Chapter 14

1054 Words
HABANG sumasayaw sila ay nakatingin lang sila sa isa't isa. Kahit si  Nathan ay nakatitig lang din sa kanya. Parang nag-uusap sila sa pamamagitan lang ng mga mata. Have you ever felt something like the world stop and the only thing you care about is you and this person that you admire so much? That even though there are so many people surrounding you, you don't seem to notice them. The feeling that you don't care about what will happen tomorrow 'coz all you care at that moment is being with that person you love? Right now at this moment, that's what Tamara feels. "Tinupad ko ang pangako ko sayo. Ikaw ba tumupad ka sa usapan natin?" tanong ni Nathan na titig na titig parin sa mukha ni Tamara. "H-Huh? A-Anong usapan?" tanong ni Tamara. Nautal yata siya bigla. "My Gosh, Tamara Wong...bakit ka ba nagstummer  bigla? Normal ka naman makipag-usap sa iba kanina ah!" parang gustong sabunutan ni Tamara ang sarili dahil heto na naman siya kinakabahan na naman at nagstummer sa harap ni Nathan Ocampo. "You promised me na hindi ka magboboyfriend! Tinupad mo ba ang pangako mo tulad ng pagtupad kong darating ako ngayong 18th birthday mo?" Hindi alam ni Tamara ngunit nararamdaman niya sa boses ni Nathan na parang hinihiling nito na sana ay tumupad siya sa usapan nila. She smiled to try to release her nervousness. "Ahmm… P-Papaano naman ako mag-magkaka boyfriend kung kasing higpit ni kuya ang bantay ko?" Naramdaman ni Tamara na humigpit ang pagkakahawak ni Nathan sa baywang niya. Mas kinabig pa siya nito palapit sa katawan nito. "You mean kung hindi ka hinihigpitan ng kuya mo may boyfriend kana ngayon at hindi ka tutupad sa usapan natin?" mababakas ang paninita sa boses nito. "W-Wala naman akong sinabing ganoon. Tsaka wala naman akong gusto sa mga nanliligaw sa akin eh..." "Bakit, sino bang gusto mo? May gusto ka ba na gusto mong manligaw sayo?" "S-Sinong gusto ko?" parang tanga niya lang ulit sa tanong nito. "Oo, Sino ba ang gusto mo? May nagugustuhan ka na ba?" nasa boses na nito ang panunudyo. "I-Ikaw..." "Ako?" She blushed. "OMG!!! Nadulas ako!"  sigaw ng isip niya.  "I-I mean...i-ikaw may g-girlfriend ka na ba? Kaya ka ba natagalan bumalik. M-May iniwan ka ba sa London?" Natawa si Nathan. Nakukyutan kasi ito kay Tamara mas lalo pa itong gumaganda kapag nagbablush. Kanda utal rin ito sa pagtatama ng sinabi kanina. "Huwag mo akong ngitian ng ganyan, Nathan Ocampo! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko bigla nalang kitang halikan kahit na ngaba kapalit noon ay padadapain ako ni kuya at papaluin ng sinturon sa pwet," sa loob-loob ni Tamara. "No. May naiwan kasi ako dito at pinangakuan babalikan..." sagot ni Nathan na hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Tamara. She felt like her heart stop beating. Siya ba ang tinutukoy nitong pinangakuan at binalikan? "Oh God. This is it!" sa loob-loob niya. Ngunit bigla niyang naisip na marami nga palang babae si Nathan. Paano kung hindi naman pala siya ang tinutukoy nito? Paano kung marami pala silang pinangakuan nito? Napasimangot tuloy siya bigla. "M-May g-girlfriend kang naiwan?" "Wala akong girlfriend pero may gusto akong ligawan. And she's the reason why I came back." Parang tinutusok ang puso niya. Is Nathan in love with someone else? "Lucky her..." tangi niyang nasabi rito. Feeling niya kasi kapag nagsalita pa siya ay baka maiyak lang tuloy siya. "Your still silly, Little Sweetheart!" natatawang turan ni Nathan. Bahagya pa nitong pinisil ang gilid ng baba ni Tamara. "Ikaw nang matalino, Nathan Ocampo!" nakasimagot niyang turan. Ngunit lalo lang siya nitong pinagtawanan. Kaya sa pikon niya dito ay magwalk out nalang sana siya total ay ito naman ang last dance niya. Ngunit bigla siya nitong hinila sa braso. "Ayyyy..." bulalas niya dahil sa pagkagulat. Lalo na ng bumagsak siya sa mga bisig nito sabay bend sa kanya papunta sa likod habang alalay siya nito sa baywang. "You look more and more beautiful, Little Sweetheart! Lalo kapag napipikon ka na!" nakangising turan nito sabay kindat. Pakiramdam tuloy ni Tamara ay nalaglag sa sahig ang puso niya. Natulala nalang siya kahit ng maihatid na siya ni Nathan sa upuan niya pagkatapos ng togtog. Kaya tuloy ng e-announced ng emcee ang pagbibigay niya ng message bilang debut celebrant ay hindi niya agad na narinig. Kinailangan pang ulitin ng emcee ang sinasabi nito. Si Bryan ay masama ang kutob na nararamdaman. He feels that there is something strange between her sister and his best friend. "Ako lang ba o may something sa dalawa?" wala sa sariling naitanong niya. "You're saying something, dude?" tanong ni Gregory na nasa tabi niya. Isa ito sa malalapit niyang  kaibigan at miyembro din The San Martin Romeo. "Ha? Ahmm ano kasi... I feel something strange the way Nathan look at Tamara," sagot niya habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kapatid na nag-e-speech ngayon at sa matalik na kaibigan na nasa di kalayuan sa kanila. "What are you saying?" naguguluhan na tanong ni Gregory na sinundan ang tinitingnan ni Bryan. "May gusto ba si Nathan kay Tamara?" deretsong na niyang tanong. "What? Are you serious? Umaandar na naman ang pagiging protective mo Engr. Wong," natatawang turan ni Gregory. Napailing si Bryan. "I really feel something is different between the two!" "Dude, dalaga na ang kapatid mo at hindi lang basta dalaga-- Maganda ang kapatid mo! Natural lang na hangaan siya ng kabinataang narito. At isa pa matagal na nawala si Nathan. Baka nagugulat lang siya at malaki na ang ipinagbago ni Tamara sa nakalipas na dalawang taon na hindi niya ito nakita kaya siguro akala mo may something," paliwanag ni Gregory. Hindi sang-ayon si Bryan sa paliwanag ni Gregory. Pero baka nga paranoid lang siya. Siguro nga ay nagkakamali lang siya. Gumagawa lang siya ng malaking multo. Isang multo na pinaka kinatatakutan niya-- Ang magkagusto ang kahit sino sa mga kaibigan niya sa nag-iisa niyang kapatid. Kay Sabrina at Ysabel nga na kaibigan niya lang din ay pinoprotektahan niya laban sa sarili at mga kaibigan. Ang kapatid niya pa kaya! Kung may tao man na lubos na nakakakilala sa kanilang magkakaibigan iyon ay ang isa't isa. Sabi nga ng isang sikat na kasabihan. "Birds with the same feathers flock together". Wala siyang tiwala sa kahit sino sa mga kaibigan niya pagdating sa kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD