apat na libro at tamang tambay lang muna sa cafeteria habang nagbabasa.
"Sipag ha?" lumingon ako sa harapang upuan at nakita ko si Chelsey na may bitbit ding dalawang libro. Naupo siya pero parang ang tipid ng ngiti niya sa akin.
"Sis, nanjan ka na pala-"
"Ay hindi picture ko lang 'to," pang babara niya sa akin, ngayon ko lang siya nakitang nambara.
"May topak ka ba?" tanong ko.
She rested her hand on her chin and gave me a serious look, "Meron eh! Pero I don't want to talk about it, sobrang wala lang talaga ako sa mood but you know, kailangan ko pa ring pumasok sa school, mag aral ng mabuti to make my parents proud. Alam mo na, mahirap kapag na disappoint sa akin si Dad."
"Well, mataas kasi ang expectation nila sayo kasi matalino ka naman talaga sa science. I wish my Dad would say the same thing to me one day. Ang sarap siguro sa pakiramdam kung matutuwa rin siya sa akin at sasabihin niyang proud siya."
"Eh si Uncle rin naman ang may kasalanan niyan eh. Kung di ka sana niya pinilit mag take ng Medtech, di ka sana nahirapan."
"Wala na naman akong magagawa tungkol sa bagay na 'yan. And besides, unti unti ko nang nagugustuhan ang course na ito. Baka nakatadhana talaga akong sumunod sa yapak ng parents ko at maging susunod na president ng hospital."
"Wow! Sana all may bestfriend," lumingon kami at nakita namin ang paepal naming kaklase na si Mark. "Chill lang kayo jan ha? Kung mag syota nga naghihiwalay, magkaibigan pa kaya?"
"Sorry ka Mark, magkaibigan kami ni Chelsey since noong mga bata pa lang kami kaya never mangyayari ang sinasabi mo. Kamatayan lang ang makakapag hiwalay sa aming dalawa."
"Ang lalim naman noon, Michelle. Sige nga, tingnan natin kung pagkatapos ng ilang months ay ayos pa rin kayong dalawa."
Hindi pa rin kumibo si Chelsey na parang wala pa rin sa mood kaya ako na lang ulit ang nagsalita.
"At ano naman ang balak mong gawin ha?"
"Simple lang, liligawan ko kayong dalawa at papaibigin ko kayo hanggang sa pag awayan ninyo ako. Lalaki naman talaga ang sumisira sa pagkakaibigan ng mga babae eh."
Tumayo si Chelsey at natakot ako sa kanyang tindig, "Sa lahat ng sinabi mo 'yan ang pinaka ayaw kong marinig! Wala kang alam sa mga nangyayari, Mark."
Seryoso ang tono ng pananalita ni Chelsey, at bago pa man ako maka react, lumipad na ang kanyang kamay sa pisngi ni Mark. Nagtinginan ang mga tao sa canteen dahil sa nangyari dahil nagmistulang isang scene sa pelikula ang aming nasaksihan.
Subalit imbes na malugmok sa kahihiyan, patuloy lang ang pag ngisi ni Mark. Para ngang walang bakas na nasaktan ito sa sampal ng matalik kong kaibigan.
"Grabe ka Chelsey, mas matalino ka kaysa kay Michelle pero parang mas maikli ang pasensya mo kumpara sa kanya."
Nasaktan ako sa sinabi ni Mark, I know for a fact na mas matalino talaga si Chelsey kaysa sa akin pero para ipamukha pa ito ng ibang tao, tagos talaga sa puso ko ang sakit.
"Mark, ito lang ang last words ko sayo, try mo ring lagyan ng laman ng utak mo para naman hindi ka mapuno ng hangin. Pwede ka sanang magyabang sa akin kung kasing gwapo mo si Sir Ivan, pero wala eh, kahit saang anggulo, wala kang binatbat sa kanya."
"Ahhhh... kasing gwapo ni Sir? Siguro mayroon kang gusto sa kanya no?"
Hindi na siya pinansin ni Chelsey, bagkus ay kinuha lang nito ang kanyang mga libro at tsaka umalis mag isa. Tiningnan ko ng masama si Mark bago ako sumunod sa kaibigan ko sa klase namin.
"Wag mo na siyang pansinin Chelsey, hindi naman magkakatotoo ang sinabi ni Mark eh."
Tinapik ko pa siya sa balikat subalit wala itong kibo sa akin. Kilala ko siya, kapag hindi na ito kumikibo, ibig sabihin ay talagang galit siya at wala siya sa mood makipag usap. I just continue reading my books ng biglang mag ring ang phone ko.
Isang text message mula kay Professor Ivan ang bumungad sa akin. Pero hindi ko ito pwedeng basahin sa harapan ni Chelsey, matalas pa naman ang mata niya.
"Excuse me, magc cr lang ako," pag papaalam ko sa kanya.