15

1910 Words

“PERO SERYOSO nga talaga ako Eya, parang nakita ko na siya dati eh.” Pangungulit pa rin kay Eya ng kaibigan niyang si Joy habang nagmamaneho na ito pauwi sa kanilang bahay. Buti nga at mabilis lang natapos ang kanilang pagkain ng dinner kanina para sa ganon ay hindi naman sila masyadong gabihin sa biyahe. Mabagal lang din naman ang pag papatakbo ng motor ng kaibigan kaya rinig na rinig niya ang sinabi nito habang nakaupo siya sa may likuran ng motor. “Hay na ko. Tigilan mo na nga si Zeke, hindi ba at sinabi niya na baka nagkakamali ka lang,” sagot niya dito habang nakahawak pa ang kaniyang kanang kamay sa kulay green niya na helmet. “At saka, aminin mo… halos magkakamukha lang naman ang mga lalaki sa Maynila. Pareho-pareho lang sila na mapuputi at magagandang lalaki lalo na kapag galing s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD