Lalabas na sana ako sa kwarto ko pero napahinto ako sa pagpihit ng doorknob nang upang pakinggan ang pinag-uusapan nila Tita Jonah at Lavender. "Nga pala, mabuti naman at pinapayagan ka ni Red na tawagin siyang Richard? Ang alam ko ang ayaw na ayaw ni Red na tinatawag siya sa pangalan niyang iyan. Maging kaming parents niya at ni Sage, hindi siya tinatawag na Richard." tawang sabi ni Tita Jonah. May pagkamangha rin sa tono niya. "Maybe. . . I'm the only exception, Tita." pabirong sabi ni Lavender. Tumawa rin si Tita. Kumunot naman ang noo ko. Napabuntong hininga naman si Tita. "Sayang naman at may practice pa sila Red." untag ni Tita Jonah habang inilalagay ang mga prutas sa refrigerator. "Gusto sana kitang makasama pa ng matagal. I want to know you more. Hindi ka napakilala ni Red

