HINDI mapakali si Tamara. Magdadalawang Linggo nang hindi man lang nagpapakita sa kanya si Nathan. Nagbago na nga ba ang damdamin nito para sa kanya dahil sa kuya niya? Sumuko na ba ito agad ng ganun lang kadali? Akala ba niya ay mahal siya nito, bakit bigla na lang itong hindi na nagpaparamdam sa kanya? "Ang sakit mo sa ulo Nathan Ocampo! Ang sakit din ng puso ko ng dahil sayo! Nasaan ka na ba?" inis na kausap niya sa pinatuyong bulaklak na rosas. Iyon ang isa sa bigay sa kanya ni Nathan ng bulaklak. Iginitna niya iyong sa isang makapal na libro para kahit matuyo ay hindi masera. Naiiyak na siya sa sobrang pag-iisip. Sari-sari kasi ang pumapasok sa utak niya. Lahat puro kuro-kuro. Walang klarong sagot. Paano ba naman ay hindi rin kasi sinasagot ni Nathan ang tawag at mga text messages n

