Love is not blind. Love is acceptance. Nakikita mo naman talaga ang hindi niya magandang ugali, pero dahil nga mahal mo ay handa kang tanggapin iyon ng buong-buo.
---×××---
Naiinis niyang ginulo ang buhok niya habang bumababa sa hagdan. Hindi niya akalain na magagawa niya ang namagitan sa kanila ni Winsley kanina. Hindi siya makapaniwala na hahayaan niya si Winsley na gawin iyon sa kaniya. Same as herself. Hindi niya maintindihan kung bakit pagdating dito ay hindi niya ito matanggihan, like she was made for him. Like she was the keyhole to his key. Always ready for him enter his property.
Umiling-iling siya. Hindi niya dapat ibinababa ang sarili niya. Wala siya sa posisyon na gawin iyon dahil wala naman silang label ni Winsley ngayon. Yes, they became lovers, pero malinaw ang naging paghihiwalay nila. Malinaw pa sa mineral water ang ginawa niyang pagtatapos sa anomang ugnayan nila sa isa't-isa.
"Hoy Kate anong drama iyan ha?"
Halos mapatalon siya ng marinig ang pagtawag ni Jamaica sa kaniya. Inakbayan siya nito at sumabay sa paglalakad niya. Saglit pa itong napatingin sa gulo-gulo niyang buhok at saka mahinang tumawa. "Anong meron?"
"Huh? A-anong meron?" nauutal niyang tanong pabalik.
Itinuro ng nguso nito ang buhok niya. Inayos naman niya iyon at naiilang na ngumiti. "Ah ito ba. Makati kasi ang ulo ko e," pagsisinungaling niya.
"Ows? Hindi nga? Ano naman iyong naabutan ko kanina?"
"N-naabutan?"
Pakiramdam niya ay ginigisa siya sa sarili niyang mantika. Bukod sa nai-stress na siya dahil sa init ng tanong nito ay naiilang pa siya sa klase ng tanong nito.
Ano ba kasing nakita niya? May nakita ba siya?
"Oo. Iyong tubig na nagustuhan ng bago nating amo? Ano bang meron doon ha? Bakit parang ang ganda ng pagkakangiti ni sir habang nakatingin siya sa'yo."
"Ah, iyon ba?" Nakahinga naman siya ng maluwag ng mapagtanto na iyong tubig pala ang nasa isip nito. "Wala lang iyon."
"Wala?"
"Oo. Baka natuwa lang. Ewan ko," pagdadahilan niya. "Alam mo, excuse me muna ha. Tatawagan ko lang ang baby ko. Kanina ko pa kasi siya gustong kamustahin e," pag-iiba na niya ng usapan.
Dali-dali niyang tinalikuran si Jamaica at patakbong pumunta sa garden kung saan tanaw mula roon ang bintana ng study room na kinaroroonan ni Winsley. Ayaw niya muna itong isipin kaya patay-malisya siyang naupo sa sementong bench na palagi niyang pinu-pwestohan kapag naroon siya. Iyong bench na may nakatanim sa gilid na malagong halaman na namumulaklak ng kulay dilaw na siya rin ang nag-aalaga.
Pagkaupo doona agad niyang inilabas ang telepono niya at dinayal ang numero ni Oliver.
"Ollie, hi. Ka-kamustahin ko lang si Khurt?" bungad niya kaagad ng marinig niya pagsagot ni Oliver sa kaniyang telepono.
"Ow Kate. Don't need to worry, he is already fine. Wala na siyang lagnat at dumidede na siya ng normal. Sabi ko naman sa iyo e, lagnat-laki lang ito. Mukhang dala ito ng tumutubo niyang ngipin eh," masiglang bungad sa kaniya ni Oliver.
That's a good thing. Talagang maasahan niya sa Oliver pagdating sa anak niya. He was a role-model dad for her. Imagine kahit hindi naman nito anak si Khurt ay ito pa ang nag presinta na mag-aalaga sa bata.
"Thank you Ollie..."
"Ano ka ba, palagi ko nalang iyang naririnig mula sa iyo. Nakakairita na ah. Ang sakit sa tenga."
Kung nasa harap niya lang ang kaibigan niyang ito ay siguradong nayakap na niya ito ng mahigpit, katulad ng palagi niyang ginagawa. "Psh. Ito talaga. Basta salamat sa lahat. I love you."
"Eiw. Kadiri to. Tseh! Tigilan mo na nga 'yang kaka-drama mo. YOU KNOW I HATE DRAMAS."
"Ito talaga."
"Sige na. Ibababa ko na ito at alam kong busy kayo today. Bye bye."
"Ok. Bye."
Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos ng usapan na iyon.
Maasahan niya talaga ang bestfriend s***h girlfriend niyang si Oliver. YES! Oliver is a gay. Lingid sa kaalaman ng lahat ay isa ngang binabae ang nag-iisang anak ng mag asawang Gonzaga. He was hiding in man's body dahil ayaw nitong na-disappoint ang mga magulang. Since he was the only ay pangarap din nitong mabigyan ng apo ang mga magulang, but he just can't. He is a gay and he wants boys, not girls kaya paano niya magagawa iyon.
---×××---
Napangisi siya.
Mukhang magtatagumpay siya sa plano niyang paghihiganti kay Kate. He is still affecting Kate. He can feel it. Wala siyang narinig na pagtutol dito kanina, indikasyon na gusto rin nito ang ginagawa nila. Ramdam niya ang pagtugon ng katawan nito sa bawat kilos niya, isang senyales na may nararamdaman parin itong pagnanasa sa kaniya.
"That stupid b***h! Kahit may asawa na siya pero nagagawa niya paring makipaglandian sa iba. Tsk. I should have known na ganoong klase ng babae pala ang matagal ko ring iniyakan."
Muli siyang napangisi. Hindi niya maiwasang manariwa sa isipan niya ang nangyari kanina.
She responded well to his kissed. He watched her. Nakita niya kung gaano ito nag e-enjoy sa ginagawa nila.
But why? Hindi kaya maganda ang s*x life nilang mag asawa? Kung gano'n, mukhang sakto lang ang dating ko. Dahil lahat ng pagkukulang ng asawa niya ay pupunan ko.
Hitting a two bird, using one stone. Mukhang ma-swerte parin siya. Imagine makapaghihiganti na siya and at the same time ay mag e-enjoy pa siya.
"Mister Quinn, handa na po ang hapunan ninyo." Napapihit siya ng lingon sa may pintuan pagkarinig niya sa boses ni Gissele. Iyong babaeng sinigawan niya kanina dahil inaasahan niya na si Kate ang magdadala ng pagkain niya pero ito ang nakita niya. Bahagya itong nagyuko ng ulo. Tinapunan naman siya ng ngiti ni Winsley.
Well, she's lucky now dahil good mood ako ngayon.
Pagdating sa dining area ay hinanap niya kaagad si Kate. He was expecting her to be there para asikasuhin siya. But then he didn't saw her standing beside the two maids. Gusto pa naman sana niyang makita kung paano nito iha-handle ang nangyari sa kanila kanina.
"Where's Kate?" pormal niyang tanong habang nagsasandok ng ulam.
"Ah si Kate po ba sir? Hindi po kasi siya natutulog dito eh. Umuuwi po iyon araw-araw," sagot ni Jamaica.
Oo nga naman. Papayag ba naman ang asawa niya na dito siya matulog?
"Ganoon ba? How about you two?"
"Kami po? Doon po kami sa maids room natutulog," wika ni Gissele.
"Ayaw ba ninyong maging katulad ni Kate? I mean, don't you want to go home everyday like her?"
"Sir?" Hindi makapaniwalang nagkatitigan ang dalawa.
"Sabi ko pwede kayong umuwi kung gusto ninyo. Just to make sure na maililigpit ninyo ang kinainan ko and you'll be here before I woke up."
"Wow, ang bait 'nyo po sir. Thank you po," masayang sagot ni Gissele.
He just tsked.
Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na siya sa kwarto niya. Hindi niya pa nailalabas ang mga gamit niya na nasa maleta. Wala rin siyang ganang gawin iyon ngayon dahil busy ang isip niya sa pag-iisip kay Kate.
After seeing her again, ang akala niya magagawa niya ay naka move on na talaga siya dito but he is not. Siya ang babae sa panaginip niya na palaging humahabol sa kaniya. He was not totally moved on. Kaya niya nga ito ipinahanap. Kaya rin siya naroon.
Kumuha siya ng baso at nagsalin ng whisky na nasa drawer. Pagkatapos niyang inumin ang lahat ng isinalin niyang alak ay inihagis niya sa pader ang hawak niyang baso.
Nasasaktan parin siya dahil sa nangyari sa kanila ni Kate. Honestly, he wanted her back. Pero natatakot siya na muli na naman siya nitong takbuhan. Baka muli na naman siya nitong talikuran. Natatakot siya na maramdaman ulit ang pagkawasak na naramdaman niya noong iwanan siya nito. Dahil iyong sakit na iyon ay nananatili parin sa loob niya hanggang ngayon. He was still hurting inside. Hindi niya tuloy maisip kung tama ang ginagawa niya sa lugar na iyon.
A side of his brain, was against his decision about moving here and do his revenge. Pero hanggang ngayon ay hindi parin siya matahimik kaya gusto niyang gawin iyon dahil gusto niyang maka-move on na sa anino ni Kate.
Damn f*****g love! Bakit kailangang maging ganito ka-komplikado ang lahat para sa akin?