Pagkatapos niyang magtimpla ng kape ay muli niyang hinanap si Oliver. Kagabi, pagkahatid nito sa kaniya sa ospital ay nag-paalam na rin ito kaagad. Ang akala niya ay uuwi na ito sa bahay pero pagdating niya ngayon ay hindi niya naman ito masumpungan. Kanina niya pa ito hinahanap pero hindi niya ito makita kaya napag desisyonan niyang magkape nalang muna. Nasaan kaya ang bruhong iyon? Hindi ba siya umuwi dito kagabi? "Mag-uusap pa tayo..." Nang bumalik sa alaala niya ang huling sinabi ni Oliver ay stress siyang napahigop sa tinimpla niyang kape. Ayaw niyang isipin na naroon sa mansion ngayon si Oliver pero kung wala ito sa bahay ay baka nga... Nagmamadali siyang nagpalit ng damit. Isang simpleng puting bestida lang ang isinuot niya. Ayaw niya pa sanang magpakita ulit kay Winsley pero

