INIKOT ni Tamara ang tingin sa buong function hall. Bigla nalang kasing nawala sa paningin niya si Nathan. Nakita palang niya iyon na kausap ng dalawa sa mga kaklase nilang babae ni Katrina ngunit inalis niya lang saglit ang tingin niya rito ay bigla naman itong nawala. Hindi niya rin makita ang isa sa mga kaklase niyang kausap nito kani kanina lang. "Not tonight huwag naman ganito ang ibigay mong regalo sa akin..," bulong niya na patuloy sa paghahanap ang mga mata. Ang sakit na pa naman ng mga paa niya dahil sa mataas na takong ng sapatos niya kaya hindi siya makapaglakad ng mas malayo. "Ako bang hinahanap mo?" tanong ni Nathan mula sa likuran ni Tamara. "Ayyyy bakulaw..." bulalas ni Tamara. Bahagya pa nga siyang napalundag sa gulat. Paano ay bigla nalang sumulpot ito sa likod niya. "

