•Ashley•
Inalalayan ako ni Cloud hanggang sa makasakay ako sa kanyang kotse. Lumingon ako sa kabilang bahagi kung saan ko narinig ang boses niya kanina.
"I'm blind. I can't see your face and reactions is there any chance that you'll laugh at me or Mock me?"
"Why would I do that? Ikakasaya ko ba iyon? It's a waste of time, Ashley, at alam mo iyon dahil ikaw rin ang namamalakad sa Ricaforte." Tumango ako sa sinabi nito. Ngayon ko lang napagtanto na simula nang mailagay ako sa itaas na posisyon ng kompanya ay wala na akong oras para tumingin sa ibang tao. "Pero bakit mo natanong ito? Ito ba ang dahilan kung bakit kayo magkaaway ng asawa mo?"
Naikuyom ko ang aking kamao sa pagbukas ng topic na iyon. Bumabalik sa akin ang nangyari kagabi at ang mga masasakit na salita ang narinig ko mula sa bibig ni Greg. "Hindi mo na kailangang malaman iyon. Wala kang karapatan para malaman ang problema naming mag-asawa."
"Tutulungan kita sa paghihiganti mo kung hindi ko alam ang dahilan ano naman ang maitutulong ko sa iyo?"
Tama naman ito pero sa tuwing naiisip ko ang ginawa sa akin Greg ay sumasakit lang ang puso ko. Kung nakakakita lang ako ay baka napatay ko na silang dalawa ng kalaguyo niya. "He cheated dahil hindi ko na maibigay ang init ng katawan na hinahanap niya atsaka nakuha niya na rin ang ibang ari-arian na minana ko sa aking mga magulang."
"He cheated? May mga lalaki talagang hindi makuntento. Tutulongan kita hayaan mo at makakaganti ka sa kanya, pero, Ashley, itatanong ko lang sana kung wala ka bang balak na makakita ulit? Alam kong kaya mo iyon sa yaman ng pamilya mo."
"I'm rich, yes, but this rich woman right here also needs a donor to do that," wika ko sa kanya. Hindi naman kasi ganoon kadali na maghanap ng donor. Kailangan din na compatible ang mata ko sa donor's eyes para ma-operahan iyon at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakita.
"Ilang buwan ka nang naghihintay?" tanong niya sa akin.
"More than one year," sagot ko sa kanya. Ang tagal ko nang naghihintay ngunit pabalik-balik man kami ni Gregor sa hospital ay isa lang ang sagot ng mga ito na wala pang donor at tatawagan lang kami kaya natanggap ko na rin di kalaunan na wala nang pag-asa.
"Do you think your ex-husband is one of the reason why you can't get one?" tanong nito sa akin. Kumunot ang aking noo at naghintay nang kasunod no'n.
"What do you mean, Cloud?"
"Maybe your husband try to hide it from you since he doesn't want you to get your sight back. Magiging sagabal iyon sa kanya na kunin ang mga kayamanan mo."
Napaisip ako kung iyon nga ba ang dahilan kung bakit wala akong makitang donor. Kung ganoon nga ibig sabihin lang no'n ay matagal na akong niloloko ni Greg. Pero bakit niya nagawa sa akin iyon?
Naibigay ko naman lahat sa kanya. Wala akong pagkukulang noong nakakakita pa ako. Dahil ayaw niyang mag-trabaho dati ay hinayaan ko siya pero bakit ito ang isinukli niya sa akin? Bakit kailangan pa niyang magbago para manakaw lang ang mga ari-arian na pinamana sa akin ng parents ko? Amin pa rin naman iyong dalawa kaya ko namang ibigay iyon sa kanya.
"Greed." Napalingon ako muli kay Cloud dahil sa isang salita na iyon. "Kapag ang isang tao ay nakatanggap ng bagay na hindi naman nila pinaghirapan ay magkakaroon ng kasakiman ang puso nila at mas lalong maghahangad ng labis."
"Mahal naman ako ni Gregor dati," mahinahon kong saad sa kanya.
"Wala naman akong sinabi na hindi ka niya mahal, Miss Ricaforte. Pero makatotohanan nga ba ang pagmamahal na ipinapakita niya sa'yo? Someone's love can be deceiving. Hindi natin alam na mahal lang pala nila tayo dahil may ikabibigay tayo sa kanila. Tama ba ako?"
Maaaring tama siya sa sinasabi niya ngunit ayaw kong paniwalaan iyon. Gusto kong kumapit sa mga salitang binitawan ni Greg sa akin dati. Alam kong minahal niya ako. Ipinakita naman niya sa akin iyon, dahil kung mawawala ang isang bagay na'to sa akin baka mawala na rin ako sa sarili ko.
"You knew?" he asked me again. I sighed and turn my head away from him. Pwede ba na hindi ko na lang siya sagutin sa tanong niyang iyon? Maaari ba na hayaan ko munang magluksa sa isang problema na ibinigay sa akin ni Gregor? Kasi kapag nadagdagan pa ito sigurado akong hindi ko na kakayanin.
Baka makita na lamang ako ng iba na palutang-lutang sa may dagat at wala ng buhay.
"Alam mo pero hinahayaan mo lang. And here I thought that the Ricafortes are tough. Sa ilang taon niyo bang pamamalagi sa itaas. Do you really want your competitor to see your weakness, Miss Ricaforte?"
Nagpakawala ako ng isang pilit na tawa at tumango. "I'll let you see it once hanggang ngayong araw lang din. Kaya sulitin mo na at baka magsisisi ka," nakangisi kong saad.
Narinig ko naman ang tawa nito. I want to see his face right now. Ngayon ko lang nalaman na tumatawa pala ang isang Cloud Colmenares. Tinatawag ito ng mga tao lalo na ng mga empleyado niya na 'The cold and intimidating boss' pero siguro nga dahil lang din iyon sa physical na anyo nito.
Kasi kapag nasa trabaho ang isang tao hindi mo na namamalayan na may napapagalitan ka sa sobrang stress lalo na at nagkamali ito sa araw na kailangan na kailangan mong matapos ang trabaho.
"Ito ang unang beses mong masaktan hindi ba?"
"My parents—"
"About love and relationships..."
"Yeah," mahina kong tugon sa kanya. Ito lang dahil si Greg lang din naman ang minahal ko nang lubos. "Why?"
"If it's your first then it's not yet the most heartbreaking break up. You'll find someone soon that can rip you apart but at the same time heal you because that's love, Miss Ricaforte."
"Then I might die the second time—"
"No. I swear that you won't."
"Then I'll trust you, Mister Love Genius," nakangiti kong saad.