Pagkatapos mabayaran ang lahat ng dapat niyang bayaran sa ospital ay nagpaalam na siya kay nanay Madel. Idinahilan niya ang pagta-trabaho sa amo niya na nagpahiram kunyari ng pera sa kaniya. Sinabi niya na tawagan nalang siya nito at palaging balitaan sa nangyayari sa anak niya.
"Why so quiet?"
Nanatili lang siyang tahimik na nakamasid sa dinaraanan nila. Wala siyang balak na makipaglapit dito kaya ang plano niya ay ibigay lang ang gusto nito para matapos na ang lahat.
Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan. Habang iniisip niya na matatapos na ang lahat sa kanila ni Winsley ay bahagya siyang nanghihina. Parang nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanan na iyon.
For the second time ay maghihiwalay na naman sila.
Ayaw niya sanang mangyari ulit iyon pero mukhang ganoon na nga ang kapalaran nilang dalawa. Sila iyong mga bagay na pinagtapo pero hindi itinadhana. Tanging matatamis at masasakit na alaala nalang ang magagawa nilang balikan kapag natapos na ang pagtatagpo nila.
Napangiti siya ng mapait.
Gusto niya sana ay iyong mga matatamis na alaala lang ang maiwan sa kaniya. Napakarami niyon kaya siguradong iyon ang mangingibabaw sa alaala niya sa tuwing iisipin niya si Winsley. Sana lang ay hindi iyon maungusan at matabunan ng mga bagong alaala na gagawin nila. Iyong alaala na gagawin lang siya nitong parausan.
"Let's eat."
Napatingin siya dito. Hindi niya namalayan ang paghinto ng sinasakyan nila dahil sa malalim na pag-iisip. Naghuhubad na ng suot na seat belt si Winsley kaya ganoon narin ang ginawa niya. Kahit hindi niya inaasahan na gagawin nila iyon ng magkasama ay ayaw niya iyong kontrahin. Ayaw niya kasing sa s*x nalang tumakbo ang mga huling oras na magkasama sila.
Hinintay siyang makababa ng kotse ni Winsley ay kinuha nito ang kamay niya. Bahagya pa siyang nagulat ng ipag-lock nito ang mga kamay nila pero hindi naman siya kumontra dito. Hinayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin sa kaniya. Kahit wala naman iyon sa kontrata ay gusto niya iyong namnamin habang iniisip na totoo iyong nangyayari. Na totoong magkasama sila ni Winsley nang walang anomang kapalit.
---×××---
After the lunch ay iniuwi siya ni Winsley sa mansion. Medyo alanganin pa siyang pumasok roon dahil ayaw niyang makita siya nina Jamaica at Gissele pero agad din siyang pinakampante ni Winsley.
"Don't worry, tayong dalawa lang ang narito ngayon."
Napatingin siya dito. Mabilis na umarko ang kilay niya. Punong-puno ng pagtataka ang isip niya. "Nasaaan sina Jamaica at Gissele? Tsaka si aling Adelaida? Huwag mong sabihin na sinesante mo silang lahat?" Sinamaan niya ito ng tingin.
Umiling-iling naman ito. "Huwag ka ngang OA mag isip. Wala akong tinanggal. Pinagpahinga ko lang muna sila with pay."
Oo nga naman. Mukhang balak nitong masolo siya kaya pinaalis nito ang mga tao sa bahay.
"Sumunod ka sa akin." Lumakad ito paakyat ng hagdan.
Walang pagdadalawang-isip niya naman itong sinundan. Iyon naman talaga ang ipinunta niya doon kaya wala sa plano niya ang patagalin pa iyon.
Pagdating sa kwarto ni Winsley ay iniabot nito sa kaniya ang isang paper bag. Kinuha naman niya iyon at mula roon ay inilabas niya ang isang maikling bestida. Kulay itim iyon na may patabinging overlap sa harapan. Tiyak na makikita ang suot na pang-ilalim niya dahil sa ikli ng tabas niyon. Sa tantiya niya ay hapit rin iyon sa katawan niya na siguradong magpapalabas ng kurba ng katawan niya. At dahil napakanipis ng strap niyon ay sigurado siya na giginawin siya kapag isinuot niya iyon ng gabi. Nababaliw na siya kung gagawin niya iyon dahil kahit noon pa naman ay hindi na siya ganoon manamit.
Tumaas ang kilay niya. Ngayon ay sigurado na siya na nakikipaglaro pa ito sa kaniya. Plano siguro nitong patagalin pa ang mangyayaring pagtatalik nila para sa pansarili nitong kasiyahan. "Sabihin mo nga sa akin, naglalaro ka talaga ano?"
Pa smirk itong nagpamulsa at lumakad patungo sa beranda ng kwarto. Sinundan naman niya iyon.
"Ano ka ba, gusto ko lang naman may makasamang mag-inom sa bar mamaya," anito.
"Gusto ko lang ipaalala sa'yo. s*x lang ang ipinuta ko rito kaya wala akong planong sumunod sa anomang trip mo!" Ibinato niya dito ang ibinigay nitong damit atsaka siya tumalikod dito.
"Come on Kate, ayaw mo man lang ba akong makasama?"
Napatigil siya sa paglalakad. Muli siyang humarap dito at pasarkastiko niya itong tinawanan. "At sa tingin mo naman pumayag ako sa gusto mo dahil gusto kitang makasama ha?"
Humarap ito sa kaniya at tinawanan siya. "Bakit hindi iyan ang nararamdaman ko ha? Bakit iba ang kinikilos mo sa sinasabi mo?"
"Sa panaginip mo siguro..."
"Your just pretending you don't care... I can see it in your eyes."
"Pwede ba, tigilan na natin ang paglolokohan. Kung hindi ka makikipag-s*x aalis na ako." diretso niyang sabi.
Tatalikod na sana siya pero mabilis siyang nahawakan sa braso ni Winsley kaya nagawa siyang pigilan nito sa paghakbang. Hinapit nito ang bewang niya at halos magkapalit tuloy ang mga mukha nila. Sa tindi ng pagkabigla niya ay hindi niya ito nagawnang iwasan o labanan. Basta nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata nito habang binabasa ang gagawin nito.
"You know, I can do that all day if I want to. Pero hindi ko gustong ganoon lang matapos ang lahat. Hayaan mo naman sana akong mag-enjoy man lang kahit konti para naman ma-feel ko ng husto ang ibinayad ko sa'yo. Hmmmm..."
"In that case, baka magpadagdag pa ako. Alam mo Winsley, wala ng libre sa mundong ito," patuloy niyang pagtataray dito.
Gusto niya itong patigilin sa pina-plano nitong pakikipaglaro sa kaniya kaya naman iyon ang naisip niyang sabihin. Sisingilin niya ito sa anomang gusto nitong ipagawa sa ka kaniya upang mai-pamukha dito na naroon lang siya dahil sa pera. At dahil s*x lang ang binayaran nito ay iyon lang ang handa niyang gawin para dito.
"Wala man lang bang freebie?"
Marahas niyang hinampas ang kamay nito at inalis sa pagkakahawak sa bewang niya tapos itinulak niya ito. "Kung hindi mo kayang magbayad ng maayos, wala akong oras para sa iyo." Muli niya itong tinalikuran. Itinaas pa niya ang kanang kamay niya habang nagpapaalam dito. "Tawagan mo na lang ako kung saan at kailan mo gusto. Handa akong ibakante ang schedule ko para sa iyo. Bye."
Napangisi siya. Kahit papaano ay nag e-enjoy siya sa pakikipagsabayan dito. Lalo pang nadadagdagan ang saya niya kapag nakikita ang pinaghalong pagka-dismaya at pagka-inis sa mukha nito.
Tsk!
Akala mo ba lahat ay nabibili ng pera! Tch....