TBW 01:
•Ashley•
Kinapa ko ang frame na pinaglalagyan ng litrato naming dalawa ni Gregor at nang maabot ko iyon ay kaagad ko iyong inilagay sa aking dibdib. Palagi akong kinakabahan sa tuwing nagigising at kapag nangyari iyon ay hinahanap ko kaagad ang asawa ko, ngunit wala siya rito at sa gabi na lang siya umuuwi dahil busy sa trabaho kaya ito na lang ang ginagamit ko.
Simula nang mabulag ako ay wala na akong ibang ginawa kundi ang manatili rito sa bahay. Hindi ko na rin nabibigay ang pangangailangan ni Gregor at di ko na rin siya maalagan nang maayos. Mabuti na lang at napakamaintindihin nito at hindi naman siya nanunumbat. Kung hindi lang sana nangyari iyong aksidente sa aming dalawa edi sana ay masaya pa rin kami ngayon.
"Kung maibabalik ko lang ang panahon, Greg, sana hindi ka nagtitiis ngayon na mag-isang nagtra-trabaho..." malungkot kong saad sa hangin habang binabaliktanaw ang masamang pangyayaring iyon.
~~~
"Hon, umuwi ka nang maaga dahil nagluto ako nang paborito mo!" Maagang lumabas si Gregor sa opisina kanina at nauna nang umuwi sa akin. Hindi naman ako nag-reklamo dahil kapag ganito ang nangyayari ay alam ko na kaagad na may surpresa ito sa akin.
Ginagawa niya ito tuwing monthsary, anniversary at iba pang importanteng araw sa buhay namin. At araw-araw rin niyang pinaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako, kaya wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang bigyan kami ng supling. Iyon na lang ang kulang para mas lalong maging masaya ang buhay namin.
"Malapit na ako, hon, nagmamaneho pa kasi ako. I'm sorry kung hindi kita makausap nang maayos—"
"It's fine. Ako dapat ang mag-sorry dahil nasa byahe ka at tumatawag ako. Ibaba ko na ito. I love you, Ashley!" masaya nitong wika.
"I love you too—aah!!" Napatili ako sa sobrang gulat nang may sasakyang pabangga sa kotse ko. Sinubukan ko iyong iwasan ngunit tumama na ang unahan nito sa aking kotse.
~~~
Nagising ako kinabukasan sa may hospital at ang araw rin na iyon ang pinakaayaw ko sa lahat, dahil doon na ako simulang hindi nakakakita. Hindi ko na ulit nakikita ang ganda ng paligid, at ang mga magagandang ngiti ni Gregor.
Galit na galit ako noon sa buong mundo dahil pinagkaitan ako nang paningin, ngunit di kalaunan ay natanggap ko rin naman ang lahat lalo na at palaging nasa tabi ko si Gregor.
Napangiti ako nang may narinig na pagbukas ng pinto. Kaagad kong inilagay ang frame sa kama at dahan-dahang tumayo.
"Greg, ikaw na ba iyan?" tanong ko. Wala akong narinig na sagot sa kanya kaya lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa may sala. May mga tali naman na inilagay si Greg dito para hindi ako mahirapang pumunta sa lugar na nais ko at sa taong pamamalagi ko sa lugar na ito ay hindi na mahirap sa akin iyon. "Greg, nasaan ka? Ikaw ba iyan?"
Hindi ako nakakakita at wala rin akong mga kasama rito sa bahay dahil ayaw naman ni Gregor. Sinabi ko sa kanya na kailangan ko iyon para kung may problema ay may tutulong sa akin. Katulad na lang ngayon ay hindi ko alam kung may magnanakaw ba rito sa bahay o wala.
"G-greg?" Gumaralgal na ang tinig ko dahil sa kaba na aking nararamdaman. Hindi ko alam ang gagawin kong may tao ngang nagbabalak nang masama sa akin ngayon. "Sino 'yan?!" hiyaw ko nang wala pa rin akong makuhang sagot.
Narinig ko ang mahinang pagtikhim at mga yabag palapit sa akin. "Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?!"
"Ashley, ako 'to si Greg. Pasensya ka na kung hindi kaagad ako nakasagot sa iyo. Ano... Ah, may dala kasi akong surpresa sa'yo." Napangiti ako sa sinabi nito at tumango.
Simula nang mabulag ako ngayon na lang ulit ako nakarinig sa kanya ng salitang surpresa. Hindi na nito ginagawa iyon dahil sobrang busy na siya sa trabaho at minsan ay inuumaga na siya ng uwi.
"Ano iyan? Tiyak kong magugustuhan ko iyan dahil galing sa'yo." Biglang sumigla ang puso ko sa surpresang dala nito. Walang pagsidlan ang tuwa na aking nararamdaman ngayon. "Excited na ako!" masaya kong sambit.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Greg at ang paghawak nito sa aking kamay. "Alam ko na hindi mo makikita ang kagandahan nito but I hope it will touch and warm your heart," malambing nitong saad, sabay dampi nang malamig na bagay sa aking leeg at dibdib. "I give this heart necklace for you to remember that I'll always love you."
Gregor is the sweetest guy I've ever known. "Thank you, Greg, I always trust and love you," saad ko sa kanya at tumalikod para harapin ito. Muntikan pa akong madulas dahil sa pag-ikot ko mabuti na lang at nasalo ako nito.
"Be careful, Ash," mahinahon niyang saad at inalalayan ako para tumayo. Tumango ako at kinapa ang kanyang mukha para haplusin iyon.
I smiled when I touched his stumbles. It will always be my favorite part of his face. He looks so manly with his stumbles and deep black eyes, that everytime I see him I felt like I'm the luckiest woman alive.
Paano ko pala napaibig ang ganito ka-gwapong lalaki? Paano ko ito napanatili sa tabi ko sa kabila ng kalagayan ko ngayon? Lahat ng katanungan na iyon ay masasagot ng mga salitang 'Because he's a good guy and he loves me. That's it.'
"Thank you for loving me, Greg, kahit na ganito lang ako—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang inilagay niya sa aking bibig ang kanyang isang daliri.
"You're great! Huwag mong sabihin na gan'yan ka lang. Anyway, may ipakilala ako sa iyo." Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ba no'n ay may ibang tao kaming kasama rito sa bahay? "Alam kong nahihirapan kang mag-isa rito kaya kumuha na ako ng katulong. Si Sheena, she's 35 years old at mabait ito. Si mama ang nakahanap sa kanya para raw hindi ka mahirapan."
Malapad akong napangiti dahil sa sinabi niya. Ang tagal ko na ring naghintay na magkaroon ng makakasama sa bahay at masaya rin ako dahil hindi kumuha si Greg ng kaedad ko o mas bata sa akin dahil alam nitong magseselos lang ako.
"Pakisabi kay mama na maraming salamat." Ramdam ko ang paggulo nito sa aking buhok at tinawag na si Sheena.
"Sheena, ito ang asawa ko at magiging amo mo. Si Ashley. Huwag kang mag-alala dahil mabait ang asawa ko na'to basta pakitunguhan mo lang nang maayos, okay?"
"Opo, Sir Greg. Hi, Ma'am Ash, ako po si Sheena. Salamat po sa pagtanggap sa akin dito."
Mas bata ang boses nito kaysa sa inaasahan ko, ngunit mayroon namang tao na ganoon ang boses.
"Pasensya ka na kung mahihirapan ka sa pagbabantay sa akin."
"Hindi po iyon, ma'am, trabaho ko po iyon." Tumango ako at inaya na si Greg na pumunta sa kwarto ko. Magkahiwalay na ang kwarto namin simula noong araw na mabulag ako. Noong araw na halos hindi ko maintindihan ang sarili ko ay pinili kong lumayo rito at sinunod naman niya.
"Nagustuhan mo ba ang surpresa ko sa iyo, Ashley?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako at niyakap siya nang mahigpit.
"Thank you. I'm lucky to have you, Greg."
"I want you to be happy always, Ash." I am. I am the happiest girl in this world because of you.
—
Kumunot ang noo ko nang marinig ng mga ungol sa kusina, patungo ako roon dahil kukuha sana ng tubig ngunit narinig ko ang maingay na iyon. Ilang buwan nang tahimik ang buong bahay na ito ngunit simula nang dumating si Sheena rito ay palagi na akong nakakarinig ng ungol kong saan-saan.
"Sheena! Sheena!" tawag ko sa pangalan nito. Kinapa ko ang pintuan ng kusina at pumasok sa loob. "Ano na naman ang ginagawa mo? Umaabot ang ingay hanggang sa kapit-bahay," reklamo ko sa kanya.
"Sorry po, Ma'am Ashley, ugh... Nadala lang po ako rito sa pinapanuod ko." Naiiling ako sa sinabi niya. Matanda na ito pero hindi man lang inisip ang maririnig ng mga kapit-bahay lalo na iyong may mga bata. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw ni Greg kumuha ng katulong.
"Pakikuha nga ako ng tubig, Sheena."
"Huh, ma'am? Hmm... Ahh..." Naningkit ang aking mga mata dahil sa sinabi nito. Kung nakakita pa lang ako ngayon ay baka natapunan na siya ng tsinelas ko sa kalaswaan nito. May sarili siyang kwarto pero bakit dito pa siya sa kusina ko nagsa-sarili?
"Huwag na pala. Ako na lang." Hinawakan ko ulit ang lubid papunta sa may ref. "Sheena, hindi ko alam kung nagpapasok ka ba ng ibang tao sa bahay ko at binababoy ang lugar ko dahil hindi kita o kayo makita pero sana hindi ito malaman ng Sir Greg mo at tigilan mo na ito. Dahil naririndi ako sa ungol na nililikha mo."
"Kaya ka pinalitan..." Hindi ko marinig ang kasunod nitong sinabi dahil humina ang kanyang boses.
"Ano?" medyo may kalakasan ko nang tanong dito.
"Wala po, ma'am." Hindi ko na siya tinanong ulit at naglakad na lang palayo roon.
—
"Wife," Kakapikit ko pa lang ng aking mga mata nang marinig ang boses ni Greg sa loob ng kwarto ko.
"Greg, dumating ka na pala. May problema ba?" Minsan lang ito pumasok sa kwarto ko dahil ayaw niyang ma-istorbo ang aking pamamahinga. Kaya alam kong may dinadala ito ngayon lalo na sa minu-minuto nitong pagbuntong-hininga. "Are you tired managing the company?"
"Your parent's employee are mocking me. Sabi nila hindi raw ako ang nagmamay-ari ng kompanya kaya wala akong karapatan magsesanti ng tauhan kahit may nilabag na rules sa company."
Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi talaga sumusunod sa ibang namamalakad ang mga tauhan nila daddy dahil tapat ito sa kanila, ngunit hindi rin naman pwedeng maramdaman ito ni Greg dahil asawa ko na siya.
"I'll talk to them tomorrow."
"Baka sabihin nila na ginagamit na naman kita para maging mabait sila sa akin—"
"That I'll change the company's owner. Ipapaalam ko sa kanila na ikaw na ang bagong nagmamay-ari ng kompanya ng mga Ricarforte."
Napalingon ako sa pwesto nito nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. "Hindi mo na kailangang gawin iyon, Ash, sa pamilya mo iyon—"
"Pamilya rin kita, Greg. I trust you. I love you."
"I love you too, Ash."
—
Three weeks after ng party para sa pagpasa ng kompanya kay Gregor ay naging masaya na ulit ito at palagi na ring may oras sa akin. Maaga na itong umuuwi hindi katulad dati, pwera na lang ngayong araw.
Napalunok ako sa mga ungol na aking narinig mula sa kwarto ni Greg. Halinghing nila ng kanyang katalik ang bumibingi sa aking tainga. Pinahid ko ang aking luha at malakas na binuksan ang pinto. Ilang araw ko na iyong naririnig ngunit isinawalang bahala ko lang dahil baka nanunuod lang ito ng mga R19 movies, ngunit nang mapadaan ako sa kwarto nito at marinig ko ang pangalan niya na tinawag ang pangalan ni Gregor ay nagduda na ako.
Ngayon ay nasa kwarto ako nito at hinihintay na matigil ang init ng apoy na sinisilaban nilang dalawa. It's a torture. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit ang masaksak sa dibdib ng totoong kutsilyo at mamatay kaagad o ang masaksihan ang kataksilan na ginagawa ng taong pinagkatiwalaan ko ng lahat.
"Tama na, Greg!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa loob ng kwarto nito dahil sa ginawa niyang kataksilan.
Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nila nang marinig ako ngunit nakaginhawa ako nang maluwag nang matigil ang mga ungol.
"Ashley! Bakit ka nandito sa kwarto ko?" Tumawa ako ng sarkastiko dahil sa tanong niyang iyon.
"Dapat ba nasa labas lang ako at hintayin ko kayong matapos?" mariin kong tanong sa kanya.
"Anong matatapos? Wala akong kasama sa kwarto—"
"Shut up, Greg! Bulag lang ako pero hindi ako tanga! Huwag mo akong gawing katawa-tawa sa kasama mo ngayon dahil bulag ako. Asawa mo ako. Pinangako mo sa akin na magiging tapat ka kahit anong mangyari!"
"Oo tama ka! I cheated kasi kailangan ko nang magpapainit sa kama ko. I cheated kasi hindi mo na iyon maibigay sa akin." Akala ko wala nang ikakasikip ang dibdib ko ngunit nagkakamali pala ako, dahil sa mga oras na ito ay hindi ko na kontrol ang puso ko. "Pero papatawarin mo pa rin naman ako 'di ba? Wala ka ng ibang pamilya, Ashley, ako na lang ang nag-aalaga sa iyo—"
"Mas bubutihin ko pa na mabuhay nang mag-isa kaysa manatili rito kasama ang baboy na katulad mo! Ang sagwa mo, Gregor!" bulyaw ko. "I give you everything you ask, Greg. Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa ginawa mo? Your sweet lies. Kung hindi sana ako naging mahina at dumepende sa iyo ng husto siguro hindi ko naranasan ito ngayon."
"Dahil ba naibigay ko na sa iyo ang kompanya kaya niloloko mo na ako?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"H-hindi sa ganoon, Ashley, I love you but I have..."
"Whatever reasons you have right now, keep it. I don't want to hear it." Tinalikuran ko na siya at kahit nababangga na ako sa mga bagay na nakaharang sa aking dinaraanan ay wala akong pakialam.
Napahawak ako sa huling nabangga ko nang magdala iyon nang sobrang sakit sa aking paa nang mabangga ko ito. Pabagsak ko itong sinirado at sumandal doon. Nakagat ko ang aking labi para pakalmahin ang puso ko.
Maglalakad na sana ako ulit nang marinig ko silang magsalita muli. "Akala ko ba hindi mo na mahal pero iba iyong sinasabi mo kanina."
"I need to act. Kung pwede ko pa siyang ibalik sa akin ay gagawin ko. Marami pang ari-arian ang babaeng iyon na hindi ko na angkin, Sheena."
Napahawak ako sa aking bibig nang marinig ang pangalan ng babaeng kalaguyo nito at ang rason kung bakit siya nanghihingi ng isa pang pagkakataon. Nakakatawa dahil muntikan na naman akong mapaniwala kanina.
"Guard your assets well, Gregor, dahil babalik ako at babawiin ko lahat nang kinuha mo sa akin," mariin kong saad at naglakad na pabalik sa aking kwarto.