CHAPTER 1
RANYA POVS
"Ranya, na saan na ang pagkain ko, kanina paa ko dito?" sigaw ng Tiya ko, kakarating nya lang sa' pagsusugal.
"Nandito na, po' Tiya." malumanay na sagot ko.
"Ang bagal mo, pagkatapos mo, dyan maglaba ka!" utos nito sa akin.
"Ngunit , Tiya may pasok pa, po' ako sa trabaho ko, mamaya sa kainan.
Hindi po, ako pwede magliban dahil tatanggalin po, ako sa trabaho ko?" paliwanag ko sa Tiya ko.
"Wala akong pakialam, Ranya sa trabaho mo, hindi ka naman nag ibibigay ng pera sa akin kaya ano naman ngayon kung ako sa'yo umalis ka na lang sa trabaho mo!."
"Tiya, naman eh, lagi ko naman kayo binibigyan ng pera pero pinagsusugal mo, lang naman!"
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Tiya.
"Ang lakas ng loob mo, sabihin ako ng ganun, Teka sino ba? bumubuhay sa iyo kundi ako. Palamunin ka lang nga eh may reklamo ka pa!" galit na sigaw nito sa akin.
Hindi na ako kumibo dahil wala naman ako mapapala kung magtalo pa kami ni Tiya. Kaya umalis na lang ako sa harap nito.
Nagtungo ako sa kaibigan ko,
malapit lang naman bahay nila dito. Isang liko lang bahay na nila.
Pagdating sa pinto agad ako kumatok.
Bumukas naman ang pinto at ang Tatay ni Tin ang nagbukas paalis pala ito.
" Oh, Ranya ikaw pala?" wika nito sa' akin .
" Hay, po, Tito," ngiting tungon ko.
" Sige pasok ,ka nasa loob si Tin!"
" Sige po, Tito," tungon ko pagkatapos pumasok na ako.
Mabait ang Tatay ni Tin ganun din ang kanyang Ina.
Napaka swerte nito sa magulang hindi tulad ko.
Ngunit ayos na iyon ang importante buhay ako .
"Ranya, ikaw pala, umupo ka dito. Saglit tawagin ko lang si Tin nasa kwarto pa sya," wika ng Mama ni Tin.
Minsan dito rin ako kumakain kapag wala si Tiya sa bahay.
Hindi nagtagal lumabas si Tin galing sa kwarto nito.
"Hay , Bessie?" ngiting bati nito sabay lapit sa akin.
"Anong meron bakit tila kinikilig ka?" Sabihin mo, inlove ka ba?" wika ko dito.
Tumawa lang sya ng malakas sabay hampas sa balikat ko.
" Ano ka ba?!.
"Tin, nandito pala ako para tanggapin ang tarbaho inalok mo sa akin?" saad ko sa kaibigan ko.
"Talaga payag ka na?" masaya nitong sabi.
Tumango ako sa kaibigan ko.
May pagpipilian pa ba ako lalo ngayon naubos na pera ko kay Tiya.
"Sige Besie sabihin ko kay boss bukas pag pasok ko, at sumama ka na rin," anya nito sa akin sabay ngiti.
Taga ayos lang naman ng opisina at linis lang trabaho doon. Kahit maliit ang sahod ayos na iyon. Sa panahon ngayon mahirap maka hanap ng trabaho lalo na hindi ako nakapag tapos ng kolehiyo.
Kinabukasan maaga ako gumising dahil sasama ako ngayon kay Tin.
Tulog pa si Tiya nang buksan ko ang pinto ng kwarto nito.
Kaya hindi ako naglikha ng ingay.
Tumingin ako sa aking relo pasado alas 6.00am pa lang.
Naka handa na almusal ni Tiya sa mesa.
Nagtungo ako sa bahay ng kaibigan ko.
Sakto palabas na sya ng pinto kaya hindi na ako pumasok sa loob ng bahay nila.
" Handa ka na ba?" wika nito sa' akin.
" Oo kahit kinakabahan ako Tin."
" Ano ka ba, huwag ka kahabahan ganyan talaga pag unang pasok mo. Masasanay ka rin pag tumagal ka na.
"Salamat, sayo dahil hindi mo ako pinabayaan ," anya ko dito.
"Ako pa ha, parang kapatid na kita Ranya," sabi nito sabay hawak sa kamay ko.
Sumakay kami sa taxi.
Medyo nilalamig ang kamaya ko. Hindi naman ito unang beses ko mag apply ng trabaho. Ngunit hindi ko talaga maiwasan kabahan.
Maya't-maya nakarating na kami kung saan si Tina nag trabaho.
Hindi naman kalakihan ang building na pinapasukan nito.
" Bessi dito ka lang ha, titingnan ko muna si Boss," wika ni Tin sa akin. Kaya tumango ako sa kaibigan ko.
Tumingin ako sa paligid abala ang mga staff sa trabaho.
Hindi nagtagal bumalik si Tin sabay sabi na pasok na daw umano ako sa loob upang makausap ako ng boss nila.
Sumunod ako sa likod ni Tin at pumasok kami sa opisina ng kanyang amo.
" Boss, nandito na po, kaibigan ko?" rinig kong saad nito sa amo.
Umupo kami sa harap nito.
Medyo may edad na ang lalaki.
"Ikaw ba, si Ranya Lopez?" tanong nito sa akin.
"Opo, sir?" malumanay na sagot ko.
"Anong alam mo, na trabaho?" muling tanong nito.
"Sir tanging paglilinis lang po, ang alam ko, dahil hindi po ako, naka tapos ng pag-aaral," muling tungon ko.
"Okay tanggap ka na, bukas pwede ka na mag-umpisa bawal dito tamad at magliban sa trabaho kung hindi naman importante. "
"Opo, salamat po," sagot ko sabay yuko.
Paglabas namin ng opisina niyakap ko si Tin ng mahigpit.
"Aray? Ko, naman hindi ako maka hinga?" protesta nito.
"Sorry, pero salamat dahil sayo nagkaroon ako ng trabaho?" ngiting sabi ko.
"Oo, na sempre hindi kita ma tiis na nasasaktan sa Tiya mo," untag nito sa akin.
Nagpaalam na ako sa kaibigan ko, dahil may trabaho pa ito.
Kailangan ko muna bumili ng damit ko para bukas may pera naman akong dala.
Nagtungo ako sa mall upang bumili ng damit na susuotin ko para sa trabaho bukas.
Nang kakarating ako sa loob pumili na ako ng damit na kukunin ko.
Ngunit bigla naman may humila dito.
Tumungin ako kung sino ang humila walang iba kundi ang nobya ng ex ko. Na parang nagtrabaho sa bar.
Dahil kulang na lang lumabas ang kaluluwa nito sa sulot nitong damit.
" Oh, ikaw pala?" taas kilay na sabi nito.
Hanggang dito ba naman nagkita pa kami sa isip ko.
" Akalain mo, ba naman pati dito nagkita tayo?" wika ko sa babae.
" Hindi ka, nababagay sa lugar na ito Ranya."
" Sino may sabi na hindi ako bagay dito. Bakit nabili mo, na ba ang mall na ito?" balik na sabi ko.
Hindi ako magpapatalo sa babaeng ito.
" Well sinabihan lang naman kita baka mamaya mapahiya ka dito?" ngisi nito sa akin.
" Wala naman ako ginagawang masama dito bakit ako mapapahiya!" irita na boses ko.
"Mark, come look your ex-girlfriend," saad nito sa ex ko.
" Ranya ikaw ba iyan?" You look like poor," wika nito sa' akin.
"Ano naman ngayon."
"Buti na lang naghiwalay tayo kundi kawawa pala ako sayo?" wika ni Mark sa akin.
Ang sarap batuhin ang ulo nito para magising sa katotohanan.
Dati nga ako yung gumagasto kapag lalabas kami dahil wala daw sya pera.
Dahil mahal ko sya pumayag ako pero hindi ko lubus akalain na lokohin nya lang pala all.
"Honey, huwag mong sayangin ang oras mo, sa babaeng iyan.
Tara na may party pa tayong pupuntahan mamayang gabi?" sabi ng nobya nito kay Mark.
Bagay nga kayo para kayong ewan.
"Saglit lang honey, diba gusto mo, ang damit bakit hindi mo kunin. Tutak hindi naman nya kaya bayaran iyan," untag nito sa nobya na parang binugbog.
Gusto ko ihampasa sa mukha nya ang hawak kong damit.
Nakipag agawan pa talaga sya sa akin.
" No? Honey, ayaw ko ganun klaseng damit dahil baduy katulad nya. Bagay nya iya sa kanya dahil baduy sya manamit?" taas kilay nito
"Akala mo, maganda ka sa suot mo daig mo pang nagbebenta ng katawan sa bar!" giik na saad ko sa babae.
Nag-ipa ang mukha nito napalitan ng galit na tilaw gusto manakit.
" Ikaw? Turo nito sa akin.
Akmang susugod ito ngunit pinigilan ng kanyang nobyo.
"Ma'am, hindi po, kayo pwede dito mag-away kung hindi lang kayo bibili umalis na po, kayo?" wika ng cashier sa dalawa.
"Ikaw, may araw ka rin sa akin!" turo nito sa akin.
Galit na umalis ang dalawa.
Muling tinuon ko lang pansin ko sa damit na hawak ko.
Namili ako ng tatlo staka na lang ako bibili ng marami pag may pera na ako.
Nang matapos ako umuwi na ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto wala ang Tiya ko. Panigurado sa sugalan na naman ito.