MALAYO palang siya ay tanaw na ni Tamara kung sino ang naghihintay sa kanya sa labas ng gate ng eskwelahan nila. "Hindi ba't si Doc. Nathan iyon?" si Katrina na kasabay niyang naglalakad. Tumango naman si Tamara. "Mauna ka nang kumain Kat," aniya sa matalik na kaibigan. "Huh?" nagtatakang tanong ni Katrina. "Ahhh. Ikaw palang pinuntahan niya rito," ani Katrina ng mapagtanto ang ibig sabihin ng kaibigan. Nginitian nalang nito si Nathan at iniwan ang matalik na kaibigan ng malapit na sila sa binata. Sinundan naman ng tingin ni Tamara si Katrina at ng medyo malayo na ito ay saka siya nakasimangot na lumapit kay Nathan. "Buhay ka pa pala?" nakaismed na sabi niya rito. Ngumisi lang si Nathan. "Na miss mo ako noh?" pabirong sabi nito sa dalaga. "Kapal naman ng face nito..." pagtatakip ni

