NATUTULALA si Tamara habang inilalapag ng dalawang waiters ang mga pagkain na inorder ni Nathan para sa kanilang dalawa. "May hinihintay ka bang iba? Bakit ang dami naman yata ng inorder mo?" hindi niya napigilang itanong kay Nathan. Umiling si Nathan. "Wala. Para sa atin lang 'to. Mukha kasing pumayat ka sa dalawang linggo na hindi mo ako nakita. Mukhang na miss mo talaga ako ng sobra. nakalimutan mong kumain sa oras," sagot naman ni Nathan na abala sa paglalagay ng mga pagkain sa pinggan niya. "Grabe na talagang hangin mo, Dr. Ocampo! Minsan kaya bawasan mo. Nakakatakot ka nang kasama. Baka bigla nalang akong lumipad sa lakas ng hangin mo." "Hindi po iyon kayabangan. It's a fact. Diba?" pagbabalik ni Nathan sa pang-iinis kay Tamara. "Hahaha. Nakakatawa! Kumain ka na ngalang. Ubusin

