AKALA ni Tamara ay ihahatid na siya pauwi ni Nathan matapos nilang kumain ngunit mukhang wala pa itong balak na ihatid siya. "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya. "Itatanan na kita," sagot ni Nathan pero nasa kalsada ang tingin. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Tamara. Bakit pakiramdam niya ay puro yata may laman ang mga biro ni Nathan sa kanya ngayon? Pero naisip niyang wala naman siguro. Wala lang yata itong ibang masabi kaya ganoon. "Sige subukan mo para ilibing ka ni kuya ng buhay sa mga construction sites ng project nila ngayon," baliwalang sabi nalang niya. "Akala mo naman takot ako sa kuya mo. Gusto mo itanan talaga kita ngayon? Tingnan ko lang kung may magawa pa ang kuya mo," seryosong banta ni Nathan. Natahimik naman si Tamara. Paano nga kung itanan talaga siya ni

