Hindi lahat ng gusto noon, gusto parin ngayon. Tandaan, walang permanente sa mundo. Lahat pwedeng magbago.
---×××---
Napalunok siya. Gusto niya sanang tumalikod at tumakbo, pero parang napako ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makagawa ng kahit na anong uri ng hakbang. Hindi rin siya makahinga ng maayos. Pakiramdam niya ay unti-unting naninikip ang dibdib niya na parang may kung anong pumipisil doon. Wala naman siyang hika pero parang kinakapos ang paghinga niya.
Titig na titig siya sa binatang unti-unti ng lumalakad palapit sa kaniya.
He is Winsley Quinn. Ikalawa sa anak ng mag-asawang Carmela at Fernando Quinn. Ang pamilya na nagmamay-ari ng Black Empire Corporation na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil napakarami nitong hawak na iba't-ibang uri nang negosyo.
Pero ano naman ang ginagawa niya dito? Siya ba talaga ang nakabili ng hacienda?
Napangiti siya ng mapait habang pinagmamasdan ang lalaki. Napakalaki na kasi ng ipinagbago nito. Hindi na nangungusap ang kulay asul nitong mga mata. Tila napakarami niyong itinatagong sikreto. Hindi na niya nakikita ang dating paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Wala na ang kislap ng mga iyon kapag nakikita siya. Napakalamig ng pagkakatitig nito ngayon sa kaniya. Para iyong bloke ng yelo na ibinabato sa kaniya kaya nasasaktan siya.
Isang taon na rin nang huli niyang masilayan ang matamis nitong ngiti. Kahit papaano ay gusto niya iyong makita ulit pero mukhang hindi niya iyon dapat na asahan ngayon.
"Sabi ni Gissele masarap ka raw magluto?" walang emosyon nitong tanong sa kaniya. He is acting like he didn't knew her.
Hindi ko siya masisisi. Dahil hindi naman talaga naging maganda ang paghihiwalay namin. Hindi ko nagawang magpaliwanag ng maayos sa kaniya ng mga panahong iyon. All I did was walked away and leave him a broken hearted guy. Kaya siguro deserve ko ang ganitong asta niya sa akin.
"Ay yes Mr. Quinn, the best 'yan si Kate. Specialty niya ang adobo. Naku kapag natikman ninyo po ang adobo niya siguradong makakalimutan ninyo ang pangalan ninyo. Baka pati ang nakaraan ninyo makalimutan 'nyo rin e dahil sa sobrang sarap hihi," pagbibida sa kaniya ni Gissele. Nakatayo ito sa likuran ni Winsley.
"Talaga? You know, my ex-girlfriend used to cook adobo for me too. Pero, sana lang hindi ganoon iyong lasa ng luto mo. Wait what's your name again? Kate? Yeah. Sana hindi gano'n ang lasa ng luto mo Kate, dahil kung sakali. Baka itapon ko lang iyon. Katulad ng effort na binibigay ng isang tao na hindi pinapahalagahan, masasayang lang iyon."
Para siyang nabingi ng banggitin nito ang pangalan niya. Napalunok siya. Bawat letrang binitawan nito ay may diin, may laman, may galit. Oo, galit parin ito. Nararamdaman niya iyon. At alam niyang sinasadya nitong paringgan siya.
"Ay hindi naman siguro si Kate 'yong ex ninyo 'di ba sir? Syempre, siguradong magkaiba ang lasa ng luto nila no," medyo naiilang na sabat ulit ni Gissele. Mula sa likod ni Winsley ay lumakad na ito palapit kay Kate. Tumayo ito sa tabi niya.
"Well, you have a point," sang-ayon naman ni Winsley, sabay lakad paabante. Medyo napaatras si Kate. Halos hindi siya makakurap sa kakatitig dito. Nakakaramdam kasi siya ng takot sa kung ano ang pwede nitong gawin sa kaniya. Lalo pa at naalala niya kung paano ang naging paghihiwalay nila. "Teka, pipi ba itong kaibigan mo? Hindi kasi siya nagsasalita e." He smirked at her face.
Para namang napahiya na napayuko si Kate.
Am I acting weird? Kailangan kong umarte ng normal. Hindi ko dapat ipahalata na mayroon kaming nakaraan no Winsley dahil ayoko ng maungkat pa ang bagay na iyon. Kailangan kong gawin ang ginagawa niya ngayon. Kailangan kong umarte ng normal.
She was about to open her mouth para magsalita ng mula sa likuran ni Winsley ay biglang sumulpot ang kanilang mayordoma.
"Ano ba't hindi ninyo pa ipinaghahanda ng tanghalian si mister Quinn ha. Siguradong napagod siya sa byahe. Hala, magsitungo na kayo sa kusina," pagtataboy nito sa dalawa.
Agad namang tumalima ang magkaibigan sa sinabi nito. Pero bago tuluyang tumalikod si Kate ay nakita niya ang kakaibang pag-ngisi ni Winsley. Nakaramdam siya ng kakaiba sa ngiting itinapon nito. Agad pumasok sa isip niya ang totoong dahilan kung bakit ito naroon ngayon. Kilala niya si Winsley, alam niya ang kapasidad nito bilang Quinn kaya alam niya na hindi lang basta nagkataon ang pagkakabili nito sa hacienda. Sigurado siyang ipinahanap siya nito.
Pero bakit parang hindi maganda ang nararamdaman niya sa ginawa nito?
Pagdating sa kusina ay natatawa siyang pinaghahampas sa balikat ni Gissele. Mahina lang naman iyon pero umatras siya para hindi siya maabot nito at mapatigil niya ito.
"Grabe ka Kate, natameme ka sa gwapo nating amo." Tawa ito ng tawa. Halatang binigyan nito ng sariling pakahulugan ang pananahimik niya kanina. Parang gusto niya tuloy itong sabunutan.
Imbes na sagutin ang kaibigan ay lumakad na siya patungo sa stove kung saan niya iniwanan ang pinaghirapan niyang iluto kanina. Binuksan niya ang kawali at malungkot na tinitigan ang laman noon.
Winsley used to love my adobo. Pero ngayon, parang isinu-sumpa na niya ito.
Bigla nalang tumulo ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Agad niya rin naman iyong pinunasan upang hindi iyon makita ni Gissele pero sadyang napakatalas nang mata ng kaibigan niya dahil may pag-aalala siya nitong nilapitan.
"Hoy. Umiiyak ka ba? Niloloko lang naman kita eh. Hala. Sorry naman Kate, hindi ko alam na se-seryosohin mo ang pagbibiro ko. Joke lang iyon, ito naman..." may pag-aalalang sabi ni Gissele.
Natatawa naman niya itong hinampas sa balikat "Gaga, ano bang pinagsasabi mo?"
"Hindi ba umiiyak ka dahil sa pang-aasar ko? Sumusobra na ako no?"
"Hindi no."
"Hindi?"
"Hindi nga."
"Eh bakit ka pala umiiyak diyan?"
Bakit?
Napatigil siya sa pag ngiti. Ayaw naman niyang i-kwento dito ang tungkol sa nakaraan nila ni Winsley. Tama na ang isang taong napagsabihan niya ng lahat. Sapat na sa kaniya na si Oliver lang ang nakakaalam ng mga totoong nangyari sa buhay niya bago siya dumating sa lugar na iyon.
"Ah. B-bigla ko lang kasing naalala si Khurt," pagsisinungaling niya.
"Si Khurt?"
"Hindi sana talaga ako papasok ngayon e. Kaso lang kinulit naman ako ni aling Adelaida. Sinabi niya na darating daw ang bago nating amo kaya hindi ako pwedeng um-absent," paliwanag niya.
Mabuti nalang at hindi niya na kailangan pang magsinungaling sa bagay na iyon dahil totoo namang wala siyang balak na pumasok dahil kay Khurt. Nag presinta lang si Oliver na siya ang magbabantay sa bata kaya kampante siyang pumasok. Alam niya kasi na pagdating kay Khurt ay sobrang maasahan ito. He was like a real father to him. Ipinagbuntis palang niya si Khurt ay ito na ang kasa-kasama niya at katuwang sa lahat ng bagay. Kaya nga napagkakamalan sila ng mga tao na mag-asawa dahil iisa lang ang tinitirahan nilang bahay. Oliver offer his house to them and welcomed them in an open arms. Noong mga panahong malapit na siyang sumuko ay ito ang nakapitan niya kaya napakalaki ng utang na loob niya dito.
"Lintek ka! Akala ko naman nasaktan ko na ang pride mo e." Hinampas siya ni Gissele. "Psh! Kung nag-aalala ka kay Khurt, eh bakit hindi mo tawagan si Oliver?"
"Oo, balak ko na nga siyang tawagan eh."
"Hoy, bilisan ninyo na raw ang paghahanda sa tanghalian ng pogi nating amo. Baka raw kasi nagugutom na iyon. Naku, sige kayo baka magbago ang isip no'n at sisantehin tayong lahat."
Sabay silang napalingon ni Gissele sa entrada ng kusina ng magsalita mula roon si Jamaica. Pagkasabi nito noon ay nagmamadali narin itong umalis.
Nag ngusuan naman sina Kate at Gissele. Katulad ng sinabi ni Jamaica ay sinimulan na nga ng dalawa ang dahilan kung bakit sila nagpunta sa kusina. Kani-kaniya silang ayos ng mga kailangan sa ihahanda nilang tanghalian. Nang maiayos na nila ang mga pagkain na inihanda nila para sa pagdating ng bago nilang amo ay inilagay nila iyon sa isang abuhing tray na agad binuhat ni Gissele.
"Sige, ako na ang magdadala nito sa gwapo nating senyorito," anito sabay kindat sa kaniya.
Ngumiti lang siya dito. Ayaw niya rin namang gawin iyon e. Hindi niya kasi alam kung handa na ba siya makaharap ng one on one si Winsley. Hindi niya alam kung paano niya ito haharapin lalo na at alam niyang matindi ang galit nito sa ginawa niya; isang taon na ang nakararaan.
She hated herself for doing that to Winsley. Pero noong panahong iyon ay wala siyang choice kung hindi gawin iyon. She need to dump him for the sake of thier baby.
---×××---
Pagkatapos lang ng ilang minuto ay bumalik na sa kusina si Gissele. Ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan ng hindi niya maipingang itsura ngayon.
"Ano'ng nangyari?" takang tanong niya. Itinigil niya muna ang pagtutuyo sa mga platong ginamit niya kanina sa pagluluto at hinarap ito.
Pasalampak itong umupo sa upuang kahoy na nasa harap niya. "Psh! Napakasungit naman pala ng Winsley na iyon e. Hay naku. Nakalimutan lang iyong tubig eh, kung anu-ano na ang sinabi." Naka-pout na sagot nito. Padabog itong tumayo at walang ganang nagtungo sa ref pagkatapos ay inilapag nito sa lamesa ang kinuhang tubig.
"Pwede ba Kate, ikaw na ang magdala nito sa kaniya. Tsk, ayoko na kasing bumalik doon e. Nakaka-stress," ani Gissele.
"Ano? B-bakit ako?"
"Uhhhh bukod kasi sa akin eh ikaw lang naman ang narito. Sige na Kate. Parang awa mo na oh, ayoko na talagang bumalik sa study room e." Pilit nang ipinapahawak ni Gissele kay Kate ang bote ng mineral water. Napilitan tuloy siyang tanggapin iyon. Hindi rin naman kasi niya alam kung paano niya ito tatanggihan e.
"Bilisan mo na Kate, baka mamaya ikaw naman ang pagbalingan ng demonyong iyon." Itinulak na siya palabas ng kusina ni Gissele.
Napipilitan nalang tuloy siyang ngumiti.
Mukhang wala na akong choice.