Bagong umaga, bagong pag-asa.
Pagkagising niya ay tinawagan niya kaagad si nanay Madel para kamustahin ang anak niya. Gusto niyang malaman ang lahat ng nangyari dito ng wala siya. Gusto niyang makipagpalitan dito ng pagbabantay sa anak niya dahil alam niya na hindi ito kakayanin ng matanda nang mag-isa lang.
"Ayos na. Naka-schedule na ang operasyon ni Khurt bukas. Mabuti nalang at naging maayos ang resulta ng mga lab test niya kaya maisasalang kaagad siya sa operasyon."
"Pupunta po ako diyan. Maliligo lang ako at..."
"Bukas ka na pumunta bago ang operasyon ng anak mo."
"Pupunta rin po ako bukas. Pero pupunta rin po ako ngayon. Kailangan ninyo po ng kapalitan sa pagbabantay kay Khurt."
"Ano bang sinasabi mo? Halos natutulog na nga lang ako dito sa private room na pinagdalhan sa amin ng anak mo e. Dala-dalawa pa ang private nurse na tumitingin kay Khurt kaya ano pa ba ang gagawin ko ha?"
"Private room? Private nurse?"
"Sabihin mo kay Winsley, salamat sa mga prutas ha. Nagustuhan ni Khurt ang ubas n a dinala niya kanina."
"Kanina?"
"Oh siya, tatawagan nalang kita bukas ha. Huwag ka ng mag-alala sa anak mo. Matapang pa siya sa inaakala mo."
Naputol na ang tawag na iyon na wala siyang nakukuhang malinaw na sagot sa mga tanong niya. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung bakit ginawa ni Winsley ang mga sinasabi ni nanay Madel gayong wala naman iyon sa usapan nila.
Hindi kaya may hihingin na naman itong kapalit? O baka naman isa lang iyong premyo dahil nag enjoy ito sa ginawa nila kagabi?
Ang aga-aga ay gumagana na naman ng matindi ang utak niya. Kailangan niya ng sagot para hindi na siya mag-isip kaya naman tatanungin niya na lang ang dapat tanungin. Pero bago iyon ay maliligo muna siya dahil suot niya parin ang jacket ni Winsley.
Ang jacket ni Winsley suot niya?
Nanlaki ang mga mata niya ng matitigan ang sarili niya. Dahil sa kakamadali na tawagan si nanay Madel ay ngayon lang niya napagmasdan ang sarili niya. Ngayon niya lang tuloy nakita ang itsura niya.
Sinimulan niyang i-unlock ang zipper ng jacket. Bukod doon ay wala na siyang anomang suot. Ang mga damit niya? Naiwanan ba niya iyon sa kapehan? Ang natatandaan niya ay sinuotan siya ng jacket ni Winsley pagkatapos ng nangyari sa kanila. Pagkatapos noon ay tinalikuran na niya ito at bumalik sa kotse. Tapos nakatulog na siya habang naghihintay dito.
Paano kung naiwan sa kapehan ang damit niya? Ang panloob niya?
Kahit hindi alam ng mga trabahador doon na siya ang may-ari ng mga iyon ay nahihiya parin siyang harapin ang mga ito.
Ay bahala na. Maliligo nalang muna ako bago ko tatanungin si Winsley.
Nagmamadali siyang pumasok sa banyo. Pagbukas niya ng pinto ay napatili siya ng makitang may naliligo doon. Sa gulat niya ay halos mabali ang litid niya dahil sa pagsigaw. Mabuti nalang at mabilis siyang nakabawi dahil nakilala niya kung sino ang naroon.
Taranta niyang pinagdikit ang dalawang pisngi ng jacket na binuksan niya. Kahit papaano ay nahihiya parin siyang ibuyangyang ang katawan niya sa harap nito ng ganoon nalang. Hindi ngayon dahil wala naman siya sa matinding pagkabaliw.
"Ganiyan ka ba talaga bumati ng good morning?" Tumingin sa kaniya si Winsley.
Hindi man lang nito tinabunan ang katawan nito ng makita siya. Patuloy lang ito sa pagpapabula ng sabon na ipinapahid nito sa katawan.
"Bakit naman kasi nandito ka?"
"Ano bang klaseng tanong iyan? Bahay ko ito hindi ba?" Tumigil na ito sa pagkuskos sa katawan at iniunat nito ang scrubbing towel na hawak nito. "Could you scrub my back?"
"Ano bang feeling mo, katulong mo ako? Hindi ako nandito para hiludan ang likod mo no..." reklamo niya dito.
"Right..." Ngumisi ito. Tila iba ang dating dito ng sinabi niya kaya agad niya itong sinimangutan. "So ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan? Tara, sabayan mo na akong mag shower."
"Aba't..."
"Pwede ba, tigilan mo nga ang pagsusungit mo. Lalo lang tuloy akong nate-temp na yayain kang makipag s*x e. Gusto mo ba gawin natin dito ang pangalawa? Hmmm... Saan naman kaya ang pangatlo, pang-apat at pang-lima?"
"Manyak!" Inis niya itong tinalikuran.
Tumawa lang ito.
Isang sexy na pagtawa ang narinig niya. Pakiramdam niya, inaakit tuloy siya ni Winsley.
Hindi nga kaya? Baka sinusubukan siya nitong akitin para makalibre ito ng isa. Tapos idadahilan nito na siya naman ang lumapit kaya hindi iyon kasama sa limang s*x na nasa kontrata.
Aba't loko iyon ah...
Nang maisip niya iyon ay naiinis siyang bumalik sa banyo. Gulat na gulat man si Winsley sa pagbalik niya ay halata namang natuwa ito ng makita siyang muli.
"Liliwanagin ko lang ah. Limang beses na pakikipagtalik sa'yo ang nasa kontrata. Ang ibig lang sabihin noon ay counted doon ang lahat ng mamagitan sa atin. Kahit sino pa ang nagsimula. s*x is still s*x. Is that clear?"
Bigla itong tumawa. Halos mawala ang mata nito dahil sa pinakawalan nitong halkhak. "And what do you mean by 'kahit sino sa atin ang nagsimula' hmmm? Are you planning to do the honor? Alam mo, I like that idea."
"Hindi naman iyon ang..."
"I knew it..."
"Ano bang you knew it! Nililinaw ko lang ang nakasulat sa kontrata no!"
"Ano ka ba, ako lang naman 'to. Bakit ba parang hiyang-hiya ka pa sa akin?" He giggled.
She knew, Winsley was started teasing her. Alam niya ang ugali nito. Gustong-gusto nitong asarin siya. Iyong pagtawa nito ngayon ay parang iyong ginagawa lang nito noon.
Wala parin itong pinagbago...
Wala nga ba?
O baka naman pinagti-tripan lang siya nito ngayon? Nahulog na ba siya sa trap na ginawa nito?
Wala siyang pakialam. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano kaya itutuloy lang niya ang napag-usapan nila. Sa ngayon ay iyon lang muna ang dapat niyang isipin. Isasantabi niya muna ang mga alalahanin. Kahit papaano kasi ay dapat niya itong pasalamatan. Kahit pa sabihin na nagbabayad lang ito ay sobra parin ang lahat ng natatanggap niya mula dito.
Katulad nalang ng private room na ibinigay nito at private nurse. Wala naman iyon sa usapan nila.
"Oo nga pala, salamat." Napayuko siya.
"No problem."
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano ang ipinagpapasalamat ko?"
"Hindi. Alam ko naman na ang tinutukoy mo ay iyong pagpapadala ko ng private nurse na mag-aalaga sa anak mo. Well, para sabihin ko sa'yo wala ng libre ngayon no. Kaya 'wag ka na ring magpasalamat. Babayaran mo rin naman iyon e."
"Ano? Akala mo ba mahuhothutan mo ako? Ano gagawa ka ng kabutihan tapos sisingilin mo ako? Ayos ka rin ah."
"Let's travel."
"Huh?"
"Pwede bang pagkatapos ng operasyon ni Khurt ay mamasyal tayo?"
Mamasyal?
Ano ba ang gusto mong ma-achieve ha? Bakit may ganito kang gusto sa akin?
Ano ba talaga ang plano mo?