BUONG akala ni Tamara ay tulog na ang kuya niya. Maaga kasi itong pumasok sa kwarto nito. Kaya naman nang magtext si Nathan na nasa labas ito ng gate nila at gusto siya nitong makita sandali ay kampante siyang lumabas ng bahay para makipagkita rito. Ngunit ilang sandali palang silang nag-uusap ni Nathan ng biglang dumagungdong ang boses nito. "Tamara!" sigaw nito. Magkasabay na napalingon si Tamara at Nathan sa galit na boses ni Bryan. "Kuya..." "Bro..." Sabay pa na sambit ng dalawa. "Huwag mo akong matawag-tawag na bro na hayop ka dahil hindi kita kapatid!" Agad na pumagitna si Tamara sa dalawa nang magtangka si Bryan na susugod kay Nathan. "K-Kuya dumaan lang sandali si Nathan. A-Ano nagtatanong lang ako tungkol sa ano sa magiging on job training namin ni Kat sa hospital nila," p

