Kabanata 5: Ollie

1503 Words
Pagkakitang pagkakita niya palang kay Khurt ay masigla na niya itong tinawag. "Baby." Biglang nawala ang pagod niya ng makita ang masayang pagtawa ng anak habang nakikipaglaro kay Oliver sa sala. Kaya maraming nag-aakala na mag-asawa sila ni Oliver dahil simula ng mapadpad siya sa lugar na iyon ay sa bahay na nito siya nakatira. Laking pasasalamat niya na tinanggap siya nito at pinagkatiwalaan kahit hindi naman sila magkakilala. Hindi lang siya, dahil maging ang anak niya ay itinuring din nito bilang sa kaniya. "Mama." Bakas na bakas sa mukha ng bata ang tuwa ng makita siya. Hirap pa itong maglakad kaya napakabagal ng ginagawa nitong paghakbang palapit sa kaniya. Agad niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Pinuwesto niya ito sa tagiliran niya at hinalikan sa pisngi. "Mukhang magaling na talaga ang baby ko ah..." Tawa ito ng tawa ng pupugin niya ito ng halik. Pagtigil niya ay nakangiting inilahad ng anak niya ang kamay nito at nagsalita. "Lubong mama." "At talagang hindi nakalimutan ang promise ni mama ah." Dinala niya muna ito sa sofa na inuupuan ni Oliver at pinaupo doon bago nilabas sa bag niya ang binili niyang pasalubong dito. "Wow nanat," anito. Nagkatinginan naman sila ni Oliver at sabay na napangiti. Hindi pa kasi gaanong magaling magsalita si Khurt kaya marami itong sinasabi na siguradong hindi maiintindihan ng ibang tao. Katulad nalang ng nanat na tinatawag nito na ang ibig sabihin ay donut. Binuksan niya ang plastic na hawak niya at inilabas mula roon ang bavarian donut na binili niya. Nang makuha na ito ni Khurt ay agad nitong nilantakan ang donut. Para itong bigla nalang nagkaroon ng sariling mundo dahil sa sobrang focus nito sa pagkain. Habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya maiwasang ikumpara ito sa ama niya. Ganoon din kasi si Winsley. Napakahilig nito sa bavarian donut, tapos kapag kumakain ito ng ganoon ay hindi siya nito pinapansin kahit ano pa ang gawin niya. "Baby, tingnan mo ang suot ko oh," aniya habang lumalakad sa harapan ni Winsley at inira-rampa ang binili nitong lingerie para kaniya. Sinadya niyang isuot iyon ng oras na iyon dahil nakita niya na kumakain si Winsley ng ni-take home nilang bavarian donut. "You look good," sagot ni Winsley nang hindi tumitingin sa kaniya. Agad tuloy siyang napangisi. Lumakad siya palapit dito at tumayo sa harapan ng nakayukong lalaki. Tapos ngumiling-giling siya para tuksuhin ito. Nang mag-angat ito ng tingin ay halos malaglag ang panga nito ng makita ang itsura niya. "What? Hindi ba bagay sa akin itong binili mo ha?" aniya. "Oh come on. You really doing that now huh?" Natatawa nitong sabi. "Bakit?" "Your such a bad girl." Kumuha ito ng isa pang donut at tumayo pagkatapos ay pinilit siya na kagatin iyon. "We need to eat first para may lakas tayo mamaya," nang-aakit nitong sabi. Tumawa lang siya. Talagang uunahin pa nito ang pagkain sa donut kesa sa pagkain sa kaniya e. "So, how was your day?" Bumalik siya sa tamang wisyo ng marinig ang tanong ni Oliver. Napalingon siya dito. Nakaupo ito sa tabi ni Khurt. Kung pagmamasdan ito ay hindi mo mababakas ang pagkabakla nito. Normal na damit panlalaki lang kasi ang mga isinusuot nito. Ngayon nga ay isang simpleng puting sando lang at pajama ang suot nito. Kung hindi mo alam ang sikreto nito ay hindi mo talaga maiisip na lalaki rin ang gusto nito. Napaka ideal man kasi ng aura nito. Para itong isang tunay na bachelor. Sa tindig at pormal ay ang lakas ng karisma nito sa mga babae. "Ano't titig na titig ka sa akin diyan huh? Tigilan mo nga 'yang kakapantasya mo sa akin babae at hindi kita papatulan no. Kahit pa ikaw nalang ang natitirang babae sa mundo. Yuck ka." Even when he talks, wala ka talagang mababakas na kahit konting senyales na beki ito. Napaka masculine kasi ng boses nito; dala iyon ng may kalakihan nitong adam's apple. Hindi rin naman nito pinipilit na paliitin ang boses kaya normal lang ang pagsasalita nito. "How did you know na pinagpapantasyahan kita, huh Ollie? Galing mo ah." Natatawa niyang sagot. Umiiling-iling maman ito. "Psh. Umamin naman kaagad." "Eh kasi naman, ang gwapo mo talaga. Ang totoo niyan nalalaglag ang panty ko sa tuwing nakikita kita e. Can we do it? Paisa lang Ollie?" Dumikit siya dito at nag beautiful eyes habang pigil na pigil ang pagtawa. "Tanga maluwag na kasi iyang garter ng panty mo kaya nalalaglag no. Sinisi mo pa sa akin. Tsaka tumigil ka nga d'yan, 'wag mo nga akong maano-ano Kate. Mahiya ka naman sa anak mo oh, sa tabi ka pa talaga niya naglalandi?" "Awts naman Ollie, landi agad? 'Di ba pwedeng love lang kita?" Binigyan niya ito nang mahigpit na yakap. Hindi naman siya nito itinulak kaya medyo tumagal ang yakap na iyon. Nang magkahiwalay na ang katawan nila ay tsaka sumeryoso ang mukha ni Oliver. "Oo nga pala, bukas na ang alis ko," malungkot nitong sabi. Tumitig ito sa mga mata niya at nagpakawala nang pilit na ngiti. "Bukas na pala 'yon?" Nakaramdam siya ng konting lungkot dahil sa sinabi nito. Sa sobrang tagal na kasi nilang nagsasama ay tiyak na marami siyang babaguhin sa sistema niya kapag nawala ito. Napakatagal ng isang buwan para sa kaniya. Nasanay na siyang palagi itong nariyan sa tabi niya at maasahan sa lahat ng bagay na parang isang tunay na asawa kaya naman para siyang makikipag divorce ngayon. Nasasaktan siya kahit papaano sa paghihiwalay nila. Bumuntong hininga siya. Kahit paano ay ayaw niyang iparamdam kay Oliver na hindi niya gusto ang gagawin nito kaya nagtapon siya ng ngiting pilit dito. "So one month kang mawawala?" paninigurado pa niya kahit alam naman na niya ang sagot sa tanong na iyon. "Oo nga e, naku. Mami-miss ko talaga kayo ng sobra." Si Oliver naman ang biglang nalungkot. Naramdaman niya na medyo lumalalim na ang kadramahan nito kaya naman bago pa ito tuluyang mag emote sa harap niya ay pinitol na niya ang topic nilang iyon. "Lah, ang dramang bakla naman nito. Change topix na nga lang." "Kate naman eh..." Inirapan siya nito. "Ano ka ba, one month lang naman iyon eh. Hindi mo na kami kailangan pang alalahanin. Gawin mo ang kinakailangan mong gawin. Kami na ang bahala dito. Tsk, sa tingin mo ba ay papabayaan kami ni nanay Madel ha?" pagkakalma niya dito. "I know, pero kasi..." Napatingin siya kay Khurt. Alam agad ni Kate ang ibig nitong sabihin. Mukhang si Khurt talaga ang pumipigil dito. Hindi na iyon nakapagtataka. Itinuring narin kasi nito na anak niya ang bata. Ito ang palaging katuwang niya sa pag-aaaikaso kay Khurt kaya alam na niya na napakalaki nang attachment nito sa bata. "...It's hard to leave when there's a lot of things na aalisin ko sa sistema ko. For God sake, one month is too long. Ugh. Mami-miss kong makipaglaro kay Khurt," dugtong pa ni Oliver. Inakbayan ito ni Kate. "Hay Ollie, kaya mo 'yan. Paano pala kung mag-aasawa na ako ha, edi kawawa ka naman," panloloko niya dito. Sinimangutan naman siya nito. "As if naman may papatol pa sa'yo. Tingnan mo nga iyang itsura mo. Sobrang losyang ka na no." Naka-pout na nagbaba ng ulo si Kate at pinagmasdan niya ang sarili niya. Oliver was right. Palagi nalang simpleng t-shirt at lampas tuhod na shorts ang suot niya. Simula ng manganak kasi siya ay nawalan na siya ng time sa sarili niya. Nahihiya rin kasi siya kay Oliver kaya tinitipid niya ang sarili niya para kahit papaano ay makabili siya ng mga simpleng kailangan sa bahay nila, katulad nalang ng mga groceries. Hindi naman siya ino-obliga ni Oliver na gawin iyon dahil palagi itong nagbibigay ng budget kay nanay Madel pero talagang ipinipilit niya na makapamili rin ng ilang kailangan nila. "Alam mo, wala naman iyan sa suot no. Tsk, kahit hindi ako mag-ayos maganda naman ako." "Wews. Kaya pala walang nanliligaw sa'yo." "Ano ka, hindi no. Dahil iyon sa iyo. Akala kasi nila asawa mo ako e, kaya nilalayuan nila ako." "At ako pa talaga ang sinisi mo ha." "Eh talaga naman. Sino ba ang parang tuko makakapit sa akin kapag nasa labas tayo. Aber?" Marahas na tinanggal ni Oliver ang kamay niya na naka-akbay dito at nag cross arm ito. "Eh sa natutuwa ako sa'yo e. Ikaw palang kasi ang nasasabihan ko ng totoo kong pagkatao. Tsk. Sana sinabi mo na ayaw mo pala ng clingy best friend." Muli itong inakbayan ni Kate. "Sino ba ang may sabi na ayaw ko ha? Sinasabi ko lang ang dahilan kung bakit walang pumapansin sa akin. Hindi ko naman sinabi na ayaw ko ang ginagawa mo e." Pa cute na sagot niya dito. "Heh..." "I love you Ollie..." Kinindatan niya ito nang humarap ito sa kaniya. "I hate you," sagot nito. "Oh come on. I know you do." "Hay oo na nga." Oliver hug her. "Mami-miss ko talaga kayo..." Sobrang mami-miss rin kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD