Chapter 13

1402 Words
WHO wouldn't fall in love with this gorgeous man standing right infront of her. Smiling so bright that it brings sunshine to her heart. How she wishes she could tell him how much she missed him. "Happy 18th birthday, Little Sweetheart!" nakangiting bati ni Nathan na sinalubong si Tamara ilang baitang bago ito tuluyang makababa ng hagdan. Nakalahad din ang isang palad nito kay Tamara para alalayan itong bumaba sa natitira pang mga baitang. Agad na tinanggap niya ang palad nito at sandaling kinalimutan muna ang mga taong naghihintay din sa kanya sa baba ng hagdan at sa napapalamutian function hall. She hugged Nathan so tight. "You came!" tanging salitang sinabi niya. "I'm a man with a word, Little sweetheart. I told you, I'll come so...I'm here," nakangiting tinugon din ni Nathan ang yakap ni Tamara. "I missed you brat!" dagdag na bulong nito sa kanya. "Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi mo ako tinatawagan?" nagtatampong tanong niya rito. "Ang importante, I'm here now!" nakangiting tugon nito sa kanya. Hindi pa sana hihiwalay sa pagkakayakap sa binata si Tamara kung hindi niya lang narinig ang palakpakan at kantiyawan ng mga bisitang nakakakita sa kanila. "I know you missed me so much but you'll have to face your other guests, Little sweetheart!" nanunudyo na bulong ni Nathan. Pinamulahan naman agad si Tamara ng mukha. Is she that obvious? Yes, of course! Salubungin niya ba naman ito ng mahigpit na yakap. Hindi na siya magtataka kung malalagot siya mamaya sa kuya niya. She just wished na hindi nasasaksihan ngayon ng nakatatandang kapatid ang ginawa niyang pagyakap ng mahigpit sa bestfriend nito. "So, let's go? Baka hindi na ako lumabas ng buhay rito kung magtatagal pa tayo..." makahulugang turan ni Nathan. Naintindihan naman iyon agad ni Tamara ng masalubong ang nagtatanong na tingin ng kuya Bryan niya. "Patay kang bata ka!" sa loob-loob niya. She smiled at her kuya at nagkunwari na simpleng pagyakap lang ang ginawa niya sa matalik nitong kaibigan at walang ibang ibig sabihin iyon. Nagpatuloy na sila sa pagbaba ng hagdan. While they are walking down the red carpet papunta sa upuan niya na nasa pinaka stage ng function hall. Tamara felt like it's the aisle where they were walking. It's their wedding day not her debut party. "Walang basagan ng feeling. It's my debut kaya pagbigyan ang pagiging feelingera ni Tamara Wong," pilyang kausap niya sa sarili. She has a lot of guest's na bumabati sa kanya at sobrang busy niya sa kaka entertain sa mga ito but she can't take away her eyes from him. Sa tuwina'y pasimpleng nakasunod ang mga mata niya sa bawat kilos ni Nathan. Minsan nga ay nagkakasalubong pa ang mga tingin nila. "Oh my goshhhh. Is he looking at me too?" kinikilig niyang kausap sa sarili. Ang mga kaibigan at kaklase niya ay walang maitulak kabigin sa anim na mga Romeo's pero siya nasa iisang tao lang talaga ang puso niya. Kahit na nga ba lahat naman talaga ng mga barkada ng kuya niya ay mga gwapo at macho. Para sa kanya ay naiiba si Nathan Ocampo.  He captured her full heart at wala nang natitira para sa iba. Nathan looks mature than the Nathan she knew, almost two years ago. But his mature look, looks good on him at ang pinakagusto niya dito kahit may pagkaseryuso na ito kung kumilos at magsalita. Ito parin ang Nathan na makalaglag panty kung ngumiti. Pakiramdam nga niya ay nawawala sa tamang lugar ang puso niya sa tuwing nginingitian siya nito. "Goshhhh, Tamara... focus,focus,ocus..." kausap nanaman niya sa sarili at bahagyang tinampal ang sariling pisngi. Paano ba naman ay puro nalang si Nathan ang nasa isip niya gayong heto siya at nakikipagsayaw sa isa sa mga 18th roses niya na nakalimutan na niya kung pang ilan na ngaba ito. "Is there something wrong?" tanong tuloy sa kanya ni Carlo. Isa sa malapit niyang kaklase na lalaki. "Huh? Yah, yah, yah...I'm good, sorry! May naisip lang kasi ako bigla. Ano nga yong sabi mo?" nakangiti niyang paghingi ng paumanhin dito. "I was asking, kung pwede ka nang tumanggap ng ligaw since you're on you're legal age. Dati kasi lagi mong sinasabi sa akin na hindi ka pa pwedeng ligawan. So ngayong 18 kana. Pwede na ba?" Pang-ilan na nga ba si Carlo sa mga kasali ng 18 roses niya ang nagtanong sa kanya ng parehong tanong... Pang-anim o pito na yata ito at iisa lang ang sagot niya. "Hindi pa ako pinapayagan ni kuya... Tapusin ko daw muna ang pag-aaral ko. Maybe then pumayag na siya." "Grabe naman si kuya mo. Eh hindi ka pa naman mag-aasawa ah. Liligawan ka palang," reklamo ni Carlo. Hindi inisip ni Tamara na kahit pala ito ay may gusto rin sa kanya at nagbabalak na ligawan siya. Nginitian niya nalang ito. Nang mapadako ang tingin niya kay Nathan ay biglang sumama ang templa niya. Paano ba naman ay isa sa mga kaklase niya ay ang sarap ng pagkakayakap sa isa nitong braso. Mukhang enjoy na enjoy naman ito sa pakikipag flirt sa kaklase niya. Yes, she feels jealous! She want Nathan just for herself at kung pwede niya lang itigil ang pakikipagsayaw kay Carlo at lapitan ang dalawa't tanggalin ang mga kamay ng kaklase niya sa braso ni Nathan ay ginawa niya na. Laking pasalamat niya ng matapos ang tugtog dahil ibig sabihin din niyon ay turn na ng susunod na kasali sa 18 roses. Isa nalang at turn na ni Nathan. Ang nakangiting si Adam Ramirez ang kasununod na lumapit sa kanya. Since hindi niya kasi sigurado kung darating ito at si Nathan inilagay niya ang pangalan ng dalawa sa dulo ng listahan ng 18th roses niya. "Happy birthday, Tam!" nakangiting bati ni Adam at iniabot sa kanya ang red long stemmed rose. "Thank's, kuya Adam! Mabuti nakarating ka..." nakangiti niyang pasasalamat dito. "Ikaw pa ba malakas ka sa akin eh. 'Yong gift mo pala nilagay ko na doon." Nginuso nito ang mesang kinalalagyan ng mga regalo. "Tapos yong mga pasalubong ko sayo bukas nalang idadaan ko nalang sa bahay niyo." "Thanks so much, kuya Adam," ang spoiled ko talaga sayo. Kuya ang tawag niya sa mga kaibigan ng kuya Bryan niya pero si Nathan ay mula ng bata pa siya ay hindi talaga niya natawag na kuya. Mabuti nalang at mukhang wala naman gumawa ng issue doon. Nakasanayan nalang din siguro. "Gusto mong ipasa na kita sa kanya?" tanong ni Adam ilang sandali habang nagsasayaw sila. Napansin kasi nito na panay ang tingin ni Tamara sa pwesto ni Nathan kung saan kasama parin nito ang kaklase ni Tamara na nakahawak sa braso nito kanina. "Anong ibig mong sabihin, kuya Adam?" Kunwari ay hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito. "You like him, don't you?" "Sino?" patay malisyang balik tanong niya. "You have a crush on your brother's best friend, brat!" statement iyon at hindi tanong. Nasa boses ni Adam ang kasiguruhan. "Be careful, Brat! Kilala mo ang kuya mo..." babala ni Adam. "Kuya Adam, lahat naman kayong lima ay crush ko. Tsaka abnormal lang siguro ang babaeng hindi magkakacrush sa inyo. Kita mo nga lahat ng babae kong kaklase ay kinikilig sa inyong anim," palusot ni Tamara. Na ang tinutukoy ay ang limang kaibigan ng kuya Bryan niya at pang anim si kuya niya. "Hahaha," tawa ni Adam. "If you say so, brat!" "Kuya Adam, dalaga na ako. So please stop calling me brat. Hindi na ako brat ngayon," reklamo niya. Paano ay lahat ng kaibigan ng kuya niya ay tingin pa rin sa kanya ay isa parin siyang brat. Na laging nakukuha kung ano ang gusto lalo na noong nabubuhay pa ang mga magulang nila ng kuya Bryan niya. Tumawa lang ulit si Adam. "Dalaga ka na nga pero para sa amin ikaw parin ang bunso namin at spoiled ka parin sa amin." Palibhasa ay nag-iisang anak lang din si Adam kaya si Tamara rin ang itinuturing nitong nakababatang kapatid na babae. "Sobrang thank you, kuya Adam!" at yumakap dito si Tamara ng mahigpit. She felt lucky na may mga kaibigan ang kuya niya na hindi na iba ang tingin sa kanya. Kahit na ngaba kung minsan ay nakakairita kapag nakikisali ang mga ito sa paghihigpit sa kanya. "Anyway, time to dance with your Prince Charming, brat." Tsaka lang namalayan ni Tamara na nasa tabi niya na pala ang next and last dance niya. No other than, Nathan Ocampo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD