"Ughhh... Anong klase ng logic ba mayroon ang lalaking iyon?" Napamasahe na siya sa kaniyang sentido. He was grinning in his anger. Gusto niyang manapak. Sasampa sana siya sa kotse niya para umalis nang mansion pero hinarangan siya ni Roann. Doon niya lang naalala na kasama niya pala ito. "Saan mo naman balak na pumunta?" Dahil tumayo ito sa tapat ng pintuan ng kotse ay hindi niya iyon nagawang buksan. "Ano bang ginagawa mo dito?" frustrate niyang tanong dito. Patatabihin niya sana ito pero idinipa pa nito ang dalawang kamay nito para hindi niya ito mapaalis. "Gusto ko lang malaman kung ano ang pinagkaka-abalahan mo dito. Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka ma-kontak ng mommy mo. Tsk! It was Kate your ex lang pala ang pinagkaka-busyhan mo." Napabuga siya ng hangin. Para siyang big

