Chapter 49

1182 Words

Hindi ko alam kung ramdam ni Leon ang inis sa katawan ko ngayon o hindi. Basta nagpapasalamat na lang ako dahil hindi niya ako kinulit o ano katulad ng lagi niyang ginagawa. Ewan. Pakiramdam ko kunting kalabit lang ay sasabog na ako. Ang imahe pa rin nina Kuya Red at Lavender sa parking lot ang paulit-ulit na sumasariwa sa utak ko. Nakakairita. Pagkatapos niyang sabihing espesyal ako, pagkatapos niyang angkinin ang mga labi ko, ipapamukha niya sa aking mukha na kahit sino ay pwede mong isakay sa pwestong para sa akin lang? Hindi ko alam kung ginawa niya iyon dahil sa inis o galit dahil nakita niya kaming nag-uusap ni Harvey kanina o talagang ga-go lang siya. "Ihahatid ba kita o hindi na?" tanong ni Leon habang naglalakad na kami papalabas ng school. "O, sasabay ka kay Red?" "Huwag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD