NAKAKALOKO ang ngiting ibinibigay ni Adam sa pinsan niya. "Bakit ganyan ka makatingin?" inis na turan ni Nathan. "Hahaha. You look good with your black eyes, couz!" pang-iinis ni Adam sa pinsan. "Laugh to your heart's content, couz! Kapag ikaw naman ang na in love ako naman ang magtatawa sayo," pikon na wika ni Nathan. "Seryoso ka talaga? Nakita mo naman ang galit ni Bry kanina, diba? Tingin mo makakalusot ka talaga sa isang iyon? Baka sa susunod hindi lang iyan ang abutin mo," naiiling na babala ni Adam sa pinsan. "I love Tamara, couz! Seryoso ako sa kanya. Patutunayan ko kay Bryan na mahal ko talaga ang kapatid niya," wika ni Nathan habang ginagamot ang black eye na tinamo niya sa malakas na suntok ni Bryan kanina. "Then good luck, couz! Ihahanda ko nalang rin ang sarili ko sa lama

