Pagkatapos ng higit sa kalahating oras ay natapos narin ni mang Felix ang pag-aayos sa sasakyan. Pasado alas-siyete na ng makarating sila sa mansion. Diniretso niya agad sa kusina ang mga pinamili niya. Tamang-tama dahil naroon si Gissele na siyang nag presinta na mag-aayos ng mga dala niya.
"Hinahanap ka nga pala ni sir kanina. Alam mo Kate, nang malaman no'n na umalis ka parang bigla iyong na bad mood. May inutos ba siya sa iyo na hindi mo ginawa ha?" Sinimulan na ni Gissele ang paglalagay sa kabinet ng mga de-latang binili niya.
Paglingon nito sa kaniya ay nginitian niya lang ito at mabilis ng lumabas ng kusina. Sinimulan niyang ikotin ang mansion para hanapin si Winsley pero hindi niya ito makita. Kahit sa kwarto nito ay wala ito. Nalaman niya nalang kay aling Adelaida na lumabas pala ito. Bagsak tuloy ang balikat niya na naglakad pabalik sa kwarto nito.
Malungkot ba siya dahil hindi matutuloy ang pinag-usapan nila ni Winsley, o malungkot siya dahil hindi pala ganoon kahalaga dito ang pinag-usapan nila?
Napabuga siya ng hangin.
Hindi na niya alam ang iisipin niya. Hindi siya naniniwala na narito si Winsley dahil gusto lang nitong maka-move on sa kaniya. Alam niya na may galit parin ito sa kaniya, kaya nga nito nagawang iwanan siya sa gitna ng damuhan. Hindi naman siya tanga para hindi maisip na ginagantihan siya nito. Iyon nga lang, umaasa siya na mababago niya ang isip nito. Sa pamamagitan ng pagpapagamit niya dito. Gusto niyang iparamdam dito na ganoon parin ang nararamdaman niya para dito. Na wala paring nagbago sa kaniya sa loob ng isang taon-mahigit ay siya parin ang dating Kateey nito.
At iyon parin ang gagawin niya. Kahit pangit pa ang dating ng plano niya ay itutuloy niya ito alang-alang sa pagmamahal na hindi niya nagawang ipaglaban noon.
Muli siyang bumuga ng hangin. Lumakad siya patungo sa banyo at binuksan ang gripo sa bathtub. Habang nag-iipon ng tubig ay nagsimula na siyang maghubad. Masyado siyang napagod sa maghapon na pinagkaabalahan niya kaya naman balak niyang magbabad sa maligamgam na tubig habang naghihintay sa pagbabalik ni Winsley.
Pagkatapos niyang timplahin ang tubig ay binuhusan niya iyon ng bath soap na nakita niya. Pinabula niya ang tubig gamit ang kamay niya at ng makaramdam siya ng kasiyahan sa mga nakikita niyang bubbles ay marahan na niyang ipinasok ang sarili niya sa bathtub.
Bahagya pa siyang napapikit ng sumayad sa balat niya ang maligamgam na tubig. Pero dahil tama lang ang init niyon ay nagawa niyang ibabad ng mabuti ang katawan niya. Labis na kaginhawaan ang agad na lumukob sa kaniya ng madampian siya ng mainit-init na tubig kaya naman talagang ninanamnam niya iyon ng sobra.
---×××---
"Inuutusan ninyo ba akong layuan ang anak ninyo mister Quinn?" may pagka-dismaya niyang tanong.
Ang akala niya ay ayos na ang lahat sa pagitan niya at ng pamilya ni Winsley pero heto at kinompronta siya ngayon ng ama nito para palayuin siya dito. Nakakatawa dahil iniisip pa naman niyang iba ang pamilya nito. Lalo pa't noong una siyang ipinakilala ni Winsley sa mga ito ay wala naman siyang narinig na pagtutol sa mga ito. Dalawang-kamay nga siyang tinanggap ng mama Carmela nito. But she was wrong. May tahimik palang kontra sa lahat ng nangyayari.
"Hindi naman ito pang matagalan iha. Just for now. Mga isang buwan lang. I think, nahihirapang mag desisyon si Winsley ngayon dahil sa'yo. Hindi siya makaalis dahil sa'yo."
"Girlfriend niya ako, siguro naman po may karapatan din ako sa oras niya."
"Sinabi ko naman sa'yo I am not against your relationship. Pero iha, isipin mo rin naman sana ang kompanya na bubuhay sa binubuo ninyong pamilya. Nasa critical ito ngayon at kailangan ni Winsley ang buong atensiyon niya para matulungan ito. Pag-isipan mo itong mabuti. Your not helping my son anymore. You are destroying him. "
"Destroying him?" napasinghap siya.
Alam niya hindi iyon ang ginagawa niya. Tanging oras lang ni Winsley ang gusto niya kaya madalas niya itong pigilan sa mga out of the country nitong lakad. But her destroying him? Wala sa isip niya ang bagay na iyon.
Pero- ginagawa niya ba talaga iyon?
"I know, in the end you will made the right choice. Just give him space."
Right choice? Ano nga ba ang right choice?
Napahaplos siya sa tiyan niya. Excited pa naman sana siyang ibahagi kay Winsley ang nakumpirma niyang pagbubuntis pero, paano niya iyon masayang gagawin ngayon?
Ngayon na alam na niya kung bakit palaging malalim ang iniisip nito. Kaya pala palagi itong wala sa focus dahil may problema pala ang Black Empire.
Sinisira ba talaga niya ang kinabukasan nila dahil sa makasarili niyang adhikain?
Pero gusto lang naman niyang makasama si Winsley.
"What? No. Hindi naman sa ganoon. Hindi lang ako makaalis kasi... Please Mr. Gaton I'm really counting on you... Of course... This week? Pero hindi pwede. Give me more time. Hindi naman sa ayaw kong pumunta diyan, is just that... Ok, ok I think about it. Thank you."
Hindi na siya nakagawa pa ng sunod na hakbang dahil sa mga narinig niya.
Ngayon ay parang nakikinita na niya ang pinanggagalingan ng ama ni Winsley. Dahil sa kakahingi niya ng oras dito ay ito ang nalalagay sa alanganin ngayon. Hindi niya alam kung makasarili bang maituturing iyon pero parang ganoon na nga ang nararamdaman niya.
Kaya nga sa huli ay pinili niyang pakinggan ang ama nito. Maganda sana ang magiging paghihiwalay nila pero dahil nagmatigas si Winsley na manatili sa tabi niya ay pinagtabuyan niya ito. Sinabihan niya ito ng mga masasakit na salita. Iyon ang mali niya. Dahil akala niya ay magkakaroon pa nang pagkakataon para masabi niya dito ang totoo. Ang plano niya ay tawagan ito kapag nasa ibang bansa na ito at sabihin dito na ginawa niya lang iyon para mapaalis ito ng bansa. Plano niyang sabihin na maghihintay siya sa pagbabalik nito pero hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataon dahil bigla nalang may kumuha sa kaniya habang paalis siya ng unit nila ni Winsley.
"Kate?"
Napadilat siya ng marinig ang boses ng lalaking iniisip niya. Nakatayo na ito sa harap niya. Wala itong suot na damit. Bakas niya sa mukha nito ang pagkabigla kaya naman nginitian niya ito.
"Maliligo ka?"
"A-anong g-ginagawa mo dito?" nauutal nitong tanong.
Mula sa pagkakahiga sa bathtub ay maingat siyang umupo kaya bahagyang sumilip ang dalawang bundok niya sa harapan na agad tinapunan ng tingin ni Winsley. Nang makita niya ang paglunok nito ay mas lalo pang lumuwag ang pagkakangiti niya.
"Pinag-usapan na natin ito kanina hindi ba. Bakit parang gulat na gulat ka pa?" Lumatay ang nang-aakit na ngiti sa labi niya. Bahagya pa niyang ini-angat ang katawan niya sa tubig kaya mas lumitaw ang hinaharap niya.
"Are you serious?" Kumunot ang noo ni Winsley.
Talagang hindi ito makapaniwala sa ginagawa niya. Maging siya ay hindi rin naman niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas nang loob para magawa niya ang bagay na iyon. Basta ang alam niya lang ay pwede iyong maging daan para may mapatunayan siya. Gusto niyang malaman kung ganoon parin ba ang nararamdaman sa kaniya ni Winsley. Gusto niyang maramdaman muli ang masuyong haplos nito at maikumpara sa dati. Nang sa ganoon ay malaman niya ang susunod niyang hakbang ukol sa pagpapakita nito.
Kung sasabihin niya ba ang tungkol kay Khurt at babalik siya sa piling nito o tuluyan na siyang lalayo dito.
Siguradong malalaman niya ang lahat pagkatapos ng gagawin nila.
Pagkatapos ng mahabang panahon na paghihiwalay nila, malalaman narin niya kung wala paring nagbago sa kanilang dalawa.