After leaving the coffee farm ay bumalik na sila sa mansion. Pagdating doon ay iniwanan na siya ni Winsley. Tila bad mood ito na bigla nalang nag walkout sa kaniya.
"Tsk! Napaka seloso talaga... " Nangingiti siyang naglakad. Papasok na sana siya para habulin ito pero bigla siyang hinarang nina Jamaica at Gissele.
Nagtitilian pa ang mga ito habang hinihila siya palayo kay Winsley. Dinala siya ng mga ito sa garden at doon siya sinimulang i-interrogate ng dalawa. Hinawakan siya ni Jamaica sa magkabilaang balikat niya at pilit na pinaupo sa upuang naroon. "Sabihin mo nga ha, ano ba talaga ang meron sa inyo ni sir? Alam mo Kate, hindi ako naniniwala na wala kasi para talagang meron eh."
"Oo nga. Sabihin mo sa amin. May nakaraan ba kayo ha?" tanong rin ni Gissele.
Tinawanan niya lang ang mga ito. Malakas talaga ang pang-amoy ng dalawa. Kahit saglit niya palang na nakakasama ang mga ito ay marami narin siyang nai-kwento dito. Katulad nalang nang pagiging ulilang lubos niya. Kung paano siya nagsikap para makapag-aral. Pati na rin iyong mga simpleng bagay tungkol sa kaniya, maliban lang siyempre sa nakaraan nila ni Winsley.
"Hoy ano na? Magsasalita ka ba o kakalimutan na namin na kaibigan ka namin ha? Ano kami lang ang nagsasabi ng mga sekreto sa'yo tapos ikaw wala kang tiwala sa amin. Ganoon ba ha?" Nag cross arm na si Jamaica. Padabog itong umupo sa tabi niya at sumandal sa backrest ng bench.
"Ano ba kasi ang gusto ninyong marinig sa akin ha?" Salitan niyang tinapunan ng tingin ang dalawa.
Naupo narin si Gissele sa kabilang bahagi ng bench kaya napapagitnaan na siya ng mga ito.
"Iyong totoo. Gusto naming malaman ang totoo Kate," sagot ni Gissele.
Bumuntong-hininga siya. Ayaw niya sana iyong ibahagi sa dalawa pero para siyang nako-konsensiya dahil sa ginagawa niya. Ang dami-dami niya na kasing alam tungkol sa mga ito pero sa kaniya... Walang alam ang dalawa tungkol sa nakaraan niya dahil wala naman siyang kinu-kwento sa mga ito. Ang akala nga ng dalawa ay anak ni Oliver si Khurt e. Hindi niya na iyon itinama pa dahil hindi naman narin niya inaasahan na makikita pa niyang muli si Winsley.
"Ok sige. Sasabihin ko na." Muli siyang bumuga ng hangin.
Titig na titig naman sa kaniya ang dalawa. Bakas sa mga mukha nito ang pagkasabik sa anomang sasabihin niya.
"Huwag ka ng pabitin diyan Kate. Sabihin mo na," wika ni Jamaica.
"Yes, matagal ko ng nakilala si Winsley..." pagsisimula niya.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ng dalawa.
"I knew it!" kumpiyansang sagot ni Gissele. Nagpatunog pa ito ng dalawang daliri habang ipinapakita na iyon nga ang hinala nito.
"Kailan pa?" tanong naman ni Jamaica.
"Naging amo ko kasi siya noon. Pero hanggang doon lang. Iyon ang dahilan kaya muli niya akong kinuha bilang personal assistant niya."
"Talaga? Omo, kaya pala parang iba ang tinginan ninyong dalawa. My gosh! Bakit mo naman ito itinago sa amin ha?" Inakbayan siya ni Gissele tapos pinaningkitan siya nito ng mata.
"Ah, ayoko na sana kasing pag-usapan pa ang tungkol doon e. Medyo hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay namin. Pero sa tingin ko, ok na ulit kami ngayon."
I hope so...
"So ano ang masasabi mo sa kaniya bilang boss? Mabait ba siya ha? Sa tingin ko kasi, hindi e. Parang napaka istrikto siyang amo. Iyong tipo na bawal kang magkami dahil tiyak na mapaparusahan ka. Parang ganoon." Gissele.
"Ok naman siya. Hindi lang palaging good mood pero sa kabuuan ay mabait naman siya," sagot niya.
Tumayo na siya. Agad naman siyang ginaya ng dalawa. "Ayan wala ng tampuhan ah. Sinabi ko na sa inyo ang sikreto ko kaya naman 'wag na kayong magalit. Ok." Inakbayan niya ang mga ito at nakangiting iginiya na pabalik sa loob ng mansion.
"Teka, saan ka pupunta? Bakit sasama ka pa sa amin ha? Hindi ba at hindi ka na katulong dito." Tulak sa kaniya ni Jamaica.
"Pero..."
"Sige na. Baka mamaya ay hanapin ka ng amo natin. Huwag kang mag-alala. Konti lang naman ang gawain namin ngayon e. Since isa nalang ang pinagsisilbihan namin ay nabawasan narin ang mga gawaing-bahay namin kaya shooo... Layas na at kayang-kaya na namin ang mga iyon."
Iniwanan na siya ng dalawa. Nang mapag-isa ay napatingin siya sa grand staircase na patungo sa ikalawang palapag ng mansion. Doon niya naalala ang ipinasulat na schedule sa kaniya ni Winsley kanina. Nagpapatulong nga pala ito sa pag-aayos ng mga damit nito.
Inayos niya ang sarili niya. Bago umakyat sa hagdan ay tinapalan niya ng matamis na ngiti ang labi niya. Pagdating niya sa kwarto ni Winsley ay kumatok muna siya sa pinto bago pinihit ang door knob para buksan. Tamang-tama dahil hindi naka-lock iyon. Pagtulak niya ng pinto ay isang tahimik na paligid ang sumalubong sa kaniya. Hinanap niya sa loob ng kwarto si Winsley pero wala ito roon. Tanging ang mga maleta at naka-paper bag na mga damit lang nito ang sumalubong sa kaniya.
Sa pag-iisip na baka may ginawa lang muna ito ay sinimulan na niya ang gagawin nila. Isa-isa niyang inayos at inilipat ang mga damit nito sa malaking kabinet na naroon. Sanay naman siyang gawin inyo kaya hindi na siya nahirapan. Kulang nang isang oras bago niya nai-ayos ang lahat. Pero kahit natapos na niya iyon ay wala parin ni anino ni Winsley ang nagpakita sa kaniya. Para tuloy bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Inaasahan niya kasi na makakasama niya ito sa pag-gawa ng mga iyon e pero wala naman ito.
Saan kaya ito nagpunta?
Walang gana siyang lumabas ng kwarto. Habang naglalakad siya ay nasalubong niya si aling Adelaida. "May gagawin ka ba Kate? Pwede bang magpasuyo ako sa palengke? May ginagawa kasi sina Gissele at Jamaica e."
"Ano po ba iyon?" Nilapitan niya ito.
Inibot nito sa kaniya ang hawak nitong pera at listahan. "Ito, request kasi itong kainin ng bago nating amo e. Salamat. Naroon na sa baba si Felix. Ipagda-drive ka niya papunta sa palengke." Tinapik-tapik pa ni aling Adelaida ang balikat niya habang tinutulak siya.
Napangiti nalang tuloy siya. "Sige po..."
Bumuntong-hininga siya at lumakad na para sumunod dito. Para mabilis siyang makabalik ay kailangan niyang magmadali. Tumingin siya sa suot niyang relo. Mag aalas-sais na. Kung bibilisan niya ay makakabalik siya bago mag alas-siyete. Tamang-tama iyon para sa hapunan.
Wala na siyang sinayang pa na oras. Pagdating niya sa labas ay sinalubong naman siya ng driver na si mang Felix. Habang nasa byahe papunta sa palengke ay naisipan niyang tawagan si nanay Madel upang ipaalam dito na gagabihin siya sa pag-uwi. Nang maalala niya ang plano niyang gawin mamaya ay bahagya siyang namula. Ngayon na iniisip niya iyong sinabi niya kay Winsley ay para siyang biglang nakaramdam ng hiya.
"Ok lang iyon... Mahal niya parin ako kaya hindi parin ako nawawala sa isip niya. Mahal niya pa ako at mahal ko rin siya kaya ayos lang na gawin namin ang bagay na iyon."
Madilim na nang matapos ang pag-iikot niya sa palengke. Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ni mang Felix ng bigla silang masiraan ng sasakyan. Hindi na bago sa kaniya iyon. Medyo luma narin kasi ang hawak nitong sasakyan kaya noon pa man ay sirain na ito.
"Naku, kung minamalas ka nga naman." Kakamot kamot ng ulong sabi ni mang Felix habang bumababa ng owner type jeep.
Napatingin siya sa suot niyang relo. Malapit ng mag alas-siyete. Siguradong hahanapin na siya ni Winsley.
Hahanapin nga kaya?
Tinignan niya si mang Felix. "May maitutulong po ba ako sa inyo?"
"Hindi na. Maupo ka lang diyan Kate at kayang-kaya ko na ito."
Walang gana siyang sumandal sa backrest ng upuan. Mabuti nalang at naisipan niyang yayain na kumain kanina ang kasama niya. Atleast, kahit medyo ma-late sila ng uwi ay hindi naman sila gutom.
Naisipan niyang kuhain ang cellphone niya sa bulsa. Dinayal niya ang numero ni nanay Madel at sinabi niya rito na gagabihin siya sa pag-uwi. Habang iniisip niya ang gagawin niya mamaya ay hindi niya mapigilang mapangiti sa sarili niya. Kahit papaano ay excited siya sa gagawin nila ni Winsley pero nakakaramdam din siya ng konting kaba. Medyo matagal na kasi ng huli nilang gawin iyon. Mahigit isang taon na. Pagkatapos ng paghihiwalay nila ay wala naman na siyang hinayaan na lalaking makalapit sa kaniya. Hindi counted si Oliver dahil hindi naman ito lalaki. Isa iyon sa dahilan kung bakit pinili niyang hindi masyadong maging mapustura. Ayaw niya kasi na makatawag ng pansin. She was contented with the presence of Khurt kaya dito niya nalang itinuon ang buong atensiyon niya.
Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Winsley kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol kay Khurt? For sure, matutuwa siya.
Patuloy siya sa pag-ngiti habang iniisip ang bagay na iyon. Naisipan niyang sabihin na iyon mamaya. Pagkatapos ng gagawin nila ay pwede niya ng ipaalam dito ang tungkol kay Khurt. Nang sa ganoon ay tuluyan na siyang hindi mawala sa sistema nito.
It's a great plan.
Sana lang ay walang sumira ng plano kong iyon.