Kahit napakarami na niyang galos at sugat sa katawan ay hindi niya iyon iniinda. Ramdam niya ang sakit nang bawat hakbang niya pero desidido siyang makalayo sa mga lalaking humahabol sa kaniya.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Masyadong madilim kaya wala siyang makita ng malinaw. Puro matataas na puno lang ang naaaninag niya. May ilang maliliit na sanga ang nababangga niya, pero hindi iyon nakapigil sa paglalakad niya.
"Tarantado ka! Bakit mo pinatakas?" narinig niyang sigaw ng boss nila.
Tama ang sinabi nito. May isang tauhan kasi ito na tila naawa sa kaniya kaya ng hindi nakatingin ang iba ay kinalagan siya nito ay inihatid sa may pintuan ng maliit na kubong kinaroroonan nila. Nasa gitna iyon ng kagubatan. Hindi niya alam kung paano siya nadala ng mga lalaki doon, basta ang alam niya ay pinatulog siya ng mga ito nang kuhain siya at pagkagising niya nga ay nakatali na siya sa upuang kahoy.
"Kuya, pabayaan na natin siya. Hindi ba ang sabi ng amo natin ay takutin lang natin siya? Pero ano? Grabe na ang ginagawa mo sa kaniya," reklamo ng lalaki.
Napasiksik siya sa likod ng malaking puno ng marinig iyon. Idinilat niya nang mabuti ang mga mata niya at pinilit na hindi makagawa ng anumang ingay. Kasabay no'n ay ang taimtim na panalangin na sana ay hindi siya makita ng mga ito. Ayaw pa niyang mamatay at alam niya na iyon ang gagawin ng leader nila sa kaniya.
"Gago! Kapag nagsumbong iyon sa mga pulis ay malilintikan tayong lahat."
"Kung ganoon, ayoko na! Tapos na ako sa ganitong gawain." Lumakad na palayo ang lalaking nagpakawala sa kaniya na hinabol naman ng tinawag nitong kuya.
Naririnig niya pang nagtatalo ang dalawa pero palayo na nang palayo ang mga tinig nila kaya dali-dali na siyang lumabas sa pinagtataguan niya. Muli ay paika-ika siyang naglakad. Wala siyang suot na damit, mabuti nalang at nakahapit parin sa katawan niya ang pantalon na suot niya ng makuha siya ng mga kumidnap sa kaniya. Meduoy nangagamoy na iyon pero mabuti na iyon kesa naman hubo't hubad siyang maglakad sa kagubatan.
Nakapa-ekis lang ang kamay niya sa dibdib niya upang kahit papaano ay matakpan niya ang hinaharap niya. Napakalamig ng hangin na tumatama sa balat niya pero hindi niya iyon alintana dahil sa matinding pagnanasa niya na makaalis na sa lugar na iyon.
Sa paglalakad niya ay dinala siya ng mga paa niya sa isang mahabang kalsada. Medyo lumiliwanag narin kaya unti-unti na niyang nakikita ng malinaw ang paligid. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa isang matandang babae ang nakasalubong niya. May dala itong bayong na sa tantiya niya ay patungo sa palengke. Taranta siya nitong tinakbo. Ibinalot sa kaniya ang dala nitong alampay at may pag-aalala siyang inakay.
Iyon ang kwento kung paano naging parte ng buhay niya ang dalawang tao na sobra niyang pinahahalagahan ngayon. Si nanay Madel na nakakita sa kaniya na dinala siya sa bahay ni Oliver. At si Oliver na tumanggap sa kaniya ng buong-buo. Parehong nagpakita ng concern sa kaniya ang dalawa kahit hindi naman siya nito kilalang-kilala.
Bigla siyang napangiti ng mapait. Lagi niyang iniisip ang mga magandang nangyari sa kaniya pagkatapos ng pangit. Iyon nalang ang pinagtutuunan niya ng pansin dahil ayaw niyang maging negative na tao. Kaya nagagawa niya paring makangiti ay dahil sa naging kapalit ng mga paghihirap niya. Isang napakabait na kaibigan, isang nanay, at pinakamamahal na anak.
Dahil wala talagang jeep na pumapasok sa loob ng hacienda ay kinakailangan niya maglakad para marating ang mansion. Isang taon mahigit na niya iyong ginagawa kaya sanay narin ang mga binti niya sa matinding lakaran.
"Kate." Napapihit siya tingin sa likuran niya ng marinig ang pagtawag sa kaniya ni Winsley.
Nakasakay ito sa isang itim na kotse. Mukhang maaga itong lumabas at ngayon nga ay pabalik na ito sa mansion.
"Good morning mister Quinn," pormal na bati niya dito. Bahagya siyang yumuko para magbigay galang sa bagong amo.
"Woah. Pagkatapos ng nangyari kahapon, bakit napaka pormal mo 'ata ngayon?" Nakangiti nitong tanong.
Dahil sa pagpapaalala nito sa nangyari ay biglang namula si Kate. Nahihiya siyang tumalikod dito at nagpatuloy sa paglalakad. Sinabayan naman siya ni Winsley. Binagalan din nito ang pagmamaneho sa kotse para makasabay ito sa paglalakad niya.
Ano ba kasing ginagawa niya?
"Malayo pa ang mansion, halika at sumabay ka na sa akin," aya nito.
"Hindi na, salamat nalang po."
"Come on Kate, for old time sake?" Nakangisi nitong sabi.
"Pero sir-"
"Please..."
Nang marinig niya ang mahiwagang salitang iyon ay napabuntong hininga siya. Eh kasi naman. Sino ba naman siya para tanggihan ang alok ng isang nagmamakaawang lalaki. At saka nagmamagandang loob lang naman 'yong tao.
"Kate 'wag mo naman akong ipahiya oh."
Muli siyang napahinto sa paglalakad at humarap sa binatang nakangiti parin. Pinakatitigan niya ito. Halos umabot na sa tenga ang ngiti nito ng makitang lumakad na siya papunta sa kotse. Dali-dali siya nitong pinagbuksan ng pinto. Alanganin pa siyang sumakay pero pinili niyang pakinggan ang puso niya ng oras na iyon.
Eksaktong pag-upo niya ay mabilis nang pinaarangkada ni Winsley ang kotse. Kamuntikan pang mangudngod sa dashboard si Kate. Mabuti nalang at naitukod niya ang kamay niya. Nang mapatingin siya kay Winsley ay hindi niya maipaliwanag ang reaksyon nito. Parang sobrang saya nito. Pag tingin niya sa labas ay bigla siyang nakaramdam ng hindi maganda dahil hindi naman ang daan papunta sa mansion ang tinatahak nila. Papunta sila ngayon sa kasukalan.
"S-sandali. H-hindi dito ang daan patungo sa mansion," may pag-aalala niyang sabi.
"Alam ko Kate kaya 'wag mo akong gawing tanga katulad ng ginawa mo noon." Winsley trow a bitter smile.
"Ano? So tungkol ba ito do'n sa nangyari sa atin, huh? Ano maghihiganti ka sa akin dahil natapakan ko ang p*********i mo?"
"Kung makapagsalita ka parang wala lang sa'yo ang nangyari ah. Kate, iniwan mo ako. Sa ere."
"Winsley naman..."
"Don't you dare to say my fuckin name with that kind of tone again," asik niya.
Bigla ang pagtapak nito sa preno at dahil nakatingin siya dito ay hindi na niya na'protektahan ang sarili niya. This time ay tumama na ang balikat niya sa dashboard ng kotse. Napangiwi siya ng bahagya. Nang mapatingin sa kaniya si Winsley ay biglang nagbago ang mukha nito. Parang gusto siya nitong daluhan pero tila may kung anong pumipigil dito.
Pinilit ayusin ni Kate ang sarili niya. May ilang butil ng luha ang tumulo sa pisngi niya na agad niyang pinahid ng kamay niya. Nang tumingin siya sa labas ay nakita niya na nasa mapunong bahagi sila ng hacienda. Ito iyong lugar na hindi pa nagagalaw kaya marami ang matataas na damong ligaw.
Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala. Dati naman ay hindi siya kinakabahan kahit saan siya dalhin ni Winsley. Basta ito ang kasama niya ay panatag ang kalooban niya. Pero ngayon, heto at ang lakas ng kalabog nang dibdib ko. Natatakot siya sa pwede nitong gawin sa kaniya lalo pa at alam niya na galit ito sa kaniya.
"Mabuti pa ay bababa nalang ako."
She was about to open the door pero may pinindot na buton si Winsley na nakapag-lock agad nang pinto. Dahil doon ay inis siyang humarap sa dito at sumigaw. "Ano ba Winsley, palabasin mo ako dito!"
"That will never gonna happen."
"What? At ano namang gagawin mo sa akin ha? Sasaktan mo ako para makaganti ka sa pananakit ko sa'yo? Napaka batang-isip mo naman."
"Is that what you think of me huh? Pwes, I will show you how man I am."
Unti-unting lumapit si Winsley sa kaniya. Bawat pag-abante nito ay napapaatras siya. Lumalakas ng lumalakas ang kalabog ng dibdib niya. Atras siya ng atras hanggang sa banggain na ang likod niya ng pintuan. She get cornered.
"Just like the old times Kate huh, in my car?" mahinang bulong ni Winsley sa tenga ko.
Napapikit siya at napapihit ng ulo. She can't stand it anymore. Hindi niya kayang pagmasdan ang mukha ng lalaking kailan lang ay nangakong po-protektahan siya. Iyong lalaking nangako na hindi siya sasaktan.
Napapitlag siya ng maramdaman ang palad nito na nagsisimula ng maglakbay sa dibdib niya. Ibinalik niya ang tingin niya dito. Titig na titig lang ito sa kaniya. Wala siyang makita sa mga mata nito kung hindi pagnanasa at nasasaktan siya doon.
"Ito ba ang ipinunta mo rito huh?" Kate tsked.
"To tell you honestly, yes."
"Fine." Walang reaksyon na sinimulang hubarin ni Kate ang damit niya. Para siyang laruang de-susi na gumagagalaw ng walang anomang emosyon.
Ngumisi lang si Winsley. Nang matanggal na niya ang damit niya ay isinunod naman niya ang bra niya. Agad tumambad sa mata nito ang dalawang malalaking asset niya.
"Go! Take me if you want to. Just leave me alone after this," aniya. Punong-puno nang paghihinanakit ang tinig niya.
Pagkatapos niyang matanggaal ang damit niya na pang-itaas ay ibinuka niya ang mga hita niya pagkatapos ay pumaling siya nang tingin sa ibang direksyon. Hindi niya gustong titigan ang mukha ni Winsley habang ginagawa nito ang makamundong gawain iyon. She just can't watch him right now. Ayaw niyang makita na para siyang bababuyin ng lalaking minahal niya.
Mali. She still love him. Wala lang siyang lakas ng loob na balikan ito dahil natatakot siya na baka hindi na siya nito tanggapin pa. After she did back then, alam niya na galit ito sa kaniya.
She's starting to cry. Pilit siyang tumitingala upang hindi umagos nang umagos ang luha sa mga mata niya. Hinintay ang muling paglapat ng kamay ni Winsley sa katawan niya pero wala naman siyang anomang naramdaman na dumampi sa balat niya.
"Leave." Inihagis nito pabalik ang damit niya. Hindi na nito magawang tumitig sa kaniya.
"Wait. What?" Nalaglag ang panga niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya kaya titig na titig siya sa reaksiyon ni Winsley.
"I said get the hell out of my car!" Sigaw na nito.
Tinitigan niya ito sa mga mata at wala siyang nakita roon na kahit na ano. It was all plain blank at walang kahit na anong emosyon. Para lang siyang tumitingin sa isang estatwa. Walang awa, walang kahit na ano. Pakiramdam niya tuloy ay unti-unting nababasag ang ang puso niya.
Wala sa loob niyang dinampot anv bawat piraso ng damit niya. Pagkatapos niyang magbihis ay muli niyang tinitigan si Winsley. "Iiwanan mo talaga ako dito?"
"Just go..." mahinahon na pero may pait nitong sabi.
"Iiwan mo talaga ako sa ganitong klase ng lugar ha?" may pagka-dismaya niyang sabi.
He just rolled his eyes. Tumingin ito sa labas at pinindot na ang lock ng pinto.
"I can't believe this."