Kabanata 23: Zygfryd

1247 Words
"Let's travel," ulit nito. "Gusto kong mamasyal na kasama ka." Nakapagbanlaw na ito kaya naman umalis na ito sa shower area at lumapit sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatitig dito. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Masyado kasi siyang nabigla sa sinabi nito. Ang akala niya kasi ay purong pakikipagtalik lang ang gusto nito sa kaniya. "Bakit?" mula sa kung saan ay naitanong niya. "Ano bang klaseng tanong iyan. Syempre gusto kitang makasama." Tinapik siya nito sa balikat at nilampasan. Pagkakuha nito sa towel na nakatupi sa ibabaw ng kabinet ay binalutan nito ang katawan gamit iyon at lumabas na ng banyo. Nang wala na ito ay ni-lock niya agad ang pinto at sumandal doon. Ramdam niya ang sandaling pagbilis ng t***k ng puso niya. Hinawakan niya ang dibdib niya at mahinang tinapik iyon. "Ano bang ginagawa mo Winsley?" Mas magiging madali ang paghihiwalay natin kung tatapusin na natin ito kaagad kaya naman dapat ay mangyari na ang dapat mangyari. Natatakot siya na baka kapag pinagbigyan niya ito ng pinagbigyan sa mga request nito, maliban sa usapan nila ay mas lalo silang mapalapit sa isa't isa. Ayaw niyang dumating sa point na mahihirapan na siyang pakawalan ito kaya dapat... Dapat gawin niya ang lahat para mabilis matapos ang kasunduan nila. Apat na beses nalang. Pagkatapos niyon ay magiging malaya na siya sa usapan nila. Kailangan niyang mag focus para mapadali ang lahat. Kailangan niyang gawin ang lahat para matapos na ang kahibangan na ito at maiwasan na ang magkasakitan pa sila pagdating ng panahon. ---×××--- "Sabi mo noong nakaraan, gusto mong maalis na ako sa sistema mo... Kasama ba ito sa plano mo? Plano mo bang gamitin at pagsawaan ang katawan ko para sa pagmo-move on na ginagawa mo?" Ngumiti si Winsley at saglit na tumingin sa kaniya. Alam niya masyado siyang diratsahan sa tanong na iyon pero iyon lang ang naisip niyang itanong para malaman niya ang posisyon niya. Gusto niyang sampalin siya ni Winsley gamit ang mga masasakit na salita para malaman niya kung saan talaga siya lulugar. Ayaw niya rin kasing umasa. Gusto niya habang maaga palang ay matauhan na siya. Ayaw niyang palagi niya nalang binibigyan ng magandang kahulugan ang mga ginagawa nito sa kaniya. "If I said yes, anong gagawin mo?" sagot nito habang nakatingin parin sa dinadaanan nila. Katulad ng inaasahan niya. Iyon talaga ang plano nito. Hindi na siya na sorpresa na marinig iyon. Hindi rin iyon ganoon kasakit pero kahit paano ay may dala parin iyong konting kurot sa puso niya. Pero katulad ng gusto niya. Mukhang dito na matatapos ang pag i-ilusyon niya. Titigil na siya sa pagbibigay ng kahulugan sa mga ginagawa nito sa kaniya at sa anak niya. Nakita na niya ang lugar niya ngayon. Ngumiti siya ng pilit. Tumingin siya sa labas ng sasakyan at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Ok. Hindi na ako tatanggi. Katulad din ng sinabi ko sa'yo noon... Tutulungan kita." Paghinto ng sinasakyan nila ay nakangiti siyang humarap kay Winsley. Kinuha niya ang kamay nito at pinisil iyon ng marahan. "Salamat sa paghahatid sa akin dito. Tatawagan nalang kita." Bumaba na siya ng sasakyan. Kung hindi na siya nito kayang patawarin ay kailangan niya nalang talaga itong tulungang mag move on sa kaniya. Hindi na nito kailangan pang malaman ang tungkol sa anak nila dahil mas mahihirapan lang ito kapag kinailangan na naman nilang maghiwalay. ---×××--- Ilang beses pang sumulyap sa kaniya si Kate bago ito tuluyang pumasok sa ospital na kinaroroonan ng anak nito. Tanaw niya sa mga mata nito ang labis na kaligayahan kaya naman lihim na rin siyang nagdiriwang. Magiging ayos rin ang lahat... Simula nang magkita ulit sila, ang pakiramdam niya ay ngayon lang siya nakagawa ng maganda para dito. Sa tingin niya deserve din naman nitong maging masaya. Siguro nga may mali talaga sa kaniya kaya siya nito nagawang iwanan noon. Siguro dapat imbes na subukang paghigantihan ito ay pabayaan nila nalang ito na maging masaya. Iyon ang makapagpapalaya sa kaniya. Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang mahihinang katok sa bintana ng kotse niya. Napakunot ang noo niya ng makita ang lalaking nakasandal sa pintuan ng sasakyan niya habang nakapamulsa. Maya-maya ay muli na naman itong kumatok sa salamin ng sasakyan ng hindi tumitingin sa kaniya. He's wearing a black shirt and some fitted pants. Napaka rugged ng porma nito, and he does look familiar. Muli itong kumatok ng hindi parin lumilingon. Tila inoorasan lang nito ang ginagawa. Bigla niyang ibinaba ang salamin ng bintana kaya napatigil sa pagkatok ang lalaki. Doon na ito unti-unting humarap sa kaniya. Nang tuluyan niyang makita ang mukha nito ay napalitan ng pagka-sorpresa ang reaksyon niya. Hindi niya inaasahan na makikita niya sa lugar na ito ang kapatid niya. "Zygfryd? What the hell?" medyo nabigla niyang sambit. Ngumiti naman ito habang sumi-senyas na buksan niya ang pinto ng kotse. Nang tanggalin niya ang lock ng pinto ay tuloy tuloy na pumasok sa loob si Zygfryd at ngumiti ng ubod tamis sabay yakap sa kaniya. "Lumayo ka nga sa akin. Nakakadiri ka!" Itinulak niya ito. "Ano ba ang ginagawa mo dito at paano mo ako nakita ha? Minamanman mo ba ako?" "Wow, ang OA naman Winsley. Hindi mo man lang ba muna ako tatanungin kung kamusta na ako? Kung kumain na ba ako? Like that?" Nakangisi nitong tugon sa kaniya habang umaayos ng upo. Kapatid niya nga si Zygfryd. Matagal niya na itong hindi nakikita dahil palagi itong gumagala dahil sa napili nitong propesyon. Isa itong NBI agent na may sariling investigating agency. Madalas ay nililibot nito ang Pilipinas dahil sa hilig nitong maglakbay at maghanap ng mga kasong hindi ordinaryo. Iyong mga kaso na walang nakaka-solve. Iyon ang mga trip nitong hawakan. Tuloy ay madalang nalang nila itong nakikita. Nagpapakita lang ito kapag gusto nito, o kapag may special occasions ang pamilya nila. Katulad nalang noong naganap na second wedding ng kuya nilang si Graham at Allana. Talagang pinagbantaan ito ni Graham kaya naman hindi ito umayaw. Pagkatapos noon ay nagpagala-gala na naman ito. So what does he want from me now? "What do you want Zygfryd?" diretso niyang tanong. Alam niya hindi lang basta lunch ang gusto nito sa kaniya. He know he want something from him. Hindi ito magpapakita, kung wala itong kailangan. Tsk! So predictable! "Wow... Sabi ko na nga ba ei. Magkapatid talaga tayo. Aba alam na alam mong may pakay ako sa'yo eh no? Hehe..." Natatawa siyang nitong hinampas sa balikat kaya naman pinanlakihan niya ito ng mata. "Ano ba talagang gusto mo?" "Well, ang totoo niyan... Gusto ko lang sanang... Uhmmm... Magtanong tungkol sa ilang mga mahahalangang bagay." Paglalahad nito. Sabi ko na nga ba e. "What is it?" "Ano ka ba naman. Ilibre mo muna ako ng lunch. Tomguts na ako eh. Sige na bro." "Dont tell me naghihirap ka na?" sarkastiko niyang sabi habang umiiling-iling. "Why would I? You know I can always go back to Black Empire kung gusto ko. Tsaka ang dami ko kayang pwedeng gawin para kumita ng pera. Psh! Gusto ko lang makatikim ng libre no..." he smirked. Sinimulan na niyang paganahin ang makina ng sasakyan. Hindi na niya tinanong si Zygfryd kung saan nito gustong kumain dahil alam niya naman ang mga ugali nito. Alam niya na pagdating sa pagkain ay wala itong pinipili. Basta may asin ay pinapatos nito. Pero ano nga kaya ang kailangan nito sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD