TBW 02:

1030 Words
•Ashley• Hila-hila ko ang maleta na sinaksakan ko ng mga damit ko kanina kahit hindi ko alam kung tama ba iyong nakuha ay umalis ako ng bahay. Tanging dala ko lang ay iyong gamit wallet ko na palaging nakapatong sa may side table at ang folding white cane ko dahil hindi ko alam ang daan sa labas at kung ano ang mababangga ko. I need to go to Ricaforte's Palace kahit hindi ko alam kung paano. Sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba ako. "Miss, are you okay?" Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa ulan dahil pinapawi nito ang sakit na aking nararamdaman dahil sa ginaw na dala nito o maiinis dahil nagiging sagabal ito sa aking paglalakad. "Tutulungan na kitang makasakay ng taxi o jeep ba kaya." "You're a stranger," mariin kong saad. Kung naloko nga ako ng taong kilala ko na ng ilang taon paano pa kaya ang lalaking ito? Lumapit lang ito bigla sa akin at nag-alok ng tulong. How can I trust him? "Yes, I am. Pero wala akong balak na gawan ka nang masama." Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya dahil napaka-imposible no'n. "Naaawa lang ako sa sitwasyon mo ngayon." "You're so funny! Walang taong tutulong sa iyo ng walang kapalit," balik ko rito. Maglalakad na sana ako palayo sa kanya dahil inaaksaya niya lang ang oras ko nang biglang may humila sa akin. Kasunod no'n ay ang malakas na busina ng sasakyan at pagmumura ng driver. "Watch your step. T*ngina, kung gusto mong magpakamatay tumalon ka sa may tulay." "T*ngina mo rin! How can I watch it if I'm blind, g*go! Gusto mo palit tayo? Ikaw iyong bulag tas sasabihan kita nang ganoon gusto mo, huh?" bulyaw ko rin dito. Ngayon ko lang din nalaman na may pagka-tigre pala ako. Epekto na rin siguro ito sa pag-iwan sa akin ni Gregor. Wala na akong narinig pa na nagsalita kaya muli na akong naglakad, ngunit ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ay nakaramdam na ako nang pagkahilo. — I woke up in a soft, comfortable bed and a warm place. Sa tingin ko ay nasa bahay ako ngayon. Huling naalala ko ay nahilo ako kanina at hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin dito. Maybe that stranger? "Nagising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" "I'm fine. I don't need your concern," tugon kk sa kanya. Narinig ko ang kanyang malalim na buntong-hininga, stress na rin siguro ito dahil sa pagmamaldita ko. "Look, hindi ko alam kung sino ang nakagawa nang masama sa iyo pero hindi kita sasaktan at wala akong gagawing masama sa iyo. Anyway, saan ka ba pupunta para maihatid kita." "Nasaan ako?" tanong ko rito sa halip na sagutin ang tanong iya. "Nasa bahay ko," tugon naman niya.  "You see I'm blind and I trust no one but this time I'll trust you. I just want to know your name." Kailangan ko muna siyang pagkatiwalaan sa ngayon dahil wala akong magagawa. Hindi ako makakarating sa paparoonan ko kung ako lang mag-isa. "Kailangan ko iyon para..." "Cloud Colmenares," putol nito sa aking sasabihin. Natigilan ako nang marinig ang pangalan nito. Kalaban ito ng kompanya ko noong nakakita pa ako. Palagi kaming nag-aaway sa ranko ng mga kompanya namin, kaya kilalang-kilala ko ang lalaking ito. "Aren't you a busy man? How come you have time to help others?" puno nang pagtataka kong tanong sa kanya. "I saw you and I found you helpless. What should I do then?" "Kilala mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Posible naman kasi na hindi ako nito kilala dahil hindi na naman ako nagpapakita sa media simula nang mawalan ako ng paningin. "No. Sorry, pero kailangan na kilalanin muna kita bago tulungan?" "I have a deal. Gusto mo?" nakangisi kong tanong sa kanya. Both of us are entrepreneurs kaya alam kong gusto niya rin ang offer na ito. "Ano iyon?" "Tutulungan mo ako sa mga gagawin ko. I'll seek revenge. Kailangan ko ng taong tutulong sa akin—" "Wala akong balak na makipaglaro sa iyo, miss—" "I'm Ashley Ricaforte. Ibibigay ko sa iyo ang full support ng kompanya kapag naging successful ang gagawin nating ito." Wala akong narinig na sagot mula rito, baka nga ay nag-iisip ito. Dapat lang! Dahil ang isa sa pinakamalaking kompanya ang Ricaforte's Group of Companies. Ibig sabihin lang no'n ay mas lalong lalago ang negosyo na ipinundar nito. "Hindi ka naniniwala sa akin? Nasa maleta ko ang aking wallet buksan mo at makikita mo ang mga ID ko roon." May hinalughog ito kaya sa tingin ko ay sinunod nga niya ang sinabi ko. "Ano naniniwala ka na sa akin? Ako ang tagapagmana ng mga ari-arian ng mga Ricaforte kaya kong ibigay sa iyo lahat ng gusto mo." "Sa pagkakaalam ko ay nag change owner na ang Ricaforte?" "Marami pang negosyo ang pamilya ko, Mr. Colmenares, at balak ko ring bawiin ang Ricaforte sa ex-husband ko kaya huwag kang mag-alala," tugon ko sa kanya. Wala akong ititira kay Gregor dahil wala rin naman talaga siyang karapatan doon simula nang niloko niya ako. "Deal but I want you to sign some papers for contract." "Pero paano ko babasahin ang kontratang pipirmahan ko kung bulag ako—" "Deal or no deal?" Naiinis ako sa sinagot nito sa akin ngunit dahil gusto kong makaganti kay Gregor ay wala akong nagawa kundi ang tumango rito. "Madali ka naman pa lang kausap, Miss Ricaforte, I'll let you know tomorrow. Sa ngayon ay iuuwi muna kita sa inyo para makapag-trabaho na ako nang maayos." Narinig ko ang papalayong yabag nito kaya kaagad ko itong inambahanbng suntok kahit hindi ko naman alam kong nasaan ito banda dumaan. "Why are you treating your business partner like this, Miss Ricaforte." "Ay! Anak ka ng bawang na binalatan ng buhay!" hiyaw ko rito. Narinig ko ang ekspresyon na iyan sa mga nagtra-trabaho sa amin kaya minsan nagagamit ko talaga kapag nagulat ako. "I'm sorry," hinging-paumanhin ko rito dahil hindi rin naman nagtatanong ang tono ng pananalita nito. "Get your things and follow me para makaalis na tayo," seryoso nitong saad kaya tumango na lang din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD