Kabanata 8: New Assistant

1715 Words
Napuno ng katahimikan ang ilang minuto nilang pagba-byahe papunta sa mansion. Pagkababa nila ng kotse ay hinila niya si Kate papunta sa kwarto niya. Habang naglalakad ay nasalubong pa nila ang kasamahan nitong sina Jamaica at Gissele pero hindi niya pinansin ang mga ito. Kahit pa sinusubukan ni Kate na tanggalin ang pagkakahawak niya dito ay hindi siya pumayag. He gave an extra power para mapasunod ito sa gusto niya. Pagdating nila sa kwarto niya ay doon niya ito binitawan at para hindi ito makalabas ay iniharang niya ang katawan niya sa harap ng pintuan. "Magpalit ka na ng damit mo. I'll wait here." "Meron naman akong mga damit sa maids quarte-" "I said now. Right here, right now!" matigas niyang sabi. Inirapan naman siya ni Kate. "At sino ka naman para utusan ako ha?" "I'm your boss remember? My mansion, my rules." "Hindi na ngayon dahil mag re-resign na ako." "What?" Nagsalubong ang mga kikay niya. "Tama. You heard it right. Ayaw kong maging amo ang ex ko kaya naman mag re-resign na ako." "At sino naman ang may sabi sayo na hahayaan kitang umalis ha?" "For all I know, hindi ako naka-kontrata sa'yo kaya naman wala kang karapatan na pigilan ako. I want to live in peace Winsley so please, stop bothering me." Lumakad palapit sa kaniya si Kate. Hahawakan sana nito ang door knob pero mabilis niyang pinigil ang braso nito. "The hell I want that too Kate. I want to live in peace but you keep on torturing my head. And it's giving me a f*****g headache!" Inis siyang lumakad papunta sa kabinet na pinaglalagyan ng iba't ibang mamahaling alak at nagsalin sa basong naroon. Pinanood lang siya ni Kate. Tahimik itong nakatitig sa kaniya habang umiinom siya. Nang mailapag na niya ang baso sa lamesa ay saka nagsalita si Kate ng mahinahon. "Ano ba talaga ang gusto mo sa akin huh?" Nilingon ito ni Winsley. Nang makita niyang yakap na ni Kate ang sarili nito ay naiiling siyang lumakad palapit sa maletang pinaglalagyan ng mga damit niya. Hindi pa niya nailalabas ang konting damit na dala niya dahil busy ang utak niya kagabi sa kakaisip sa babae. Kanina naman ay maaga nga siyang lumabas para mamili ng maraming bagong damit pero hanggang ngayon ay nasa kotse niya pa iyon. Dahil sa nangyari ay hindi niya pa iyon naaasikaso. Pagkakuha niya ng isang tshirt at brief ay nilapitan niya si Kate para iabot dito ang kinuha niya. "Pwede bang magpalit ka muna ng damit mo, para makapag-usap tayo ng maayos," kalmado na niyang sabi. He even trow a smile to her. Titig na titig lang sa kaniya si Kate. Tila binabasa nito ang ipinapakita niya. "Alam mo, hindi na magbabago ang desisyon ko kahit maging mabait ka pa ngayon." Nakasimangot na kinuha na ni Kate ang inaabot niya at dumiretso na ito sa banyo. Pagkatalikod nito ay kumurba ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Kahit papaano ay napasunod niya ito sa gusto niya kaya alam niya na kahit paano ay may epekto parin siya dito. But she was leaving him. Again. At hindi siya makakapayag na mangyari iyon. Ayaw niyang masayang ang pagpunta niya sa lugar na iyon at pananakot sa mag-asawang Herrera kung aalis rin pala si Kate sa poder niya. Ito ang dahilan sa lahat nang ginagawa niya kaya hindi siya makakapayag na lasayan siya nito. For the second time, he will not let her leave his side again. No matter what. ---×××--- "Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking iyon?" Nakasimangot na tumingin siya sa nakasarang pinto ng banyo. Inilapag niya sa may sink ang dala niyang damit at sinimulang mag hubad para makapag-shower. Pagkuha niya ng sabon ay hindi niya napigilang malanghap ang pamilyar na scent sa kaniya. It was Winsley's desirable manly scent. Paulit-ulit niyang inamoy ang hawak niyang sabon. Iyon ang ginagamit ni Winsley na sabon dati pa. Hindi niya akalain na mag-eenjoy siya sa ginagawa niya kaya medyo napatagal ang pagnamnam niya sa bango ng sabon na hawak niya. Ipinikit pa niya ang mga mata niya habang ginagawa iyon and then suddenly a smile took over her face. "I miss you baby." Sinimulan na niyang sabunan ang katawan niya. Bawat pagdampi ng sabon sa balat niya ay nagdudulot ng kakaibang tensiyon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit pero tila nai-imagine niya na kasama niya sa Winsley sa banyong iyon at ito ang nagsasabon sa kaniya. That naughty imagination keeps her smiling all the way until she was finish doing the soap. Lahat ng pamilyar na amoy sa kaniya ay naroon sa banyong iyon kaya hindi niya talaga mapigilang maalala ang lahat tungkol sa nag-iisang lalaking minahal niya. Although she was afraid of him a little ay may parte parin ng utak niya ang hindi nakaka-move on dito. Kaya nga hindi niya ito magawang kontrohin nang kontrohin e. Sa totoo lang, gusto niya nga itong makasama sana pero natatakot naman siya kapag nanatili pa siya sa mansion na iyon. Hindi niya kasi alam kung pinaglalaruan lang siya nito para gantihan siya kaya alanganin talaga siyang magtiwala dito. Para itong tubig na malamig tapos bigla nalang kukulo. Natotorete na tuloy ang utak niya. After a minute ay lumabas na rin siya sa banyo suot ang damit na ipinahiram sa kaniya ni Winsley. Dahil medyo malaki iyon ay naging parang maikling dress iyon na maluwag sa katawan niya. Na miss niya ang pagsusuot ng ganoon. Madalas kapag nasa bahay lang siya ay hilig niyang pakialaman ang damit nito at iyon ang isinusuot niya. Parang dati lang... Hinanap niya ito sa loob ng kwarto. Lihim siyang napangiti ng makita na nakasandal ito sa may pintuan habang tila inip na inip na tumitingin sa suot nitong relo. Talagang hindi siya nito patatakasin. Nang makita siya nito ay tahimik itong napatitig sa kabuuan niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang. Hindi siya sanay na may mga matang nakatitig sa kaniya, kaya para siyang hiyang-hiya na naglakad palapit dito. "Ano ba ang gusto mong sabihin? Ano ang pag-uusapan natin?" walang emosyon na tanong niya. Kahit gusto niyang maging maamo dito ay pinipigilan niya ang sarili niya dahil baka mamaya ay ma-misinterpret na naman nito ang ipinapakita niya. "You can't leave." Nag cross arm siya. "Sinabi ko naman sa'yo, hindi mo ako mapipigilan." "Kung ganoon, kailangan mong mamili. Hahayaan kitang umalis pero isasama mo ang lahat ng kasama mo dito sa mansion at pati narin ang mga trabahador sa coffee plantation na hindi ko sana tatanggalin." Gumanti ito. Ito naman ang nag cross arm habang nanunudyo ang mga mata nito. Ngumisi pa ito na tila nang-aasar. "Hindi mo gagawin iyan." "Try me." "Wala silang kinalaman dito." "Like what you said, wala kang kontrata sa akin. Same as them. So literally, pwede ko silang sesantehin lahat with my own will." "Napakasama mo..." "You choose now. Ang sarili mo o ang mga kasamahan mo na mawawalan ng trabaho dahil sa'yo." "This is not good." "Because it was really not." Naka-smirk nitong sagot. Pinanliitan niya ito ng mata. Gusto niya sanang makipagmatigasan dito pero nakaramdam siya ng pagkasupil. Ayaw niyang mawalan ng trabaho ang mga kaibigan niya, at lalong-lalo na ang mga trabahador sa coffee plantation na pawang mga wala namang kinalaman sa desisyon niya. Naiinis siyang nag martsa palapit dito. Itinulak niya ito paalis sa harapan ng pintuan. "So you choose yourself huh? How selfish." Anito habang tumatabi. Inirapan niya lang ito tapos binuksan na niya ang pinto at tuloy tuloy na lumabas ng kwarto. Mabibigat ang mga hakbang na ginawa niya pababa sa hagdan hanggang sa makarating siya sa kusina. Naabutan niya doon sina Jamaica at Gissele na gulat na gulat ng makita siya. Pareho siyang pinasadahan ng tingin ng mga ito, simula ulo hanggang paa. "Ikaw. Ano iyong nakita namin kanina ha? Bakit kayo magkasama ni sir? At ano iyang suot mo?" mapang-usig na tanong ni Jamaica. "Oo nga. Kayong dalawa ba? Nag uhm-uhm?" sabi naman ni Gissele habang pinagdidikit pa ang dalawa nitong hintuturo. Siningkitan niya naman ng mga mata ang dalawa. She even rolled her eyes after. "Mga tamang hinala." "Eh ano nga? Bakit nga may ganoong eksena kaming nakita? Enlighten us Kate para hindi madilim ang utak namin." Jamaica added. "Tinulungan lang naman ako noong tao. Kaya ko suot ang damit niya dahil pinahiram niya ako. Hindi ninyo ba nakita kanina, basang-basa ako hindi ba?" sagot niya. Tumango-tango naman ang dalawa. "Ang hindi ko lang maintindihan. Bakit kailangan mo pang manghiram ng damit sa kaniya e meron ka namang mga damit sa kwarto natin?" Nginisihan siya ni Gissele. "Eh sa mapilit siya e." Padabog siyang naglakad papunta sa ref. Binuksan niya iyon at kinuha ang pitsel na may lamang tubig pagkatapos ay kumuha rin siya ng baso. "At nagpapilit ka naman..." Gissele giggled. Alam niya, may nais itong ipunto pero ayaw niyang bigyan iyon ng pansin kaya ininom na lang niya ang tubig na isinalin niya. Habang umiinom siya ay biglang natahimik ang dalawa. Nakita niyang may nilingon ang mga ito sa pintuan kaya tiningnan niya rin iyon. Sinalubong siya ng tingin ni Winsley tapos mabagal itong lumakad palapit sa kaniya. "Sir." halos magkoro na sabi nina Gissele at Jamaica. "From now on, hindi na ninyo makakasama si Kate dahil magiging personal assistant ko na siya." Inakbayan siya ni Winsley tapos nilangon siya nito ng nakangisi. "Ano bang sinasabi mo?" bulong niya dito. Kinindatan naman siya nito. "Just making sure na hindi mo ako lalayasan." Kinurot niya ang kamay nito na naka-akbay sa kaniya at tinanggal niya iyon sa balikat niya. "Tigilan mo nga ako." "Ok fine. Ayaw mo sa gusto ko pwes sisimulan ko na ang pagtatanggal ng mga tauhan sa mansion at diyan sa mga kaibigan mo ako magsisimula," pagbabanta nito. Humarap na ito sa mga kaibigan niya. Alam niya na gagawin nito ang sinabi nito kaya naman taranta niya itong pinigil. "Tama... Kaya kami magkasama ni sir kasi inalok niya ako na maging personal assistant niya at tinanggap ko iyon," naiilang na sabi ni Kate. Lalo namang lumuwag ang pagkakangiti ni Winsley sa tabi niya. Alam niya na hindi iyon magandang senyales pero ano pa nga ba ang magagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD