"So if you'll excuse us. Hihiramin ko muna ulit itong assistant ko at marami pa kaming pag-uusapan tungkol sa mga gagawin niya."
Hinila siya ni Winsley palayo sa dalawa niyang kaibigan at wala siyang ginawa para labanan ito. Alam naman kasi niya na hindi siya mananalo dito eh, kaya ano pa ba ang silbi ng pakikipagtalo niya. Dinala siya ni Winsley sa study room. Medyo nakaramdam siya ng pagkailang ng muling makapasok doon. Naalala niya kasi ang nakakahiyang ginawa niya doon kahapon. Mabuti na nga lang at nakabukas na ang mga ilaw ngayon kaya maliwanag na ang lugar.
"Gusto mo bang patayin ulit natin ang mga ilaw?"
She know he's starting to tease him pero hindi na ito uubra sa kaniya ngayon dahil wala na siyang balak na patulan ito.
"Ano bang pag-uusapan natin? At ano ba iyong sinabi mo sa mga kaibigan ko ha?" Nag cross arm siya. Nanatili siyang nakatayo sa hinintuan niya. Samantalang si Winsley naman ay lumakad papunta sa study table na naroon at binukasan ang kabinet niyon. Tapos may kinuha itong papel mula roon. Inilapag nito iyon sa ibabaw ng lamesa at naupo sa malambot na upuang may sandalan.
"Here. My schedule. Dahil ikaw na ang magiging assistant ko ay gusto kong ikaw na ang humawak nito at magsabi sa akin ng mga kailangan kong gawin within a day."
Naiinis siyang humakbang. Naupo siya sa upuang nasa harap ng study table at marahas na dinampot ang papel na naroon. Isa-isa niyang binasa ang mga nakasulat doon pero nangunot ang noo niya makita na napakalinis pa naman noon.
"Ano ito? Pinagloloko mo ba ako?" She raised her eyebrow. "Eh, wala namang nakasulat dito ah!"
Maya-maya ay may inilapag na ballpen si Winsley. "Wala pa, so you need to write down my schedule. Mamayang three o'clock ay sasamahan mo akong bisitahin ang coffe plantation. Ipapakilala mo ako sa mga tao doon. At five o'clock sasamahan mo akong mag-ayos ng mga gamit ko sa kwarto ko. Alam mo kasi, hindi pa ako nakakapaglabas ng mga gamit ko e kaya gusto kong tulungan mo ako sa bagay na iyon. And then, at seven o'clock ay sasamahan mo naman akong mag dinner. Tapos bukas gusto kong magpasama sa-"
"Sandali nga... Bakit pati sa pag-aayos ng mga gamit mo at sa pagkain mo ng dinner ay kailangan pa kitang samahan ha? Ano ba ang trabaho ko talaga ha? Alipin?"
"You know, I like that idea."
"Siraulo..."
"Oh come on. I'm still your boss kaya naman mag-ingat ka sa pagsasalita mo or else-"
"Or else, what? Sesesantihin mo ako? Go on. Iyan naman talaga ang gusto ko e."
"Or else, sesesantihin ko ang mga trabahador na kilala mo."
"Alam mong pamba-blackmail ang tawag dito sa ginagawa mo hindi ba?"
"Yes, I know. And it's fun!"
"Fun mong mukha mo!"
"Hay naku, sumunod ka nalang kasi at tama na ang reklamo..."
---×××---
He was waiting for Kate outside the mansion, in front of his car nang biglang tumunog ang telepono niya. Walang gana niya iyong kinuha mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at sinagot ang tawag.
"Yes mom? Napatawag kayo?" His opening.
"Yes ako nga. Mabuti naman at nakikilala mo pa akong bata ka ha! Mabuti at alam mong may mama ka," medyo pasigaw na litanya ng ina niya. She's sounds so angry pero ang totoo'y alam niya na nag-aalala lang ito sa kalagayan niya.
He knows why. Pagdating niya kasi galing sa ibang bansa ay dumiretso na siya kaagad sa hacienda. He got too excited. For some reason ay hindi na niya kaya pang pumunta sa ibang lugar, maliban sa hacienda. Or maybe Kate is the reason. Gustong-gusto niya kasi itong makita ulit kaya hindi na siya makapaghintay pa.
"Yeah, why would I forgot my mom?"
"Three days Winsley. Three days ka na palang nandito sa Pinas pero hindi ka man lang nagparamdam ha. Ano bang pinagkakaabalahan mong bata ka? Nasaan ka ba ha? Bakit sabi ni Graham ay 'wag na daw muna kitang guluhin? What are you up to?"
"Mom, you don't need to worry about me. Bibisita rin po ako. I'll just need to do something."
"Really? At uunahin mo pa talaga 'yan kesa magpakita sa aming bata ka ah? Ano ba kasi iyang inaatupag mo? Sabihin mo at baka maintindihan ko..."
Nakita na niya si Kate na naglalakad palabas ng mansion kaya natigilan siya. Nakasuot ito ng isang kulay peach na dress. Napakanipis ng strap noon kaya naman labas na labas ang collarbone nito. Naka ponytail pa ito kaya litaw na litaw ang balat nito sa ayos nito. Kanina ay hindi niya pa alam kung bakit niya binili ang dress na iyon, pero ngayon ay alam na niya kung para saan iyon. Para pala iyon sa magiging date nila. Isang sapilitang date na hindi naman talaga date.
"I'll tell you when I'm done ok. For now ikamusta 'nyo nalang muna ako sa lahat. I love you mom. Bye." Mabilis niyang pinatay ang telepono niya at binalik sa bulsa niya ang kaniyang cellphone.
Tapos tumakbo siya sa bahagi ng passenger seat at binuksan niya ang pinto doon." Let's go!" Masigla niyang sabi.
Ngumuso naman ito sa kaniya. Agad itong pumasok sa loob ng kotse. Pagkaupo nito ay ipinasok niya ulo niya sa loob ng kotse para matitigan itong mabuti. "Pwede ba ngumiti ka naman. Baka mamaya ay kung ano na ang isipin ng mga trabahador sa taniman e," reklamo niya dito.
"Alam mong mas malaki ang sasahurin ko sa bagong trabaho ko hindi ba?"
"Of course. Kahit triplehin ko pa basta ngumiti ka lang. Ayos ba?" Kinindatan niya ito at sinuotan ito ng seat belt bago patakbong umikot papunta sa driver's seat. "So, where is my smile miss assistant?" dugtong niya pagkaupo niya sa harap ng manibela.
"I will be nice and keep on smiling basta gawin mong apat na bases ang laki ng sahod ko. Alam ko maliit lang iyong halaga kaya kayang-kaya mo iyon."
"Deal." Iniunat niya ang kamay niya.
Nginitian naman siya ni Kate at tinanggap ang pakikipag handshake niya. "Deal."
"Kitam, mas lalo ka pang gumaganda kapag nakangiti ka e."
After shaking Kate's hand ay humarap na siya sa manibela at sinimulan na ang pagda-drive. Dahil hindi niya alam kung nasaan banda ang taniman ng mga kape ay si Kate ang nag guide sa kaniya.
Malawak ang nasasakupan ng hacienda at hindi naman niya nabila ang lahat. Iyong mansion ay kapehan lang talaga ang tinarget niya dahil naroon ang mga gusto niya. Sa mansion ay naroon si Kate, at sa taniman naman ng mga kape ay naroon ang paborito niyang kape.
He really love coffee kaya naman talagang ginusto niyang maging sa kaniya ang farm. Gusto niya kasing siya mismo ang gumawa ng sarili niyang iinumin na kape. Gusto niyang ma-experience ang pangunguha ng bunga nito hanggang sa pagtitimpla nang na prosesong bunga.
Iyon nga lang nakarating sa kaniya na hindi daw maganda ang pamumunga ng mga kape ngayon kaya balak niyang buhayin ang farm habang naroon siya. Tamang-tama naman iyon dahil may mapaglilibangan sila ni Kate.
Speaking of her. Tinotoo naman nito ang sinabi nito na magiging mabait na ito sa kaniya after the deal. Hindi na kasi siya nito tinatarayan. Lahat ng tinatanong niya ay sinasagot nito ng hindi pabalang.
"Nandito na tayo, sir."
Agad siyang bumaba ng kotse at pinagala ang tingin sa paligid. Lahat ng tauhan sa farm na iyon na nakakita sa kanila ay lumapit naman at masayang sinalubong si Kate.
"Aba, matagal kang hindi nadalaw dito Kate ah." Niyakap ng isang matandang babae si Kate.
"Ay, alam naman po ninyo napakaraming gawain sa mansion," sagot dito ni Kate.
"Eh, bakit ngayon nadalaw ka ata? Teka, sino ba iyang kasama mo ay mukhang napakagara ng sasakyan ah..." sabat naman ng isang matandang lalaki.
Lumingon sa kaniya si Kate. Nilapitan siya nito ay hinila palapit sa mga naroon. "Ipapakilala ko nga po pala sa inyo. Ito po si Winsley. Siya po ang bago nating amo. Siya kasi ang nakabili nitong kapehan."
"Ay siya ba?"
Tila nagkislapan naman ang mga mata ng mga taong naroon. Lahat ay nagpakita ng paggalang sa kaniya. Sa sandaling oras ay nakita niya ang pagtanggap ng mga ito sa kaniya bilang bagong may-ari ng kapehan.
"Ah Winsley, ito naman si mang Jerry. Siya ang pinakanamumuno dito sa kapehan," pakilala naman ni Kate sa matandang lalaki na nasa harap niya.
Tumango lang si Winsley sa matanda na ngumiti.
"Ano pala ang pinarito ninyo senyorito? Gusto ninyo po bang ilibot namin kayo sa kapehan?" tanong sa kaniya ni mang Jerry.
Napatingin siya kay Kate. Kahit wala naman siyang sinasabi ay tumango ito sa kaniya. Masyadong advance mag-isip.
"Sige po..."
Nang marinig nito ang sinabi niya ay agad siya nitong hinila palayo kay Kate na kinawayan naman siya bilang pamamaalam. Gusto niya pa sanang isama ito pero hindi naman niya ito magawang sigawan sa harap ng maraming tao dahil ayaw niya itong mapahiya.
Dinala siya ng matandang lalaki sa iba nitong kasamahan na abala sa pamimitas ng mga bunga ng kape. Ipinakilala siya nito sa lahat at katulad noong mga naunang nakakita sa kaniya ay malugod naman siyang tinanggap ng mga ito.
"Oo nga pala mang Jerry, gaano po ninyo kakilala si Kate?"
"Si Kate? Aba'y bakit mo naman naitanong? Enteresado ka ba sa kaniya ha?"
"Ah, hindi naman po. Nagtataka lang kasi ako sa kaniya. Bale, kinuha ko po kasi siyang personal assistant e kaya gusto ko lang sanang malaman."
"Aba'y mabait na bata iyang si Kate. Kapag hindi iyan busy ay dinadalhan kami niyan ng pagkain galing sa mansion. Kahit malaki na nga ang tiyan niya noon ay pumapasok parin siya. Napakasipag na bata."
"Ma-malaki ang tiyan?"
"Oo. Noong ipinagbubuntis niya ang panganay niya. Aba'y hindi niya ba nasabi sa'yo? Ay, ka-gwapong bata ng anak niya e. Sana makilala mo rin si Khurt."
May a-anak n-na si Kate?
Para siyang hinagisan ng bomba at sumabog iyon sa mukha niya kaya wala na siyang narinig bukod sa balitang iyon. Hirap siyang i-proseso sa utak niya ang balitang iyon. Ang alam niya lang kasi ay may ka live-in si Kate pero hindi niya alam na nagka-anak pala ito.
Para tuloy may pumipisil na naman sa dibdib niya. Lalaki siya pero daig niya pa ang bidang babae sa isang pelikula na umiiyak sa isang nakakalungkot na eksena.
Bakit ba palagi nalang siyang nasasaktan ni Kate?