PAGDATING ni Nathan sa bahay nila ay agad siyang dumeretso sa mini bar at doon ay nagsalin siya ng alak sa basong nilagyan niya ng yelo. Marahan niyang minasahe ang noo pagkatapos uminom ng alak na isinalin niya sa baso. He understands Bryan. Alam niyang takot lang ito para sa damdamin ng kapatid nito. Ngunit bakit hindi siya nito bigyan ng pagkakataon na patunayan dito kung gaano siya ka seryoso kay Tamara? He's willing to change for her. It's not easy to give up his freedom for Tamara. Ngunit tanggap na niya dahil mahal niya talaga si Tamara. Tanggap na niya na si Tamara nalang dapat at wala nang ibang babae oras na ligawan niya na ito. "Mahirap bang mapatumba ang bantay?" nagbibirong boses ni Adam mula sa likod ni Nathan. Hindi nagsalita si Nathan. Kumuha ito ng isa pang baso at nila

